the world from behind her camera
Archive for April, 2010
Tali ng Buhay (LP 103)
Apr 28th
Kung wala kaya ang mga tali ay magkakaroon ang mga kabataang ito ng lakas ng loob akyatin ang pader? Kung wala kaya ang mga tali ay papayag kaya ang kanilang mga magulang na kanilang baybayin ang pader? Ang sarap naman siguro ng pakiramdam kapag naabot mo ang tuktok!
Naalala ko tuloy ang umbilical cord ng nagdudugtong sa buhay ng sanggol sa kanyang ina. Ang TALI NG BUHAY! Sa sitwasyon sa larawan, hindi ba ang kanilang mga lubid ang nagsisilbing umbilical cord nila?
Magandang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!
Prof. Layton (LP 102: Pindot)
Apr 21st

Si Professor Layton, sya ang pinipindot ko bago ako matulog. Ay ang sagwa naman yata pakinggan, lol! Pero alam nyo na ibig kong sabihin dahil nakikita nyo sa larawan ang aking laruan na Nintendo DS (XL- malaki ang screen para sa mga tumatanda na at lumalabo ang mata
) Si Prof. Layton ang kasama ko bago matulog. Sya naghahasa ng utak ko sa pamamagitan ng kanyang mga puzzles. Sa totoo lang, nakatulong si Prof. sa pagpa-praktis ko para sa nakaraang exams (3) kahapon, sa lenguwaheng dutch lahat. Naipasa ko naman, tumawag ang eskuwelahan para lang sabihing pumasa ako, yey!
Sulit na sulit ang kakapindot ko sa laruang ito gabi-gabi
Kung tatanungin nyo naman kung maganda ang Nintendo game na ito: thumbs up!!! That is if you like puzzles. Sa dami ng nalaro ko sa Nintendo, sya ang paborito ko. 2 puzzles na ni Prof. Layton ang lumabas sa market, itong Pandora’s box ang paborito ko. Sana nga lumabas na yung pangatlo
Naku , nag endorse na naman ako ng produkto
Happy LP sa inyong lahat! Sa wakas makakabawi na ako ng dalaw sa inyo!
gray skies…I don’t mind
Apr 8th
An ‘ordinary’ sight to be seen in most part of my little town….as long as I have this spring colors, I don’t mind if the sky is gray.
I hope I can keep up blogging the coming days, I am busy doing reviews for my upcoming exams…I hope you don’t mind me not paying your blogs visit. I’m just uploading photo/s in haste right now.
Take care, you all!
Malulusaw ang taba mo, pramis! (LP 100: Kasinungalingan)
Apr 7th
NOTE: hindi ko po ini-endorse ang nasa larawan…LP entry ko lang po ito
Sa mga katulad kong sexy…este siksik pala
ay nakakaenganyong bumili ng mga ganitong produkto. Aba eh malulusaw daw ang sebo ko sa katawan (mga 30 kilos) basta uminom lang ako nyan! O e di binili ko!
Ang tanong ay, totoo naman kaya ang endorsement? Nalulusaw na ba ang mga sebo ko?
Ang alam kong nakakatulong sa aking pakikipagtunggali sa (ka)TABA(an) ay ang pag-eehersisyo ko. No pain-no gain, that is the painful truth and nothing but the truth!
Happy L.P.! Now tell me lies, people!
colorful elephant (095 & 096)
Apr 7th
Have you ever seen elephant this colorful? And this white?!
There were a bunch of them in the streets of Amsterdam last year. In the midst of old buildings they kind of oop (out of place) BUT they were fun to look at. The artist’s plan worked as people would stop on their tracks just to take photos of them






















Recent Comments