Archive for June, 2010

stoom

Toot toot! Toot toot! (LP 108 Pagbabago)

STEAM LOCOMOTIVE.

A steam locomotive is a locomotive powered by a steam engine.

Nakakatuwang makita ang ganitong uri ng tren na bihira na sa panahong ito. Dito sa Europa ang ganitong klaseng mga tren ay alagang-alaga at talagang iniingatan. Noong nakaraang Biyernes hangang Linggo ay nagkaroon ng Steam Show sa aming lugar at maraming tren at barko ang ipinamalas sa show na ito.

Habang tinitingnan ko ang mga lumang tren at barko ay hindi ko maiwasang ikumpara sa mga makabagong tren at barko na ating ginagamit sa panahon na ito. Paano na kaya kung hanggang ngayon ay steam engine pa rin ang nagpapa andar sa mga ito? Paano kaya kung hindi nagbago maging ang itsura nila?

Basta ako, sasakay pa rin ako sa kanila kung magkakaroon ng pagkakataon, magdadala nga lang ako ng earplugs lalo na kung sa steam train sasakay kasi talagang ang ingay nila, nakakabingi!!  :mrgreen:

HAPPY LP po sa inyong lahat!