Late ang LP entry ko this week kasi nasa computer hospital pa rin ang laptop ko pati files ng photos :( Kaya nagpasya na lang ako na linisin ang aking opisina slash mini studio slash exercise room na rin. Mayroong desktop sa kuartong yun pero pang trabaho lang  at kung maari ay hindi ko gagamitin pang online activities. kaso binigyan ako ng idea ng ‘anak’ ko habang nakikiusyoso sya sa paglilinis ko!

Kasama sa paglilinis ko ay ang pag set-up ng softbox na nabili ko sa eBay. 2 ang ilaw ko pero isa lang muna ang binili ko para subukan kung maganda ang kwalidad nito. Imbes na maghanap ako ng pisikal na numero (papel o kahon na may numero) para kuhanan ng larawan ay si Charlie- usisero ang ipinatong ko sa  kahon, tinapatan ng mga ilaw at presto, ang aking modelo para sa challenge ng LP!

Palagay ko sadyang si CHARLIE talaga ang nakalaang maging topic/ entry pic ko sa Huwebes na ito. Bakit kamo? Kasi ay malapit na ang kanyang ika ANIM (6) na kaarawan! Ito ay sa ika 10 ng Hunyo. Ilang taon ba sa edad ng tao kung 6 sa aso?

Anyhowkalabaw, ito ang kinalabasan ng aming eksperimento. Palibhasa ay napakaliit ng aking kuarto (sabihin ko kaya sa asawa ko na lumipat kami ng bahay? he he) kaya kung napapansin nyo ang softbox ay malapit sa kanya (makikita ang reflection sa mata) at sa kabilang mata naman ay makikita ang ilaw na walang softbox kaya medyo ‘harsh’ ang tama ng ilaw samantalang ‘soft’ ang kaliwang parte.

Sa itaas na litrato ay medyo inis sya kasi nakapatong sya sa may kataasan na box at gustong bumaba na. Sabi ko ‘zit’ (sit) muna sya. Umupo nga kaso lalong pumangit dahil nakasimangot!  Saka malalaman na inis sya kapag flat ang ulo at walang wrinkles! E di syempre kailangan magbago facial expression nya, bah, umaandar ang oras sa studio di ba? ha ha!

Solusyon? Simple lang. Kapag tinatanong sya ng “Waar is papa?” (where is dad?) o kaya ay “Waar is mama?” (where is mom?) ay lumalabas ang kanyang softer facial expression! Wala pa syang 1 year old ay alam na nyang few words na yan at ngayong almost 6 years old na sya ay sadyang marami syang mga salitang naiintindihan. Minsan ay napapakamot kami ng ulo dahil para syang tao. sayang at hindi sya nakakapagsalita, kundi tyak ang saya siguro lalo!

Ang haba na. Sana naman ay nagustuhan nyo ang aking LP entry. Huli man daw ay cute pa rin

:mrgreen: