the world from behind her camera
Ahhhhhlikabok! (LP 148)
Join us at Litratong Pinoy .Com
duster, macro
Alikabok! Iyan ang matindi kong kalaban, kalaban na walang kamay, walang paa, walang ulo, hindi nangangailangan ng black magic, pero talagang naapektuhan nya ang buhay ko at takot ako sa kanya! Bakit? Allergy. Ako ay may matinding allergy sa maliliit na particles na tulad ng alikabok, pollen, dead skin ng hayop gaya ng aso at pusa.
Buong buhay ko ay dumanas ako ng hirap sa paghinga tuwing makapal ang alikabok sa aking paligid o sa panahon ng tag-sibol dahil sa nagliliparang pollen. Maging ang aking lola noong araw ay pinagbawalan akong makipaglaro sa aming alagang pusa. Naging immune na rin ako sa mga anti histamine. Finally late last year ay pumunta na kami ng aking esposo sa ENT upang malaman ang tamang paraan para maibsan na ang aking matinding allergy, nakakaawa na kasi ang aking ilong na laging ‘running’ at hirap na sa pag-hinga. Ipina test ang ang dugo at ayun! Salamat sa doktor at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakahinga ako ng maluwag. Maging ang walls ng aking ilong na sa pakiramdam ko noon ay halos 50% na nagsarado na dahil sa pamamaga ay muling numipis at maayos na ang daloy ng hangin papasok sa aking dibdib.
Hay, kay sarap huminga! Nakakalabas na ako ng bahay na hindi natatakot sa alikabok at pollen pasukin man nila ang aking ilong.
HAPPY LP po sa inyong lahat!
| Print article | This entry was posted by Thess on May 4, 2011 at 5:32 pm, and is filed under Litratong Pinoy. Follow any responses to this post through RSS 2.0. You can leave a response or trackback from your own site. |













about 1 year ago
alam mo ngayong taon hindi ako gaanong hinihika dahil sa pollen allergy. baka daw nag-iba ang allergy ko, buti nga.
kayni´s last [type] ..LP- Alikabok Dust
about 1 year ago
Sarap mag linis ng bahay no? Kahit anong gawing linis andyan pa rin ang alikabokl.
about 1 year ago
Nakakabahin naman ang litrato na ito…
about 1 year ago
Parang may ipin yung alikabok katakyut
cheh´s last [type] ..Steinheim Castle
about 1 year ago
wahahahaha!! dentures yun!
about 1 year ago
buti naman at may tulong na para sa allergy mo..maligayang LP!
Marites´s last [type] ..Litratong Pinoy134 Alikabok Dust
about 1 year ago
Achoo! Ito din kalaban ni hubby at c!
Gizelle´s last [type] ..Alikabok-Dust