the world from behind her camera
Akin lang! (LP 91: Akin/mine)
Si Charlie ay isang maliit na aso. Malambing. Makulit. Mahilig tumakbo. Maskulado. Palalaro.
Pero ang huwag na huwag mo gagawin ay agawin ang kanyang mga laruan. Lalo na kung ito ay bilog. Gaya ng bola!
Dahil lalong lumalaki ang kanyang mga mata kapag nakakakita ng bola. Basta bola, ito ay kanya. Kaya minsan ay nakakahiya sa park dahil kapag may naglalarong aso at may bola ito, tiyak ay makikipag-agawan sya!
Sayang at hindi mo makita kung paano sya maglaro ng bola, malaki man o maliit. Walang binatbat sa kanya si David Beckham, mahusay sya maglaro ng soccer! Hindi, hindi kita binobola!
Happy LP, dear friends!
| Print article | This entry was posted by Thess on February 3, 2010 at 4:57 pm, and is filed under Litratong Pinoy. Follow any responses to this post through RSS 2.0. You can leave a response or trackback from your own site. |





















about 2 years ago
I won't dare make agaw, afraid ako baka magalit si Charlie.
about 2 years ago
ang cute ni charlie, hehe.
alamo, yan ang di ko pa mapagaralan sa photoshop. wala talaga akong oras! pero gusto ko talaga mapagaralan yan, kung di lang mashado technical.
about 2 years ago
poging pogi ang kuha ni Charlie patootie dito ah! nakatitig kasi sa nanay nya!!! hahaha! galing galing!
about 2 years ago
ATE MARIE: ha ha ha! minsan din takot ako umagaw at baka magalit si pugngo
IRIS: 'select' – 'inverse'- 'color' lang
sa isang P&S ko, color selection lang, wala ng photo-photoshop pa
CES: I'll tell Charlie na sinabi mong pogi sya he he
about 2 years ago
Pugeng-puge nga ni Charlie,kaso suplado pala pagdating sa bola nya, manang-mana sa mommy nya na Suplada, pero minsan lang naman (daw!)
about 2 years ago
Di ko maimagine na ganyan ang boses mo tita! hahaha (video sa tabi). Yung concentration ni charlie jan pareho kay charlie at daniel ko pag kumakanta ng ben at music and me.
anyway, machong macho ang tayo natin ha, charlie! tamang training sa kanya yung gamit nya ay kanya, wag lang gamit ng iba akin din hehe, peace!
about 2 years ago
naks ang galing naman nya
kakaingit :p
happy lp
about 2 years ago
ay naku, hayan at nakabantay na nga..ang kyut naman!
maligayang LP!
about 2 years ago
Hold on tight Charlie, hindi ko aagawin ang bola mo! Pormang porma ang tayo ni
Charlie at pogi pa!
about 1 year ago
ang cute naman ni Charlie…mukhang tough guy nga lang. parang mang-uupak kung maagawan
http://momsamamarazzi.com/?p=80 http://scroochchronicles.com/?p=2257
about 1 year ago
ay, apir kayo ni Fritz, Charlie!:p
*hugs* to Charlie
about 1 year ago
Aww … Men in Black!
I've got to get two of them …
about 1 year ago
Ang ganda ng portrait mo Charlie. Sayo na ang bola!
about 1 year ago
Ang cute talaga ni Charlie