the world from behind her camera
Aso sa kalsada (LP 147)
Join us at Litratong Pinoy .Com
Isa sa aking nami-miss (minsan lang naman) sa bansang aking tinitirhan ay ang ingay sa kalsada. Noong una ay talagang nanibago ako sa katahimikan sa kapaligiran lalo na kung weekend. Sa Pilipinas ay laging may tao sa mga kalsada, umaga man, tanghali o gabi…hanggang sa madaling araw!
Sa mga kalsada dito? Bihira ka makakakita ng mga batang naglalaro sa kalsada. Walang mga tambay sa kanto. Dahilan sa sarado ang mga tindahan pag sumapit ang 17:30 ay tahimik na rin ang mga lugar na pamilihan.
Isang araw ng Linggo (Sunday) ay itong aso na ito na nakatali sa poste ang aking nakita sa kahabaan ng isang kalsada. Nag-iisa sya. Hinihintay niya ang kanyang amo na maaring may pinuntahan lamang saglit.
Kung tatanungin mo ako na kung kakayanin ko ba maglakad sa kalsadang gaya ng iyong nakikit sa gabi ay HINDI ang aking isasagot. Dahil sa ito ay sobrang tahimik. Mas gusto ko lakarin ang mga kalsada dito kung may tao sa paligid. O kaya naman ay kung may malaki akong aso na kasama, go ako!
Happy LP po sa inyong lahat!
| Print article | This entry was posted by Thess on April 27, 2011 at 5:53 pm, and is filed under Litratong Pinoy. Follow any responses to this post through RSS 2.0. You can leave a response or trackback from your own site. |



about 1 year ago
mukhang masaya yong aso. gusto ko ang black and white photos.
maligayang araw ng LP.
about 1 year ago
Hi Kayni! Hindi nga nya kami pinapansin ng mister ko kasi naka concentrate sya kung saan nya huling nakita yung amo nya
Thanks for visiting!
about 1 year ago
Naku ako din para siguro akong makakita nalang nang kung ano2x. Iba nga dito sa ibang bansa walang mga tao ang kalsada. One time naglakad ako try ko lang aba bumalik ako sa bahay namin feeling ko parang may ki-kidnap sa akin lol…feeling lang naman lol!
Kalsada/Street
about 1 year ago
Tita, punta ka dito, puro T (Pabo ang nagkalat na bata)
Kokonti na lang din siguro ang kalsada rito na walang tao…pero minsan nakakatakot pang maglakad kung ang mga tao ay yung mga may dalang plastic bag na ang laman ay mga ninakaw nilang wallet 
Gizelle´s last [type] ..Road- Kalye
about 1 year ago
ha-ha! parang nag alinlangan ang aso kung susunod sa amo o hindi
Happy LP!
about 1 year ago
naalala ko tuloy yung signage sa kabilang kalye: masaya po ang videoke, pero magpatulog naman po kayo pagpatak ng alas dyis ng gabi. haha
buti hindi sya hinuli ng mga taga dog pound.
Heto po ang nangyari sa aming kalye.
Maligayang LP!
Dyes´s last [type] ..LP- Dito Po Sa Amin
about 1 year ago
sa tingin ko nga, mas nakakatakot ang tahimik na kalsada. mukhang matapang iyong aso ah.
Marites´s last [type] ..Litratong Pinoy133 Kalye Road
about 1 year ago
bakit walang bata sa kalsada tita thess? pero korek ka diyan sa ingay ng kalsada dito sa tin. may nagvi-videoke pa! walang patawad. haha.
about 1 year ago
Magandang aso, Thess! at kagaya mo takot rin ako maglakad sa kalye na napakatahimik. Tahimik nga pero di natin alam baka merong mga nakaabang na mga bad elements in one of those corners. lol! i watched to many horrible movies. lol!