the world from behind her camera
Thess
This user hasn't shared any biographical information
Posts by Thess
Testing Canon G12 on J. Vermeer
Mar 16th
The Milkmaid (c. 1658)
I had two choices. An upgrade for my ipad 1 or a camera. Since I am having back problems and couldn’t carry a camera backpack with 2 bodies and few lenses anymore (when traveling in and out of the country) the answer was pretty simple.
I took some test shots and this is one of them. I used my father-in-law’s own reproduced painting of Johannes Vermeer. Light sources were coming from all directions AND I set the ISO at 3200 instead of 100! (read later why) ….hence this isn’t really a ‘justified’ presentation of the painting. One of my favorites among my father-in-law’s work. I tell you he’s got a lot. Quality work by someone who did not have any training but used solely his fantasy when painting.
I chose this point and shoot camera relying solely on reviews I read online. I am keeping my fingers crossed hopefully this is the P&S camera I have been searching for to use daily and who knows..even on vacations. One important thing I must do first before I get back to doing photography at full speed..gotta visit the optometrist because my vision is really poor at near distances, I miss doing macrophotography
Johannes, Jan or Johan Vermeer (Dutch pronunciation: [vərˈmɪər]; baptized in Delft on 31 October 1632 as Joannis, and buried in the same city under the name Jan on 15 December 1675) was a Dutch painter who specialized in exquisite, domestic interior scenes of middle class life. Vermeer was a moderately successful provincial genre painter in his lifetime. He seems never to have been particularly wealthy, leaving his wife and children in debt at his death, perhaps because he produced relatively few paintings.
Vermeer worked slowly and with great care, using bright colours and sometimes expensive pigments, with a preference for cornflower blue and yellow. He is particularly renowned for his masterly treatment and use of light in his work.[4]
Recognized during his lifetime in Delft and The Hague, his modest celebrity gave way to obscurity after his death; he was barely mentioned in Arnold Houbraken’s major source book on 17th century Dutch painting (Grand Theatre of Dutch Painters and Women Artists), and was thus omitted from subsequent surveys of Dutch art for nearly two centuries.[5][6] In the 19th century Vermeer was rediscovered by Gustav Friedrich Waagen and Théophile Thoré-Bürger, who published an essay attributing sixty-six pictures to him, although only thirty-four paintings are universally attributed to him today.[2] Since that time Vermeer’s reputation has grown, and he is now acknowledged as one of the greatest painters of the Dutch Golden Age.
read the rest here..
Kayumangging awitin (LP 142)
Mar 9th

APO Hiking Society. Silang tatlo ang pumasok sa isip ko nang naghahanap ako ng larawan para sa LP challenge ngayong Huwebes.
Silang 3 na nilipad ang iba’t ibang sulok ng mundo upang makapiling ang kanilang mga kababayan kahit man lang panandalian sa pamamagitan ng musika, sa pamamagitan ng pagbibigay kasiyahan. Kababayan na tulad ko’ng kayumanggi.
Silang 3, Buboy, Danny at Jim- kayumangging Pilipino. Sino sa inyo ang hindi nakakakilala sa kanilang mga kayumangging awitin?
Maligayang araw ng Litratong Pinoy po sa inyong lahat!
Paborito ko ay PULA (LP 141: bughaw )
Mar 2nd
Join us at Litratong Pinoy .Com
Ang aking paboritong kulay ay pula. At itim (pero sabi nila ay hindi ito kulay.)
Subalit ng simulang ako ay manirahan sa bansang ito (Holland) ang aking paboritong mga kulay ay nadagdagan ng asul! At kung dati ay panay ang reklamo ko na : ‘ang init init naman!’ kapag summer na sa Pilipinas, ngayon ay panay ang dasal at hiling ko na sana ay lagi na lang summer ang aming panahon. Hindi po ako nagbibiro.
Dahilang mas malimit na nakalulungkot na abo (gray) ang kalangitan sa bansang ito keysa sa asul. Suwerte na kami kapag ang aming summer ay mainit talaga. Hindi po biro kung sasabihin ko na parang langgam ang mga Dutch ( o mga tao sa kalakhang Europa) na biglang nagsusulputan at naglalabasan sa kanilang mga bahay kapag sumisinag ang araw, kapag nagiging asul ang kapaligiran. Malamig man (winter) or mainit (summer) ang mga tao po dito ay nakatingala agad at talagang ninanamnam ang init ng araw at ganda ng bughaw na langit!
Kung ako na dati ay takot umitim…ngayon ay isa ako sa nakatingala agad at halos ihampas (kung pwede lang) ang aking pagmumukha sa araw matikman lamang sya…paitiimin mo ako , araw! At kapag bughaw ang kalangitan sa labas?
Galit na kami ng internet connection ko, dahil talagang lalabas ako at iiwan ko sya!
Konting make up, okay na! (LP 140)
Feb 23rd
Join us at Litratong Pinoy .Com
Noong aking kabataan, kapag nakakakita ako ng mga babaeng may make up ako ay namamangha. Minsan naman ay pakiramdam ko ay ang áarte’ naman nila! Dahil ako ay lumaki sa isang pamilya ang bibihira ang gumagamit nito. Ang aking ina ay lipstick lamang sa tuwina ang nakikita kong ginagamit samantalang ang aking mga tiyahin naman ay ganuon din. Naririnig ko pa sa mga kalalakihan na ‘hindi maganda sa babae ang may make-up’. Mayroon pang nagsasabing mukha ‘belyas’ang babae kapag may make up! (Sobra naman yun!) Makalumang kalalakihan o ayaw lamang titingnan ng ibang lalaki ang kanilang magandang asawa o kasintahan? Hmmmm….
Tumuntong ako sa edad na naging ganap na dalaga, natutong gumamit ng make up dahil kinakailangang maging presentable sa trabaho. Walang masama sa pag-gamit nito. Napatunayan kong may naidudulot itong tulong sa isang babae. Lalo na yuong hindi nabiyayaan ng angking kagandahan. Sabi nga nila ang pangit, napapaganda ng make-up madalas. Totoo po yan. Isa ako sa prueba
Hindi kinakailangan na makapal ang ipahid mo sa iyong mukha bagkus ay kung tama lamang, ang kagandahan ng isang babae ay mapapansin. Kung sadyang maganda naman siya ay konti o banayad na make up lamang ay tiyak siya ay lilingunin ng mga kalalakihan man o kababaihan. Sa panahon ngayon ay walang gustong makakita ng mukha ng isang babae na wala man lang kahit konting kapayakan. Aminin man nating mga babae o hindi, kapag maayos tayo sa ating sarili, mukha man o katawan, tayo ay nakakaranas ng saya at nagkakaroon tayo ng kumpiyansa.
Basta ako, may konting kumpiyansa kapag may konting kulay man lang sa mukha kapag lumalabas ng aming bahay. Kailangan eh. Baka magtakbuhan sa takot makakasalubong ko kung walang make up!
Happy LP sa inyong lahat!
ITO ( LP 139)
Feb 16th
Join us at Litratong Pinoy .Com
Lunes ng umaga ng biglang tumawag ang aming ini- hired ilang taon ang nakaraan na upang i-renovate ang ilang bahagi ng aming bahay. Kailangan niya nang larawan na aming bathroom. Kailangan niya ito para sa kanyang website. Ang sabi ko sa kanya ay ako na lang ang kukuha ng larawan dahil alam kong manggagaling sya sa trabaho at tiyak na pagod na ito, madungis pa
Ipinagiba namin ang buong banyo (haligi lang ang hindi ginalaw) at kabuuan nito ay ako na lang ang nag disenyo tutal ay maliit lamang ito at pareho naman kami ng gusto ng aking mister. Simple. B & W ang aming napiling kulay. Dahil sa maliit lamang ang sukat nito kaya mula sahig hanggang haligi ay ginamitan ng black tiles para mabigyan ng konting depth.
ITO ang aking trono
The city that was Rome. (LP 138: Ala-ala)
Feb 9th
Join us at Litratong Pinoy .Com
Nasa highschool ako ng magsimula akong mangarap makarating sa iba’t ibang lugar. Yun ba’ng dahil sa world history subject ay napukaw ang curiosity ko. Unang bansa na talagang ginusto ko mapuntahan ay ang Ehipto, dahil sa kanyang pyramids. Kakaiba nga ako kasi ang marami sa kakilala kong ka-edad ko noon ay ‘America’ and sagot kapag tinanongmo kung saan nila gusto pumuntang bansa. Ako ay Ehipto ang aking sagot.
Subalit hanggang sa ngayon ay hindi ko pa napupuntahan ang bansang ito. Sana naman ay bago ko ipikit ang aking mga mata ay matupad ang pangarap na ito.
Pero isang lugar na aking napuntahan ang talagang masasabi ko na hinding hindi ko makakalimutan pa. Binabalak na naming mag-asawa na balikan ito dahilan sa magandang ala-ala na idinulot nito. Kagaya ko ay gustong makita rin ng aking mister ang mga pyramids sa Ehipto pero dahil sa ang mapuntahan ang ciudad na Roma ay kasama sa aming pangarap, amin itong pinuntahan noong Disyembre 2009.
Sa tourist bus pa lang ay natahimik lahat ng pasahero (kasama na kami) ng tumambad sa aming pangin itong Colosseum.
Kakaibang pakiramdam ang dulot ng gusaling ito..at least para sa akin at aking esposo. Ipikit mo lamang ang iyong mga mata ay para ba’ng narooon ka sa panahong buo pa ito, maingay ang kapaligiran dahilan sa mga ‘palarong’ nangyayari sa loob nito na kung saan ang mga ‘gladiators’ ay ginagawa ang lahat para lamang sila ay manatiling buhay! Nai imagine nyo ba na ikinatutuwa na ay nagbabayad pa ang mga tao noon upang makita lamang ng dugo at may nagpapatayan?
Mga litratong kinuha ko sa aking baol, may mga nai post na akong iba noon subalit ang mga ito ay kasama sa set at ngayon ko lang nailathala.
Sa unang larawan ay makikita ninyo ang nalalabing piraso ng outer wall ng Colosseum. Tinibag ng mga tao ang malaking parte ng Colosseum upang gamitin sa pagtatayo ng kanilang mga bahay. Kahit ang ibang materyales na ginamit sa St. Peter’s Cathedral sa Vatican ay galing sa Colosseum.
Pag-kagat ng takip silim ay may nagpapatrolyang auto ng pulis na paikot ikot sa Colosseum. Ilang beses din na tinigilan nila ako dahilan sa nakaupo lang ako ng matagal sa harap nito at nakatingala…nakatulala. Hindi nila alam ako ay hangang -hanga sa aking nakikita!
Napakagandang ala-alang iniwan sa ciudad ng Rome ng kanilang ninuno. Saludo ako sa gobyernong italyano at kanyang mamamayan sa pagmamahal sa mga ala-alang nakapaligid sa kanila.
Happy LP, everyone!
Happy Birthday, Papa (LP 137: Kaarawan)
Feb 2nd
Join us at Litratong Pinoy .Com
Sana ay 67 years old ka sa araw na ito. Sana. sana….
Ang aking ama sana ay magdiriwang ng kanyang ika 67 taon sa petsang ito, kung hindi lamang sya pumanaw ng wala sa panahon nitong nakaraang taon lamang. Bakit naman psp game console ang nakikita mo sa larawan?
Taong 2008, huling beses ko’ng nakitang buhay, nagbibiro, naiiiyak sa tuwa, naglalambing at nagtatampo ang aking ama. 64 years old na sya noon. Ilang taon ding nagdusa sya ng husto dahilan sa kalahati ng kanyang katawan ay wala ng pakiramdam o paralyzed (aneurysm, hypertension, heart attack…ilan lamang sa dumapo sa kanyang katawan) pero ganunpaman ay nilabanan nya itong lahat sa loob ng 13 taon. pero bago ako maiyak pa ay balikan ko na ang aking istorya kung bakit psp ang nasa larawan…
Dahil yang aking laruan ay kanyang ‘inawitan’ noong magkita kami. Mana ako sa aking ama pagdating sa mga gadgets at laruan, super hilig. Hindi nakakapagtakang kahit hindi nya halos maigalaw ang kanyang mga daliri ay gusto nyang maglaro ng psp kasi nabo bored sya sa laging paghiga at ‘naghihintay’ na lamang sa kung ano man ang mangyari sa kanya….
Subalit hindi ko ito iniwan sa kanya. This may sound crazy but I still beat up myself for not giving it to him. Ano ba namang iniwan ko ito sa kanya para may libangan sya? Madami akong regrets, pinakamalaki sa lahat ay wala ako sa tabi nya ng ipikit nya ang kanyang mga mata …sana lang, kung pwede lang maibalik ko ang oras..marami akong babaguhin sa abot ng aking makakaya.
Naku hindi ko binalak na mag-drama…espesyal lang para sa akin ng araw na ito. Sabi ko nga sa sarili ko, hindi bale nang lagi ako maiiyak tuwing maaalala ko ang aking ama at masakit pa rin…pero..bring it on!
Happy Birthday Papa.
Softie Jacob and Gizmo (LP136: Malambot)
Jan 26th
Ang dami kong naisip isali na litrato sa temang ito pero ito ang pinaka napili ko’ng ilahok. Ang 2 (sa 3) kong ferrets. Lahat silang 3 ay namamayapa na. Ito ay sila Jacob (kaliwa) at Gizmo (kanan). Ang mga ferrets ay may flexible at malambot na pangangatawan, na kung matulog minsan ay halos gawin ng unan ang sarili nilang mga tiyan!
Pero huwag kayong papadaya sa ka-cute-an ng ferrets. Hindi ito basta-basta mahahawakan ng sinoman kung hindi alam ang tungkol sa mga ito. Masakit silang mangagat! Sa wild ay hunters sila, carnivore. Daga, kuneho, isda, manok at iba pa, yan ang kanilang pagkain. Kung domesticated naman ay may ispesyal na diet food para sa kanila. Sa wild ay tinatayang umaabot sila ng max. 7 taong gulang. As pets, basta maayos ang pag-aalaga ay umaabot sila 7-10 years old.
Gustong gusto ko silang pinapanood habang natutulog dahil talagang nakakatuwa sila. Super sweet sa isa’t isa at laging magkadikit. Dahil sa kalambutan ng kanilang mga katawan ay kinakailangan din malambot ang kanilang higaan upang hindi masaktan ang mga likod nila.
Hayan, bigla ko na naman silang namiss…*sigh*
Maligayang LP po sa inyong lahat!











Recent Comments