the world from behind her camera
Thess
This user hasn't shared any biographical information
Posts by Thess
Nandito na si Santa Claus! (LP 180: Kapit)
Dec 14th
Join us at Litratong Pinoy.Com
Ang aming Santa Claus. Halos buong buwan ng Disyembre na nakasabit sa loob ng aming bahay.
Noong bata pa ako ay laging excited kapag darating ang kapaskuhan. Hindi lamang dahil sa masaya ang panahon na ito, malaking tsansa na makakuha ng magagandang regalo, masasarap na pagkain na inihahanda ng aking lola at mga tiyahin/tiyuhin, masasayang pamaskong tugtugin na naririnig at higit sa lahat ay bakasyon sa eskwelahan, yehey!
Pero kagaya ng ibang bata-batuta, hinihintay ko rin ang pagdating ni Santa Claus! Laging tinitingnan kung may laman na ang medyas na aking isinasabit sa pinto o haligi ng aming bahay. Madalas ay tsokolate at kendi ang inilalagay ni Santa sa aking medyas
Ang mga pamaskong regalo ay nasa ilalim ng Christmas tree.
The child in me still believe in Santa
Happy L.P., everyone!
LP 178 Advent (Pagdating NYA)
Nov 30th
Unang araw ng Disyembre na. Disyembre na! Parang kanina lang ay kasisimula lamang ng buwan ng Enero 2011, ngayon ay sa loob lamang ng ilang linggo ay matatapos na ito…bakit naman ang bilis ng pagtakbo ng panahon?!
Marami sa atin lalo na ang mga bata ay ‘excited’ sa pagtapak ng Disyembre dahil Pasko na! Sa pananaw ng isang bata ay panahon ito ng masasayang pangyayari lalo na ang araw na sila ay mabibiyayaan ng mga regalo ng kanilang mga magulang. Napakasaya nga naman, Sa ating nakatatanda, atin (pa) ba’ng ikina i-excite ang pagdating ng buwan na ito? Atin pa rin ba’ng inaalala ang tunay na kahulugan ng buwan na ito?
Hindi ako isang preacher upang mangaral sa ating mga nakatatanda na. Bagkus ay kagaya ng nakararami, minsan ay nakakalimot din ako kung ano ang tunay na kahulugan ng Kanyang Pagdating. Pero ito ang alam ko. Ibinigay ng Diyos ang Kanyang anak upang bayaran ang akin at iyong mga kasalanan. Isang uri ng pagmamahal na hindi nagbabago dahil tayo ay ‘nakakalimot’ o kahit ang marami sa atin ay hindi ibinubukas ang kanilang mga pinto (puso) para papasukin ang Dumating. Huwag lang sana tayong maghintay ng matagal na panahon na gawin ito. Iyong ibinubukas ang pinto kapag may kumakatok sa kabilang panig nito, hindi ba? Andyan na Sya, kumakatok….iyo sanang pagbuksan.
Note: ang larawan ay isa lamang representasyon, akin pong sariling interpretasyon ng temang ito. Si Hesus na aking tinaggap bilang aking Lord at Saviour ay nasa aking puso, wala siya sa ano mang gawa sa kamay na aking nakikita sa aking paligid.
Magandang araw ng PAGDATING sa inyong lahat!
Happy LP
Pa autograph naman, please? (L.P 177: sulat-kamay)
Nov 23rd
Regalo ng aking esposo noong aking nakaraang kaarawan (Aug. 2011) ay ang ma-experience ang seminar ni Scott Kelby! Siyempre pa ako ay hindi magkamayaw sa tuwa sa dahilang may photoshop man ako sa aking laptop ay hindi ko ito nagagamit ng husto. Puro watermarking at resizing lang ang alam kong gawin dito. Sa ngayon ay yan pa rin ang aking nalalaman, ha ha ha! Oras at oras at oras ang kailangan upang magamit ito ng husto. Wala ako nito. :/
Balikan ko lamang ang aking isinusulat bago ako maligaw at kung ano pa ang maikwento ko….ito ang sulat kamay ni Scott Kelby (ay! hindi mo kilala? paki google mo
) Napakabait ng mamang ito! habang break sa kanyang seminar ay hindi sya lumabas para magkape man lang kung hindi ay inimbitahan niya ang mga naroon na kung may katanungan sila ay lumapit lamang at kanyang sasagutin ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya. Syempre pa, isa ako sa lumapit. Nagtanong, nagpakuha ng litrato at nagpa-autograph
Scott Kelby, you da man!
Munting basahan (LP 176: basahan o pamunas)
Nov 16th
Join us at Litratong Pinoy .Com
Mumunting pamunas o basahan. Ating ginagamit sa ating mga gamit sa potograpiya. Dahilan sa sensitibo ang mga parteng kagaya ng mga lente at sensors nito ay kinakailangan espesyal na pamunas ang ating gamitin upang sila ay linisin. Hindi maaaring basta-bastang pamunas ang iyong ikikiskis sa iyong lente/sensor kung hindi ay ‘kiss your gadget goodbye’ dahil tiyak ito ay magkakaroon ng mga gasgas!
May kamahalan ang mga basahan na ito pero kailangan ng pag-iingat sa mga gamit na hindi naman mumurahin at madaling palitan. Ano say mo?
Magandang araw ng Litratong Pinoy sa inoyng lahat!
I’ll race you, honey!
Nov 11th
*click for a larger image*
They’ll hiss at you if you get too close. With open beaks and wings they’ll run after you if they don’t like you. Oh and yes, they bite too!
Why be chased away and hissed at by these beauties when all you want to do is capture them with your camera?
I always make they COME TO ME.
Bread.
Yep, bring them some bread and they’ll let you have your moments (^0^)
Spotted Garden Eel
Nov 10th
Scientific name: Heteroconger Hassi
Back in October this year was the first time I ever laid eyes on this creatures. Impressive and beautiful little ones! I was so impressed that if ever they’re available here, I would love to have an aquarium full of them
Spotted Garden Eel - Their appearance is like a slim straw. They can grow up to 16 inches long although you may never see more than a quarter of their body as they remain partially hidden in the sand. They get their name from all the tiny odd-shaped spots covering the body including three large solid black spots. They have large yellow eyes. Several may be kept in the same aquarium. This eel is fairly passive and it is unlikely it would attack any inhabitants. They require several inches of sand in the aquarium for hiding and burring themselves.
more here












Recent Comments