Join us at Litratong Pinoy.Com

Minsan ay niyaya akong mamasyal sa parke (kagubatan :P ) ng kaibigan kong si Christa (nasa larawan.) Alam niya na hilig ko ang potograpiya kaya siya mismo ang nagsabing bitbitin ko ang aking camera, na akin naman ginawa.

Itong pinagdutong-dugtong na baging na ito ang kumuha ng aking pansin ng araw na iyun! Sabi ko sa kanya na nais kong kuhanan sya ng larawan na nasa ilalim ng mga baging. Nakakatuwa ang mga baging ano?!

Yan ang aking ‘dugtong’ sa Huwebes na ito. Maligayang L.P. sa inyong lahat!