Hindi ako masyadong mahilig sa malalaking abubot sa katawan kagaya ng makapal na purselas na ito ng nabili ko nuong Agosto sa Greenhills, San Juan. Hindi ko alam kung bakit ko ito binili samantalang hindi ko nga ito hilig. Malamang ay dahil sa nanibago ako sa pakikipag TAWARAN ng presyo sa mga tindera. OO, dahil nga duon. Medyo bago na para sa akin ang gawaing ito dahil dito sa Holland ay hindi uso na tatawaran mo ang mga bilihin. Minsan ay napagsabihan pa ako ng aking biyenan (Dutch) na taliwas iyon sa kagandahang asal, argh!

Ikaw mahilig ka ba tumawad kapag namimili ka? Ako ay oo, subalit nagagawa ko lang ito sa Asia. Nakakapanibago para sa akin pero nakakaaliw din lalo na kung ibinibigay ang presyong itinawad ko!

Magandang Huwebes sa inyong lahat at HAPPY LP!

  »   This entry was posted on Wednesday, October 15th, 2008 at 6:42 pm and is filed under Canon EOS 40D, Litratong Pinoy, Sigma 105mm F2.8 EX DG. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

31 Comments »

jeanny said — October 15, 2008 @ 6:56 pm

Tumawad…dati hindi pero natuto ako sa asawa ko…ang tawad ko kalahati kagad, minsan ubra minsan sasabihin sa akin ng tindera….atiii naman wala pa sa puhanan tawad mo hahaha!!!!!

Ganda ng bangles….akin na lang hahaha…

happy LP

jeanny’s last blog post..LP: Bago nga kaya? Ating alamin!

    THESS: natawa ako sa ‘atiii’ ikaw talaga :D ako naman nagturo sa asawa ko na tumawad..basta wala byenan ko kasi naiinis kapag tumatawad ako :P
    binebenta ko purselas, mura lang ha ha ha!
Jay said — October 15, 2008 @ 7:04 pm

baka yung kulay o yung design ang nagustohan nyo kaya nyo binili. ako din minsan may nabibili tapos pag uwi ayaw na :(

eto aken lahok

magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Jay’s last blog post..LP#29: Bago nga Kaya (is it new?)

    THESS: tama ka jay, desenyo din nagustuhan ko :) mana pala ako sa iyo eh, may mga nabibili rin ako na pinagsisisihan ko pag naiuwi na…sayang ang pera ano?
ces said — October 15, 2008 @ 7:18 pm

give away na yan tita thesserie ha! :hmm: :shh: sakn nalang! hehe! mahilig ako sa abubot at sa oula…lalalalala…

ces’s last blog post..By: thess


    THESS: uy Tita Cesserie, hilig ko din pula! suot ko nga ngayon ay pulang t-shirt at pulang sweat shirt on top. Give away? kelan ba birthday mo?
    TINATANONG KO LANG HA! lolololol!
ces said — October 15, 2008 @ 7:18 pm

hala sakn naman talga galit ngayon ang commentluv mo:) waaahhh!!!

ces’s last blog post..By: thess

Dr Emer said — October 15, 2008 @ 8:10 pm

Sabi ng suki ko, ang humihingi daw ng tawad ay yun lamang may mga kasalanan sa kanya. Alam ko, palusot nya lamang yan yun para tumigil ako sa pagtawad kapag may binibili sa kanya. Tuloy pa din ako sa paghingi ng tawad. :pray:

Very elaborate ang design ng red bracelet mo. I’m happy nakahingi ka pa ng tawad dito.

Happy LP!

Dr Emer’s last blog post..Anything New?

    THESS: Doc, ganyan din sumagot sa kliyente maam ko nuon, may tindahan kasi kami sa market. lalo na kapag nababaratan sya ng husto sa tao, sasagot sya ng: Bakit kita papatawarin, may kasalanan ka ba? o di ba, hindi suplada ha ha!

    Nagandahan din ako sa desenyo, pulido sya. At from P300 nakuha ko ng P150. Happy LP din!

Willa said — October 15, 2008 @ 8:11 pm

ako naman,nahihiya tumawad,kung minsan yung tindera na ang nag-o-offer,pero yung pinsan ko,masarap kasama sa Divisoria,magaling tumawad,kulang na lang hingin yung paninda :lol:

    THESS: Nung nagpunta naman ako sa Greenhills, kasama ko aunt ko na balikbayan din na sa tagal ng nawala sa Pina say pilipit na dila mangalog, ayun! hindi kami mapatawad ng ibang tindera kasi naririnig sya nagsasalita ng inglis, grrr *lol*

farah said — October 15, 2008 @ 11:04 pm

bagong bago a? ang ganda pa! makabili nga din ako hehehe… :)

farah’s last blog post..MY FOOD BLOG.

Pinky said — October 15, 2008 @ 11:41 pm

Ibang klase ka pala pag nacha-challenge, Tita Thess… napapabili kahit ayaw - hahaha! :lol:

Di bale ganda naman ng pulseras mo - at napaka-attractive pa ng kulay - I like! :heart:
Pinky’s last blog post..LP #29: Bago nga ba?

fortuitous faery said — October 16, 2008 @ 12:30 am

uy ang ganda!

nakakatawad pa rin ako dito…sa chinatown sa new york! hehe. :hehe:
fortuitous faery’s last blog post..litratong pinoy#26:bago nga kaya?

Yen said — October 16, 2008 @ 12:55 am

Maganda nga! Akin na lang yan:) Mahilig ako sa pula! hehe
Ito ang aking Bago Nga Kaya na lahok;-) Happy LP!

ShutterHappyJenn said — October 16, 2008 @ 1:55 am

Yan ang di ko natutunan sa mga magulang ko, ang tumawad. Ang aking ina ay talaga namang magaling sa pakipagbaratan! :scared:

Ang aking lahok ay naka-post na dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!

ShutterHappyJenn’s last blog post..Bago Nga Ba? (Is it Really New?)

lino said — October 16, 2008 @ 2:20 am

decor mo na lang sya, hehehe… happy huwebes!!! :)

lino’s last blog post..bago nga kaya?

carol bustos-santiago said — October 16, 2008 @ 3:28 am

at least may isa ka nang pang-regalo sa pasko :)

carol bustos-santiago’s last blog post..LP Bago Nga Ba?

Moonlight Mom said — October 16, 2008 @ 5:24 am

Gawang resin kaya sya? Maganda, ang intricate ng design. :) Ako naman pag nakabili na, nagtatanong pa ulit sa ibang tindahan. Sumasama tuloy loob ko kung mas mura ang bigay nung napagtanungan ko kesa sa nabili ko. :(

http://moonlight-mom.blogspot.com/
http://linnormarikit.wordpress.com/

Moonlight Mom’s last blog post..Litratong Pinoy: Bago Nga Kaya?

Cookie said — October 16, 2008 @ 5:28 am

magaling akong tumawad. kaya nga mas gusto kong mamili sa divisoria at dun sa mga lugar kung saan pwedeng tumawad :)

Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Bago Nga Ba?

Clicking Awat said — October 16, 2008 @ 6:43 am

Sayang naman ang purselas na iyan… maganda pa naman ang kulay at detalye. Dapat gamitin mo din siya paminsan-minsan.

Natuwa naman ako sa father-in-law mo - super decente naman ng mga Dutch. Siguro kasi diyan hindi tumutubo ng malaki ang mga negosyante hindi katulad sa ibang parte ng mundo na iisahan ka pa sa presyo. Medyo, iba nga lang ang feeling kapag tumatawad ka at ika’y pinagbigyan no? Para kang nanalo sa sweepstakes pero kung tutuusin eh panalo pa rin ang tindero kasi may tubo pa rin din siya doon :)

Clicking Awat’s last blog post..LP 029 - Bago nga Ba?

JoyD said — October 16, 2008 @ 7:02 am

Naku di pala pwde dyan ang tumawad… kainis nga ano…

JoyD’s last blog post..Litratong Pinoy(Bago nga kaya?)

pining said — October 16, 2008 @ 10:45 am

ang gandang purselas nyan, pang kuhang pansin dahil pula :)
dito naman nakakatawad din sa market place, mas maigi yun, lalo na sa panahon ngayon!
maligayang araw sa ‘yo Thess :)

pining’s last blog post..Bago!

komski said — October 16, 2008 @ 12:17 pm

May mga nakakaasar kung tumawad kaya, I know kasi tindero ako, hahaha. E alam ko kung magkano puhunan tsaka kung magkano namin binebenta, lalo na kung yung mga uniporme na sariling tahi namin:P Haay, naiinis lnag ako:P Pinapasa ko na lang sa tatay ko pag nagkataon. Arrrgh:P

komski’s last blog post..girbaud.

G_mirage said — October 16, 2008 @ 1:59 pm

Tita thess…Purselas ba yun o Pulseras??? :shh: isip isip ako!

Ako naman, binibigyan ng discount pero ako nahihiya hehe, gaya nung minsan bumili ako ng maki at preskong (?) isda sa palengke (Pinoy ang tindero) imbes na 8euro ang maki ay 5 na lang, at ang isda, me tawad na ilang gramo! hehe. kaya ayun - :pom: - ako! Punta ka dito at makikipagtawaran tayo! :hug:

G_mirage’s last blog post..Silly me!

    THESS: Tita G, ni google ko pa at yan ang lumabas kasi hindi ko rin talaga alam ho ho ho! kainis ka pinag isip mo pa ako :P
    Ay wag na mahiya kung kusa naman binigyan ng discount, saka ang isda dito sa europe ay talagang dapat tawaran dahil sa sobrang mahal. Tilapia ay almost 800Pesos kilo dito hu hu!
peachkins said — October 17, 2008 @ 2:39 am

Hay naku,oo mahilig akong tumawaf lalo na at alam kong mahal talaga ang pagkakapresyo..

Nandito po ang sa akin..

Happy LP!

peachkins’s last blog post..Bago nga Kaya??

caryn said — October 17, 2008 @ 5:58 am

uy, oo naman! tawad to the max! ;-) that’s a pretty bracelet! great buy

caryn’s last blog post..Wings of Excellence: Push-button societies (1)

Reflexes said — October 17, 2008 @ 6:45 am

dito pwede…last price? hehe kailangan kundi man mas mababa ay dapat tapatan nila ang kakompitensya…:happy:

Reflexes’s last blog post..Where in the World?

Dyes said — October 17, 2008 @ 9:52 am

talagang napapalutang mo ang kagandahan ng kahit na pinakasimpleng bagay!

ang galing!!!

Dyes’s last blog post..LP : Bago

Shuttercow said — October 17, 2008 @ 9:58 am

Matutong tumawad at magpatawad… hehehe

Salamat po sa paglagay ng komento sa blog post ko.

You’ve got some cool pictures here. Ang galing!

Shuttercow’s last blog post..Litratong Pinoy#29: Bago nga kaya?

K said — October 17, 2008 @ 7:28 pm

That’s a nice porselas, it is so Shanghai Tang. I’m wondering kung carving sya from kahoy, plastic or ivory. Ganda. Pati ang bagong theme, BAGO.

purplesea said — October 18, 2008 @ 7:32 am

dito naman, tingin ko nag-eenjoy din naman mga tindera sa pakikipagtawaran e. nawiwili sila lalo pa’t maghapon silang nakaupo at naghihintay ng kostumer.

purplesea’s last blog post..LP: Bago Nga Kaya?

korky said — October 19, 2008 @ 3:21 pm

hehehe. iba iba talaga ang kultura sa mundo at magkakaiba din ang maganda at hindi magandang asal. sa ibang mga bansa, lalo na sa middle east, dapat tumawad ka pagnamimili sa market nila.

salamat sa pagbisita :)

korky’s last blog post..Car Insurance

iris said — October 20, 2008 @ 2:59 am

hi tita thess! di pa pala ako nakakadaan dito. :hihi:
ang cute ng bracelet mo! meron akong pendant na parang ganyan din ang yari at red din siya.

at oo, mahilig ako tumawad pero parang hindi ako magaling doon!

iris’s last blog post..Are you a murderer?

Meeya said — October 23, 2008 @ 3:37 pm

saan siya gawa? plastic? ang cute naman! at gusto ko ang color, hehe. :D ako din hindi bihasa makipagtawaran, ewan ko ba, parang nagui-guilty kasi ako na binabawasan ko yung kita ng mga tindera pag tumatawad ako ng mababa haha!

akin na lang pag ayaw mo ;)

nina said — October 24, 2008 @ 9:50 am

maganda yong breacelet kaya mo siguro binili :) tumatawad ako pag minsan, uso dito yan sa Qatar.

nina’s last blog post..LP - Liwanag

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Subscribe
FLICKRing
Calendar
July 2009
M T W T F S S
« Jun    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Categories

Archives
Search

Online Help
Beautiful Visitors
I Play
Admin and Credits