the world from behind her camera
Bunga ng pagpa-Plano (LP 90)
Isang parte ito ng aming bakasyon sa bansang Thailand na hindi ko makakalimutan. Involved dito ay isang pamilya ng squirrel.
Sa aming paboritong hotel (at dati kong pinagtrabauhan) ay may ilan na ring uri ng hayop at ibon akong nakita na hindi normal na makikita sa araw-araw. Noong early 1990′s dito ay may makikitang baby elephant na ginamit bilang mascot. Tuwing umaga ay ipinapasyal ito ng kanyang trainer sa iba’t ibang facilidad ng hotel para batiin ang mga hotel guests. Sa ngayon ay ipinagbawal na ng hari ang pagta-trabaho sa mga elepante, na positibong hakbang kung ako ang tatanungin.
Pero bago ako maligaw, balik na tayo sa aking akda.
Isang araw habang nakabilad ang aking mister sa araw sa may pool, ako naman ay namasyal sa paligid. Maraming puno na mahusay na inaalagaan ng mga hardinero dito kaya di kataka-takang pamahayan ng mga squirrels ang mga ito. Dahil hitik sa bunga na kanilang kinakain!
Habang naglalakad ay nakarinig ako ng maliit ng ingay! Aha! May nakita akong nagtatakbuhan sa di-kalayuan. Dali-dali kong tinakbo ang aking camera na binabantayan ni irog at binalak ko ‘mahuli’ ang cute na pamilya!
Hindi ako sure pero parang ito si mama squirrel, tipong pinapagalitan nya si junior dahil ang ingay nito at kung saan-saan nagtatakbo! Aha ulit! Gusto kong makuhanan ng larawan ang makulit na baby squirrel kaya binalak kong abangan sya….
tamang -tama! Kung saan ako nagtatago ay doon naman sya tumakbo para maglaro!
oops! nakita na nya ako!
* mommy….may mumu na may isang mata…mommy!!! * tipong tawag sa ina..ang ingay nya!
Syempre laking tuwa ko at nagbunga ang balak ko. Pero may naramdaman akong ‘nagmamasid’ sa akin..hmmm…
Ito kaya si daddy?
Happy LP, everyone!
| Print article | This entry was posted by Thess on January 27, 2010 at 5:11 pm, and is filed under Litratong Pinoy, Travel. Follow any responses to this post through RSS 2.0. You can leave a response or trackback from your own site. |























about 2 years ago
ang hirap kaya habulin ng mga yan tita, bravo for stalking and taking very clear shots! potrait kung portrait!
[Reply]
about 2 years ago
at may kwento talaga ang "balak" mo ate!
hehehe..
ang cute!
[Reply]
about 2 years ago
Siguro ang sabi ni Squirrel sa 2nd and 3rd picture "peek-a-boo, I see you!"
[Reply]
about 2 years ago
ang cute ngang squirrel nyan ha if squirrel nga sha:) matangos ang nguso hehe! my entry, mejo malawak…plano para sa buong website haha..in the works though;)
[Reply]
about 2 years ago
Ahaha, ang saya naman, ang kulet!
[Reply]
about 2 years ago
[Reply]
about 2 years ago
nakakaaliw ang mga litrato mo pati na ang captions.:p favorite ko ang una at huling litrato, ang gaganda!
[Reply]
about 2 years ago
napakacute ang pamilya na yan. hahaha natawa ako sa sinabi ni baby squirrel.
i wonder if they will bite.
Happy LP, Thess!
[Reply]
about 2 years ago
Naku, Ms. T, ang tiaga mong mag hide and seek ng squirrel na yan. Whew, sa wakas, kuha rin siya! Ganda at linaw ng mga litrato.
Happy LP!
[Reply]
about 2 years ago
ha ha, ang galing naman! tagumpay, bwahahahaha! (yun ba ang sinabi mo matapos mo silang makunan ng larawan?) hihihi
heto naman ang aking balak!
[Reply]
about 2 years ago
Perfect timing! Cute naman
Aliw ako sa istorya mo, Tita T!
[Reply]
about 2 years ago
Ganda ng mga kuha… nice
[Reply]