Maraming tao na hindi naniniwala sa kasal. Sa mga hindi naniniwala sa pakikipag-isang dibidib, ang “kasal ay kapirasong papel lamang”, na hindi lubos na makakakapag-patunay sa ikatatagal ng pagsasama ng 2 tao na nagmamahalan.
Marami rin naman ang naniniwala na ang kasal ang syang magbubuklod sa kanilang pag-sasama at ito ang ‘wagas’ na simbolo na kinakailangan isakatuparan. Kasalan-an na kung saan ang mga miyembro ng 2 pamilya ay saksi sa kanilang pagsusumpaan na magsasama, sa hirap at ligaya.
Dahil sa mahirap makahanap o makatyempo ng kasalan dito sa aming lugar, pagpasenshahan na ninyo ang aking mga larawang isinali sa akdang ito. Mabuti na lamang at naka-tyempo ako ng isang araw habang papalakad papunta sa palengke ay napadaan ako sa munisipyo dito sa aming siyudad at buti na lamang ay talagang lagi kong bitbit ang aking ‘kambal’ na camera at nakunan ko ang dalawang tagpo na ito.
Sa unang larawan ay pawang mga nagsi-attend lang sa kasal ang kinukunan ng larawan. Wala pa ang ikakasal at hindi ko na mahintay dahil madami akong bitbit.
Hindi din gaanong uso dito ang magagarbong kasalan. Malimit ay pawang pamilya at matatalik na kaibigan lamang ang imbitado sa kasalan.

Pansinin ninyo ang lumang bus, diyan nakasakay ang mga dumalo! kakaiba ano? Uso kasi dito ay mga lumang sasakayan ang ginagamit sa kasalan. Mas luma, mas gusto nila.

Ang munisipyo sa gabi. Dito din po ako ikinasal ilang taon na nakalipas. 16 po kaming katao sa kasalan na iyun. Wala po akong representative mula sa pamilya ko sa dahilang half-paralyzed na ang aking ama at hindi maiwan ito ng aking ina. Ang mga kapatid ko naman ay maliliit pa ang mga anak ng mga panahon na iyun kaya’t hinayaan ko na lamang na hindi sila magsidalo. Kaya sa kasal ko, ako lang ang Filipino.

Kung akoý yayaing pakasal muli, OO pa rin isasagot ko sa lalaking ito. Ang aking kabiyak, kasama sa hirap at ginhawa.









ang saya ng araw na yon








