General

jacob_gizmo

Softie Jacob and Gizmo (LP136: Malambot)

Ang dami kong naisip isali na litrato sa temang ito pero ito ang pinaka napili ko’ng ilahok. Ang 2 (sa 3) kong ferrets. Lahat silang 3 ay namamayapa na. Ito ay sila Jacob (kaliwa) at Gizmo (kanan). Ang mga ferrets ay may flexible at malambot na pangangatawan, na kung matulog minsan ay halos gawin ng unan ang sarili nilang mga tiyan!

Pero huwag kayong papadaya sa ka-cute-an ng ferrets. Hindi ito basta-basta mahahawakan ng sinoman kung hindi alam ang tungkol sa mga ito. Masakit silang mangagat! Sa wild ay hunters sila, carnivore. Daga, kuneho, isda, manok at iba pa, yan ang kanilang pagkain. Kung domesticated naman ay may ispesyal na diet food para sa kanila. Sa wild ay tinatayang umaabot sila ng max. 7 taong gulang. As pets, basta maayos ang pag-aalaga ay umaabot sila 7-10 years old.

Gustong gusto ko silang pinapanood habang natutulog dahil talagang nakakatuwa sila. Super sweet sa isa’t isa at laging magkadikit. Dahil sa kalambutan ng kanilang mga katawan ay kinakailangan din malambot ang kanilang higaan upang hindi masaktan ang mga likod nila.

Hayan, bigla ko na naman silang namiss…*sigh*

Maligayang LP po sa inyong lahat!

mnm

eMeM (LP 131: Makulay)

Ito lang yata ang makulay na kendi ang gustong gusto ko! Bukod sa alam kong tsokolate at mani ang makakagat ko, ang tila mga itlog ng butiki (?…medyo malaki sila sa itlog ng butiki) o itlog ng pugo (? masyadong malaki naman yata kung sa itlog ng pugo ikukupara) na mga MnMs ay may mga mapanghikayat na kulay kaya kahit wala akong balak bilhin ay napapabili ako :P

Iyun nga lang, matapos ang isang bag nito ay may kasunod na pagsisisi….sabay pisil sa aking mga naglalakihang bilbil hu hu hu.

Happy Litratong Pinoy sa inyong lahat!

caligula

Too ‘open’ (LP 128)

Join us at Litratong Pinoy .Com

Liberated. Kung ikaw ay tipikal na makaluma ay masasabi mong napaka liberal ng bansang Holland. May mga ‘cafes’ na kung saan ay maari kang humitit ng marijuana, ito ay legal. Sa mga kalye ay may makikita kang bilihan ng mga ‘mushrooms, cannabis candies, tea ( tsa-a) , may mga tindahan ding nagbebenta ng punla ng cannabis. Sa Red Light District naman ay may mga see-through na mga bintana na kung saan ay nakatayo ang mga babaeng nagbebenta ng aliw. Sari-saring kulay, bansang pinang-galingan, edad….. may maganda at hindi rin kagandahan..may sexy at may talaga namang malalaki ang katawan (hindi ako nagbibiro).

Sexshops? Sangkatutak! OPEN para sa lahat na sila ay makita. Maaring manood ng mga live shows ay legal na edad mula sa 18. Sa palagay nyo ba ay nasusunod ito?

Open, liberal….hmmmm

Happy LP po sa inyong lahat!