Archive for Litratong Pinoy

Puro PAGKAIN ang aking ise-share sa Huwebes na ito para sa Litratong Pinoy. Maaring iba sa aking lutuin ay hindi Pinoy pero gaya ng aking titulo, ito ay Tinatakan ng Pinoy- ang inyong lingkod. Halo-halo na po ang mga petsa at domain names sa litrato dahil ginamit ko ang ilan mula sa aking foodblog.

Ang aking adobo….medyo umuusok pa dahil hindi ko pa hinahango sa kawali
adobo.png
na akin ding ginagawang ‘Adobong bistek’ ika nga ng isang commenter sa aking food blog ito ang link ng aking pamamaraan ng pagluluto nito.
adobobistek.png
Nilupak, aking unang sinubukan iluto noong 2005
charlie's nilupak

pang himagas na peras naman ito na ang ginamit ko ay bunga ng puno ng peras namin sa likod bahay (iba pa po ang domain name ko ng mga panahon na iyon…

perenmetijs.jpg

ito naman ay Vietnamese fresh spring rolls  ….masarap man sya, mas gusto ko pa rin ang lumpiang ubod natin
fresh_appetizer_shrimp1.png
ang aking version ng tocino at hamonado in one
TociNado
baked chops in champignon sauce  …normal na porkchops na ipini-prito ng lola ko nuon ay pina sosyal na sa panahong ito, ginagamitan ng iba’t-ibang preparasyon ng sarsa

haas.png

tempura prawns in spicy creamy sauce  ..hipon na sagana sa Pilipinas , magkano na ba ang kilo ngayon?

tempura.png

at ang aking kinalokohan na loco moco  .. paborito man ng mga Hawaiiano, simpleng burger at sauce lang naman
locomoco.jpg

hanggang dito na lamang at ako naman ay kakain na..oras na ng dinner sa parteng ito ng mundo! Happy L.P. everyone!

33 Comments


Medyo madrama yata lahok ko so read at your own risk, warning lang po :P

Ilan sa inyo ang pamilyar sa linyang ito: “Go home and plant camote“? Lagi ko itong naririnig sa mga alaskador kong kaklase sa primary school. Sa tuwing may tinawag ang mga guro na estudyante at hindi nakasagot ng tama ay laging sinasabihan ng linyang yan. Isa ako sa mga na-a-alaska ng mga panahon na yun. Sa dahilang hindi naman talaga ako nabiyayaan ng katalinuhan. Sa aming magkakapatid ako lang ang hindi nakatanggap ng medalya dahil sa husay sa pag-aaral. Ribbon lang natanggap ko dahil sa perfect ang school attendance ko at medalya sa girl scout.

Ang dahilan ay kapaguran. Araw-araw. Mahirap ang pamilya at may tindahan sa palengke, sa murang edad ay nagpakita ako ng hilig sa pagharap sa tao at pag-aasikaso ng mga itinitinda ng lola at nanay ko. 5 taong gulang ng magsimula akong palaro-laro lamang sa pagtulong hanggang sa naging seryoso na ito nung maging 7 taong gulang hanggang magtapos sa kolehiyo. Ang pagtitinda sa palengke at nagsisimula sa alas -5 ng umaga at nagtatapos ng alas 9-10 ng gabi. Iskwela - bahay- iskwela ang buhay ko nun. Hindi ako nakaranas ng paglalaro gaya ng ibang bata. Hindi ako mabarkada. Pag-uwi ng bahay galing sa eskwela ay magpapalit lang ng damit at deretso na sa palengke. Suerte ng makapag-review pa ng lessons pag-uwi sa gabi. Napakahigpit ng nanay at lola ko at talagang ipinasa sa akin ang sunod na henersayon ng mag-aalaga ng aming kabuhayan. Sa murang edad, naging seryoso ako sa buhay.

Hindi kataka-takang kulang ang interes ko sa pag-aaral. Kung hindi sana pagod at laging inaatok, maari sana na naging todo ang interes ko. Hanggang sa tinaggap ko na lang na hanggang below average ang kakayahan ko sa pag-aaral. Okay lang. Sabi nga ng mga nakakakilala sa akin, maabilidad naman ako pagdating sa mga praktikal na bagay. Pero hindi ko din nakakalimutan ang inggit ng mga kaklase ko na pawang ‘matatalino at top sa klase’ lalo na nuong nasa ikalawang pamantasan, bakit kamo? silang halos 95+ ang average score sa mga report cards ay nangamote sa NCEE (National College Entrance Examination, ito pa ang tawag nuon) samantalang ako na isa sa minamaliit nila ay nasa top 10 na nakakuha ng mataas na puntos sa buong eskwelahan, hah! Nagawa ko kasing mag-aral ng husto dahil pinayagan akong huwag muna tumulong sa aming mga tindahan.

At iyan po ang maikling istorya ng Bb. camoteng ito. At ang larawan naman ay nagkataong may naiwan akong camote na nakalimutan kong iluto at ng magsimulang tumubo ang mga maliliit na dahon ay pinabayaan ko na lang itong tuluyang lumago, natutuwa kasi ako sa itsura.

kamote1.png

Pinalalago ko pa at baka sakaling makapag talbos ako ng may bagoong, yummy!!!

kamote.png

Inaanyayahan ko po at ng lahat ng miyembro ng Litratong Pinoy ang mga kapwa namin bloggers na mahihilig din kumuha ng larawan na sumali sa aming katuwaan tuwing Huwebes! Sali na kayo DITO!

39 Comments

I chose to feature my friend Kees (Christa’s hubby, my Mahal na Ina featured mom for L.P.) for this L.P.’s theme. Why not my own dad? Like I said before, I chose to keep my private life off of my blogs. Basta mahal ko tatay ko, yun na yun! :)

*Napili ko pong isama sa akdang ito ang aking kaibigan na si Kees, asawa po ni Christa na sya namang napili kong ina sa aking ‘Mahal na Ina’ na akda nuong nakaraang L.P.

This is Kees. Relaxed (left) BBQ main man (right)

*Si Kees. Nag posed para sa akin (ang layo ng translation ano? he he) at sya rin ang tagaluto ng BBQ namin habang kami ay naiinip at gutom na *lol*

kees.jpg
KEES is a dear friend of my small family. Caring not only his for own family but for us as well. He always extends his hands whenever we or anybody needs help. A loving dad to his kids (inserted photo, with 1st born Christian. Handsome looking young man isn’t he? Luckily he looks like his mom, har har har! Peace be with you Kees, I know you’re reading this ha ha ha! ) and a good provider. Is the relationship with the kids tight? Very! in my honest opinion.

kc.jpg

Christa his wife, wrote a piece (or rather I twisted her arms to write a few words for this entry.) Here’s what she’s written:

“Kees is my loving husband.
Honest, straight, kind and always in for a joke and a friendly word and smile.
His smile is one of my favorites.
Whenever somebody needs help, Kees will be there to help and to support.
He realy is a very social feeling person
Next year we will be married for 25 years.
In your marriage you need someone tor rely on, to depend on and to know for sure
that he will always be there in the good times but also in the time of troubles
and difficulties.
I know for sure that Kees is someone like that and that is a privilage to know.
I am very thankfull to have Kees as my husband and the father of our children
Christian and Vivian.

And I hope that we will be for ever in good health and with the blessing of God
our Father in Heaven.”

This was written by one of the most honest person I’ve met in this lifetime.

Here’s a sample of the comic Kees…he is such a clown at times you’d pee in your pants when he does things like this (photo under)

* Hindi ko na po ita translate lahat kundi ilang linya lang tulad nito: Nakita nyo naman, nakatirik pa mata nyan! ha ha ha *

kengkoy.jpg

Kees may be a strong dad, a big guy , but inside him still is this little boy who collects old matchbox miniatures, old cameras (addicted to photography too and his wife even told me that he took after my food photography - meaning he ‘ d take photos of food before they can start eating *lol* ) miniature trains and a lot more. If you’ll enter his collection room in their home, you’ll think you’re in a toy store!

sample of his vintage miniatures, I was ‘permitted’ to touch them and take ‘em photos.

ktoys.jpg

to end, Kees is a cool and definitely a loving dad. A treasured friend by us.

- all photos were permitted to be posted by Kees and Christa.

*Kees, harstikke bedankt dat ik over je mocht schrijven en Christa, bedankt voor dit stukje. Cris, ik heb jouw vader voor de copyright betaald! - veel liefs, Thess*

18 Comments

LP #11- Kalayaan

Ang mga larawang isinali ko sa tema ngayong Huwebes ay authentic lahat. Dumalaw kami nuong nakaraang Linggo ng aking asawa sa isang ‘War Museum” na nandito lamang sa aming siudad (sa mga hindi po nakakaalam, ako ay nasa Holland.) Ang mga naka-display sa museo ay natipon maraming taon matapos ang Pangalawang Pandaigdig na Digmaan. Sa dami ng makikita ay halos hindi ko na matandaan ang mga kwento ng bantay sa Musuem na dating sundalo nuong WW2. Bawat bagay na naka-display sa museo ay may ‘kwento’ , anya nya.

Pagpasok sa museo ay ito agad ang bumungad sa amin. isang lumang military Jeep .

jeep.jpg

iba’t-ibang klaseng uniporme ng mga sundalo

uniform.jpg

Minsan ay isang ginoo ang dumalaw sa museo at nang makita nya ang mga uniporme ay dali-daling umuwi at binitbit pabalik sa museo ang uniporme ng amang pumanaw. Ang uniporme sa kaliwa ay ang pamana mula sa ama.

uniform1.jpg

mga tipikal na bitbit ng sundalo gaya ng largabista, kutsilyo atbp.

largabista.jpg

” Dutch gas mask with manual ” iyan ang nakasulat sa kapirasong papel.

gasmask.jpg

mga malalaking bota ng mga sundalong Aleman na ginamit nila sa Russia. Malalaki ito dahil mismong suot nilang sapatos ay isinusuot sa loob nito, proteksyon at panlaban sa matinding lamig. Hinayaan kaming hawakan ito at kagulat gulat na hindi sya mabigat.

boots.jpg

Tinanong ko ang matandang nagbibigay sa amin ng tour kung tama ba ng bala ang mga butas sa helmet ng Aleman na ito. Ang sagot nya ay: ‘The guy must have had a huge headache’.

helmet.jpg

Ang panghuling larawan ay mga nakaboteng pagkain. Natagpuan nuong 1990 sa isang silong ng bahay. Buhay pa ang mga nag-’pickled’ ng mga ito at alam pa nila kung kelan nila ginawa. Taong 1944.

oldfood.jpg

mula sa kaliwa: apple mousse, preserved peach, preserved apples, beans, beans and onion.

Salamat sa tapang ng loob ng mga lumaban upang makamtan ang kalayaan. Nakakalungkot na isiping sa kabila ng paglaya ay milyon-milyong tao ang namatay dahil sa mga sira-ulong tulad ni Hitler.

30 Comments