Archive for Litratong Pinoy

Sining Kanluran (LP 17)

Beautiful paintings from the Golden age (17th century) by some Dutch painters are still famous today- Rembrandt Van Rijn, Johannes Vermeer, Paulus Potter, and Albert Cuyp to name a few, were considered geniuses. 17th century paintings are still complicated to create because at that time they had to make their own paint not like now they can be bought already mixed and colored, also then they had to have photographic memory for their compositions, and their painting techniques which were truly complicated that some of their works cannot be exactly duplicated. Some of these famous paintings still surprise curators/museum people that they even find paintings behind paintings when x-rayed.

Painters mentioned above are still inspirations for today’ s painters, not just the professional but also the hobbyists. Like my father in law, who painted all the paintings below. My father in law never had any formal training but I guess he’s just truly gifted. People have offered to buy his reproduction but he’d never sell them. Some were given to friends as gifts.
I think my FIL is really good reproducing Stilleven or Still Life (unfortunately I forgot who painted what…., I shall ask my FIL tom. and edit this part)

this hangs on his wall…

stilleven.jpg

Rembrandt Van Rijn’s (this hangs on his wall, I’ve included the frame on this shot)

stilleven1.jpg

*must phone my dad in law to ask who painted this one* …also hangs on his wall

stilleven2.jpg

and this hangs on my wall….parang babasagin talaga yung decanter at may reflection

peren.jpg

and this hangs also on my wall… isa sa paborito ko ito… nakikita nyo yung reflection sa decanter?

decanther1.jpg

I blogged about this one before and someone said the original hangs on a museum wall somewhere in the United States, I’m just not sure if it’s true.

decanther.jpg

Rembrandt Van Rijn ‘ Self Portrait at 20′...hangs on FIL’s wall

rembrandt20.jpg

2 years ago I requested that he once again paint Johannes Vermeer’s ‘The Girl With A Pearl Earring’ , unfortunately it’s unfinished and remains in this state because he can no longer hold his brush. Naponood nyo ba ang film na The Girl With A Pearl Earring’ with Scarlett Johansson?

unfinished painting by dad in law

Sining - pagpinta, isa sa yamang mayroon ang Kanluran. Sa bansang Holland, noong ‘Golden age‘ ay napakaraming pamosong pintor tulad nila Rembrandt Van Rijn, Johannes Vermeer, Paulus Potter, at Albert Cuyp ang tinaguriang mga henyo sa pagpipinta. Ang mga paintings mula sa 17th century ay sadyang mahirap at komplikado ang pagkakalikha dahil noong panahon na iyon, ang mga pintor mismo ang lumilikha ng sariling pintura at nangangailangan matalas ang kanilang memorya upang maalala kung paano isasaguhit ang mga komposisyon. At maging kanilang pamamaraan ng pagpinta ay napaka komplikado kaya ang iba ay misteryo pa rin hanggang sa ngayon ang pamamaraan ng paglikha sa mga ito. May mga likha pa rin na sadyang gumugulat sa mga curators at nagtatrabaho sa mga museo lalo na kapag ang mga ito ay isinailalim sa pagsusuri gaya ng x-ray na kung saan ay nakikitang patong patong ang pagkakapinta ng iba (pasensha na kayo at ang hirap naman sa tagalog, naku po naman…basta alam nyo na ibig kong sabihin *lol!*)

Mahilig ka ba sa pagkuha ng larawan at may blog? Sali ka sa amin @ www.litratongpinoy.com

Hanga ako sa mga tao na napapanatili ang tamang pangangatawan . Silang hindi matataba at hindi rin naman namamayat. Tamang-tama lang, ika nga. Kahit babae ako ay talagang napapatingin ako (minsan ay napapalingon pa nga) kapag may dumaan sa harap ko na mga babaeng talaga namang ’sexy’. Gaya ng dalawang daliginding na ito. Namimigay sila ng mga key straps sa mga taong naglalakad sa city ilang linggo na ang nakalipas. Snap shot lang ito dahil inip na ang mister ko sa kakahintay sa akin.

I admire people who are in good shape. Them who aren’t fat nor thin, just the right size. I myself would really look ( at times would turn around) when a good looking lady pass me by. Like these two young ladies. I caught them while they were giving away free key straps to passerbys, this was few weeks ago. It was a quick snapshot as my husband was waiting impatiently.

hansgirls.png

Ang pangalawang litrato naman ay kuha sa aming lungsod. Nagkaroon ng libreng tennis lessons para sa mga kabataan ng hapon na iyon. Katawang balingkinitan ay masiglang makakahataw at makakahabol sa bola.

This second photo was taken in our city. Free tennis lessons were given that afternoon for young people. This girl has the right body to enjoy hitting and running after the ball.

tennis-copy.png

At nang pauwi naman kami, ang magsing-irog na ito na naglalakad sa aming harapan ay hindi ko maiwasang hindi kunan ng larawan. Naramdaman ito ng lalaki kaya’t sya ay lumingon, pero hindi naman sya nagalit. Hay, sana ay ganito rin ang pangangatawan naming mag-asawa..balingkinitan ha ha!

On our way home, I couldn’t help but capture this lovers walking just in front of us. The guy felt what was going on behind him that’s why he was looking around, but he didn’t get mad or anything.

How I wish my husband and I look just like them. Great form!

stel-copy.png

Do you love photography? Join us at Litratong Pinoy!

Puro PAGKAIN ang aking ise-share sa Huwebes na ito para sa Litratong Pinoy. Maaring iba sa aking lutuin ay hindi Pinoy pero gaya ng aking titulo, ito ay Tinatakan ng Pinoy- ang inyong lingkod. Halo-halo na po ang mga petsa at domain names sa litrato dahil ginamit ko ang ilan mula sa aking foodblog.

Ang aking adobo….medyo umuusok pa dahil hindi ko pa hinahango sa kawali
adobo.png
na akin ding ginagawang ‘Adobong bistek’ ika nga ng isang commenter sa aking food blog ito ang link ng aking pamamaraan ng pagluluto nito.
adobobistek.png
Nilupak, aking unang sinubukan iluto noong 2005
charlie's nilupak

pang himagas na peras naman ito na ang ginamit ko ay bunga ng puno ng peras namin sa likod bahay (iba pa po ang domain name ko ng mga panahon na iyon…

perenmetijs.jpg

ito naman ay Vietnamese fresh spring rolls  ….masarap man sya, mas gusto ko pa rin ang lumpiang ubod natin
fresh_appetizer_shrimp1.png
ang aking version ng tocino at hamonado in one
TociNado
baked chops in champignon sauce  …normal na porkchops na ipini-prito ng lola ko nuon ay pina sosyal na sa panahong ito, ginagamitan ng iba’t-ibang preparasyon ng sarsa

haas.png

tempura prawns in spicy creamy sauce  ..hipon na sagana sa Pilipinas , magkano na ba ang kilo ngayon?

tempura.png

at ang aking kinalokohan na loco moco  .. paborito man ng mga Hawaiiano, simpleng burger at sauce lang naman
locomoco.jpg

hanggang dito na lamang at ako naman ay kakain na..oras na ng dinner sa parteng ito ng mundo! Happy L.P. everyone!


Medyo madrama yata lahok ko so read at your own risk, warning lang po :P

Ilan sa inyo ang pamilyar sa linyang ito: “Go home and plant camote“? Lagi ko itong naririnig sa mga alaskador kong kaklase sa primary school. Sa tuwing may tinawag ang mga guro na estudyante at hindi nakasagot ng tama ay laging sinasabihan ng linyang yan. Isa ako sa mga na-a-alaska ng mga panahon na yun. Sa dahilang hindi naman talaga ako nabiyayaan ng katalinuhan. Sa aming magkakapatid ako lang ang hindi nakatanggap ng medalya dahil sa husay sa pag-aaral. Ribbon lang natanggap ko dahil sa perfect ang school attendance ko at medalya sa girl scout.

Ang dahilan ay kapaguran. Araw-araw. Mahirap ang pamilya at may tindahan sa palengke, sa murang edad ay nagpakita ako ng hilig sa pagharap sa tao at pag-aasikaso ng mga itinitinda ng lola at nanay ko. 5 taong gulang ng magsimula akong palaro-laro lamang sa pagtulong hanggang sa naging seryoso na ito nung maging 7 taong gulang hanggang magtapos sa kolehiyo. Ang pagtitinda sa palengke at nagsisimula sa alas -5 ng umaga at nagtatapos ng alas 9-10 ng gabi. Iskwela - bahay- iskwela ang buhay ko nun. Hindi ako nakaranas ng paglalaro gaya ng ibang bata. Hindi ako mabarkada. Pag-uwi ng bahay galing sa eskwela ay magpapalit lang ng damit at deretso na sa palengke. Suerte ng makapag-review pa ng lessons pag-uwi sa gabi. Napakahigpit ng nanay at lola ko at talagang ipinasa sa akin ang sunod na henersayon ng mag-aalaga ng aming kabuhayan. Sa murang edad, naging seryoso ako sa buhay.

Hindi kataka-takang kulang ang interes ko sa pag-aaral. Kung hindi sana pagod at laging inaatok, maari sana na naging todo ang interes ko. Hanggang sa tinaggap ko na lang na hanggang below average ang kakayahan ko sa pag-aaral. Okay lang. Sabi nga ng mga nakakakilala sa akin, maabilidad naman ako pagdating sa mga praktikal na bagay. Pero hindi ko din nakakalimutan ang inggit ng mga kaklase ko na pawang ‘matatalino at top sa klase’ lalo na nuong nasa ikalawang pamantasan, bakit kamo? silang halos 95+ ang average score sa mga report cards ay nangamote sa NCEE (National College Entrance Examination, ito pa ang tawag nuon) samantalang ako na isa sa minamaliit nila ay nasa top 10 na nakakuha ng mataas na puntos sa buong eskwelahan, hah! Nagawa ko kasing mag-aral ng husto dahil pinayagan akong huwag muna tumulong sa aming mga tindahan.

At iyan po ang maikling istorya ng Bb. camoteng ito. At ang larawan naman ay nagkataong may naiwan akong camote na nakalimutan kong iluto at ng magsimulang tumubo ang mga maliliit na dahon ay pinabayaan ko na lang itong tuluyang lumago, natutuwa kasi ako sa itsura.

kamote1.png

Pinalalago ko pa at baka sakaling makapag talbos ako ng may bagoong, yummy!!!

kamote.png

Inaanyayahan ko po at ng lahat ng miyembro ng Litratong Pinoy ang mga kapwa namin bloggers na mahihilig din kumuha ng larawan na sumali sa aming katuwaan tuwing Huwebes! Sali na kayo DITO!