Litratong Pinoy

colosseumbw

The city that was Rome. (LP 138: Ala-ala)

Join us at Litratong Pinoy .Com

Nasa highschool ako ng magsimula akong mangarap makarating sa iba’t ibang lugar. Yun ba’ng dahil sa world history subject ay napukaw ang curiosity ko. Unang bansa na talagang ginusto ko mapuntahan ay ang Ehipto, dahil sa kanyang pyramids. Kakaiba nga ako kasi ang marami sa kakilala kong ka-edad ko noon ay ‘America’ and sagot kapag tinanongmo kung saan nila gusto pumuntang bansa. Ako ay Ehipto ang aking sagot.

Subalit hanggang sa ngayon ay hindi ko pa napupuntahan ang bansang ito. Sana naman ay bago ko ipikit ang aking mga mata ay matupad ang pangarap na ito.

Pero isang lugar na aking napuntahan ang talagang masasabi ko na hinding hindi ko makakalimutan pa. Binabalak na naming mag-asawa na balikan ito dahilan sa magandang ala-ala na idinulot nito. Kagaya ko ay gustong makita rin ng aking mister ang mga pyramids sa Ehipto pero dahil sa ang mapuntahan ang ciudad na Roma ay kasama sa aming pangarap, amin itong pinuntahan noong Disyembre 2009.

Sa tourist bus pa lang ay natahimik lahat ng pasahero (kasama na kami) ng tumambad sa aming pangin itong Colosseum.

Kakaibang pakiramdam ang dulot ng gusaling ito..at  least para sa akin at aking esposo. Ipikit mo lamang ang iyong mga mata ay para ba’ng narooon ka sa panahong buo pa ito, maingay ang kapaligiran dahilan sa mga ‘palarong’ nangyayari sa loob nito na kung saan ang mga ‘gladiators’ ay ginagawa ang lahat para lamang sila ay manatiling buhay! Nai imagine nyo ba na ikinatutuwa na ay nagbabayad pa ang mga tao noon upang makita lamang ng dugo at may nagpapatayan?

Mga litratong kinuha ko sa aking baol, may mga nai post na akong iba noon subalit ang mga ito ay kasama sa set at ngayon ko lang nailathala.

Sa unang larawan ay makikita ninyo ang nalalabing piraso ng outer wall ng Colosseum.  Tinibag ng mga tao ang malaking parte ng Colosseum upang gamitin sa pagtatayo ng kanilang mga bahay. Kahit ang ibang materyales na ginamit sa St. Peter’s Cathedral sa Vatican ay galing sa Colosseum.

Pag-kagat ng takip silim ay may nagpapatrolyang auto ng pulis na paikot ikot sa Colosseum. Ilang beses din na tinigilan nila ako dahilan sa nakaupo lang ako ng matagal sa harap nito at nakatingala…nakatulala. Hindi nila alam ako ay hangang -hanga sa aking nakikita!

Napakagandang ala-alang iniwan sa ciudad ng Rome ng kanilang ninuno.  Saludo ako sa gobyernong italyano at kanyang mamamayan sa pagmamahal sa mga ala-alang nakapaligid sa kanila.

Happy LP, everyone!

Share
psp1

Happy Birthday, Papa (LP 137: Kaarawan)

Join us at Litratong Pinoy .Com

Sana ay 67 years old ka sa araw na ito. Sana. sana….

Ang aking ama sana ay magdiriwang ng kanyang ika 67 taon sa petsang ito, kung hindi lamang sya pumanaw ng wala sa panahon nitong nakaraang taon lamang. Bakit naman psp game console ang nakikita mo sa larawan?

Taong 2008, huling beses ko’ng nakitang buhay, nagbibiro, naiiiyak sa tuwa, naglalambing at nagtatampo ang aking ama. 64 years old na sya noon. Ilang taon ding nagdusa sya ng husto dahilan sa kalahati ng kanyang katawan ay wala ng pakiramdam o paralyzed (aneurysm, hypertension, heart attack…ilan lamang sa dumapo sa kanyang katawan) pero ganunpaman ay nilabanan nya itong lahat sa loob ng 13 taon. pero bago ako maiyak pa ay balikan ko na ang aking istorya kung bakit psp ang nasa larawan…

Dahil yang aking laruan ay kanyang ‘inawitan’ noong magkita kami. Mana ako sa aking ama pagdating sa mga gadgets at laruan, super hilig. Hindi nakakapagtakang kahit hindi nya halos maigalaw ang kanyang mga daliri ay gusto nyang maglaro ng psp kasi nabo bored sya sa laging paghiga at ‘naghihintay’ na lamang sa kung ano man ang mangyari sa kanya….

Subalit hindi ko ito iniwan sa kanya. This may sound crazy but I still beat up myself for not giving it to him. Ano ba namang iniwan ko ito sa kanya para may libangan sya? Madami akong regrets, pinakamalaki sa lahat ay wala ako sa tabi nya ng ipikit nya ang kanyang mga mata …sana lang, kung pwede lang maibalik ko ang oras..marami akong babaguhin sa abot ng aking makakaya.

Naku hindi ko binalak na mag-drama…espesyal lang para sa akin ng araw na ito. Sabi ko nga sa sarili ko, hindi bale nang lagi ako maiiyak tuwing maaalala ko ang aking ama at masakit pa rin…pero..bring it on!

Happy Birthday Papa.

Share
jacob_gizmo

Softie Jacob and Gizmo (LP136: Malambot)

Ang dami kong naisip isali na litrato sa temang ito pero ito ang pinaka napili ko’ng ilahok. Ang 2 (sa 3) kong ferrets. Lahat silang 3 ay namamayapa na. Ito ay sila Jacob (kaliwa) at Gizmo (kanan). Ang mga ferrets ay may flexible at malambot na pangangatawan, na kung matulog minsan ay halos gawin ng unan ang sarili nilang mga tiyan!

Pero huwag kayong papadaya sa ka-cute-an ng ferrets. Hindi ito basta-basta mahahawakan ng sinoman kung hindi alam ang tungkol sa mga ito. Masakit silang mangagat! Sa wild ay hunters sila, carnivore. Daga, kuneho, isda, manok at iba pa, yan ang kanilang pagkain. Kung domesticated naman ay may ispesyal na diet food para sa kanila. Sa wild ay tinatayang umaabot sila ng max. 7 taong gulang. As pets, basta maayos ang pag-aalaga ay umaabot sila 7-10 years old.

Gustong gusto ko silang pinapanood habang natutulog dahil talagang nakakatuwa sila. Super sweet sa isa’t isa at laging magkadikit. Dahil sa kalambutan ng kanilang mga katawan ay kinakailangan din malambot ang kanilang higaan upang hindi masaktan ang mga likod nila.

Hayan, bigla ko na naman silang namiss…*sigh*

Maligayang LP po sa inyong lahat!

Share
lamig

Malamig or cold for LP 135

Join us at Litratong Pinoy .Com

hindi po baligtad ang larawan, ako ang nakabaligtad ng kunan ko ito.

Ganuon yata talaga. Kung ano yung wala sa iyo, madalas gusto mo makamtan. Kung ano ang hindi mo pa nararanasan, gusto mo malaman kung ano ang pakiramdam.

Dahilan sa mas lamang ang init ng panahon sa ating bansang Pilipinas, marami ang gusto naman maranasan ang kakaibang klima tulad ng mayroon sa ibang bansa. Nariyan ang pagnanasa na maranasan ang snow.

Unang beses ko naranasan ang lamig ng winter at snow noong taong 1995. Unang White Christmas ko pa. Talagang napatunganga ako sa ganda ng paligid. Puro puti ang mga gusali, sasakyan, lansangan. Pero sa loob ng bahay ko lahat ito pinagmasdan.

Dahilan ng panahon na iyon ang medyo na ´shock´ ang system ko at hindi kinaya na maglalagi sa labas ng bahay. Halos mukha akong suman o lumpia sa tindi na pagkakabalot ng aking katawan. Kung may sweater lang siguro para sa mata ay malamang isinuot ko na, lol!

Ganitong tanawin ay normal sa mga bansang may winter season. Nakakalbo ang mga puno ng ilang buwan subalit muling nagbabalik ang kanilang mga dahon matapos ang tag lamig. Noong una ay hindi ako makapaniwala na muling magiging berde ang kapaligiran…pero sadyang kay husay ng pagkakagawa talaga ng Maykapal sa ating mundo!

Maligayang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!

Share
ipad

Laruan ng matanda? (LP 133: paboritong laruan)

Join us at Litratong Pinoy .Com

Laruan. Naging ‘laruan’ ang labas ng iPad ko. Sa dinamidami ng pwedeng pag-gamitan ay nagmistulang laruan na lang siya. Pagkamulat ng mga mata sa umaga, hawak ito agad. Check ng mga messages lalo na galing sa pamilya pero kasunod noon ay laro na agad! Nuong una ay kinaiinisan ito ng aking mister dahil natutulog pa sya sa madaling araw ay naglalaro na ako sa kanyang tabi, nagigising siya sa sinag ng ilaw na nanggagaling dito. Pero ngayon..sumuko na sya sa kakasaway sa akin :P Nasanay na rin naman ang mga mata nya o siguro ay dahil hindi nya naman ako masaway pa he he….

nang dahil sa ipad na ito napabalik tuloy ako sa pag-aararo at pag-aalaga ng mga hayop sa famville, hmpft!

Happy new Year at Happy LP po sa inyong lahat!

Share
mnm

eMeM (LP 131: Makulay)

Ito lang yata ang makulay na kendi ang gustong gusto ko! Bukod sa alam kong tsokolate at mani ang makakagat ko, ang tila mga itlog ng butiki (?…medyo malaki sila sa itlog ng butiki) o itlog ng pugo (? masyadong malaki naman yata kung sa itlog ng pugo ikukupara) na mga MnMs ay may mga mapanghikayat na kulay kaya kahit wala akong balak bilhin ay napapabili ako :P

Iyun nga lang, matapos ang isang bag nito ay may kasunod na pagsisisi….sabay pisil sa aking mga naglalakihang bilbil hu hu hu.

Happy Litratong Pinoy sa inyong lahat!

Share