the world from behind her camera
Litratong Pinoy
Sarado (LP 130: close)
Dec 15th
JOIN US AT LITRATONG PINOY.COM
Bulaklak, ang ganda ng bulaklak
Dulot sa ‘tin ay galak – Kuh Ledesma
Tuwing Sabado kami ng aking kabiyak ang nagpupunta sa karatig siyudad upang mag relax, matapos ang isang linggong pagta-trabaho (nya
) ay ang araw na ito ang aming ‘special day’. Doon kami naglu-lunch, window shopping or mamili ng aming mga kailangan..at higit sa lahat, ito ang aking pagkakataon upang bumili ng aking lingguhang bouquet. Dati ay ang aking mister ang bumibili nito tuwing Sabado pero pinatigil ko sya ng pagbili dahil sa flower shops sya bumibili at namamahalan ako, samantalang sa karatig siyudad ay sa palengke lamang ay natatagpuan ko na ang mga magaganda at murang bulaklak.
Kung ako ang iyong tatanungin ay mauubos ang oras ko sa isang araw sa pagtitig lamang sa naggagandahang bulaklak. May isang uri ng bulaklak na talagang hinihintay ko ang season tuwing taon (Spring time) at ito ay ang peony rose dahil sa mahalimuyak na amoy nito at maganda talaga bukas man o sarado.
Hangga’t maari ay SARADO lamang na mga buds ang aking binibili upang masigurong magtatagal sila sa aking flower vase. At ang amoy..hayyyy talaga naman ang bango!!
MidRed (LP 129: Gitna/ middle)
Dec 8th
Mga ganitong istilo ng mga gusali ang nakakatawag pansin naman po talaga! Or at least talagang napansin ko. Kakaiba naman kasi. Kahit pa halatang renovated na ito, ganunpaman ay hinayaan nilang maipakita ang orihinal na mga bintanang pula sa gitna. Napansin nyo ba agad ang kaibahan nito?
Hindi ko pa itong nakita na nakasara pero kung ipipikit ko ang aking mga mata at hahayaan ang aking imahinasyon ang umandar…maganda! Magandang istilo ng bintana!
Nakakahilo bang tingnan?
Magandang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!
Too ‘open’ (LP 128)
Dec 1st
Join us at Litratong Pinoy .Com
Liberated. Kung ikaw ay tipikal na makaluma ay masasabi mong napaka liberal ng bansang Holland. May mga ‘cafes’ na kung saan ay maari kang humitit ng marijuana, ito ay legal. Sa mga kalye ay may makikita kang bilihan ng mga ‘mushrooms, cannabis candies, tea ( tsa-a) , may mga tindahan ding nagbebenta ng punla ng cannabis. Sa Red Light District naman ay may mga see-through na mga bintana na kung saan ay nakatayo ang mga babaeng nagbebenta ng aliw. Sari-saring kulay, bansang pinang-galingan, edad….. may maganda at hindi rin kagandahan..may sexy at may talaga namang malalaki ang katawan (hindi ako nagbibiro).
Sexshops? Sangkatutak! OPEN para sa lahat na sila ay makita. Maaring manood ng mga live shows ay legal na edad mula sa 18. Sa palagay nyo ba ay nasusunod ito?
Open, liberal….hmmmm
Happy LP po sa inyong lahat!
Sisidlan…mangkok! (LP 127)
Nov 24th
Join us at Litratong Pinoy .Com
Sisidlan ng pagkain. Mangkok ang tawag sa tagalog. Yan ang aking napiling isali sa Litratong Pinoy ngayong linggo’ng ito.
Noon naman ay hindi ako ‘maarte’ sa aking mga kagamitan sa kusina at hapag kainan. Dahil sa nahilig sa pagluluto at nagkaroon ng foodblog (na ngayon ay inaamag na
) ay natuto akong mag-ipon ng mga gamit na kagaya ng mga mangkok na ito. Paborito ko silang gamitin sa aking food presentation, at talaga din namang ginagamit namin ito sa tuwina. Nasuwertihan ko lang sila ng minsan ay napagawi ako sa kitchen section ng isang tindahan na malapit sa aming bahay. At ano pa nga ba, binili ko agad sila.
HAPPY L.P. sa inyong lahat!
Malapot (LP 126)
Nov 17th
Join us at Litratong Pinoy .Com
Nahirapan ba kayo sa challenge natin ngayong Huwebes?
Wish ko sana ay larawan ng rumaragasang lahar na iniluluwa ng nagwawalang bulkan ang entry ko ngayon. Kaso ay walang bulkan sa aming lugar (salamat na lang! whew!) at kung mayroon man, hindi pa naman ako tuluyang naloloka para puntahan ito at kumuha ng entry photo para sa Litratong Pinoy. Lab ko ang L.P. pero hindi naman ganoon kalalim
Balik na sa aking litrato. Noong 2008 ay naglimayon muli kaming mag-asawa sa bansang Thailand. Napagpasyahan namin na pumunta sa Timog-Kanluran (o dahil wala kaming choice at doon kami dinala ng aming guide) at ang lugar na ito ang isa sa aming nadalaw. Niyog(an). Hindi namin pinasok ang taniman ng niyog bagkus ay sa bukana lamang ang aming inusyoso.
Ang aleng ito na naghahalo sa kawa ng papalapot na tila ba ay latik, ang bumungad sa amin at sa ibang mga turistang kagaya namin ay nag uusyoso.
Ipinapakita nila sa lugar na ito ang maraming gamit ng niyog. Naroon na ipakita ang pag extract ng langis nito, ang mga tuyong balat na maaring gamitin sa pugon (uling), atbp…na hindi ko na maalala dahil talagang sa hinahalo nya ako naka focus.
Matapos ang nakakapagod na paghahalo ay ito naman ang kanilang ginawa…
parang panutsa, di ba? Hindi ko na tinikman dahil amoy pa lang, nabusog na ako. At saka marami pa kaming pupuntahan ng araw na iyon, mahirap na bumigat ang tyan at baka hindi na matikman iba pang makakain, sayang naman
Happy LP sa inyong lahat!
How to use your old lens (LP 125: Likido or liquid)
Nov 10th
Join us at Litratong Pinoy .Com
*click for a larger image*
KAPE! Pagkagising sa umaga, kape ang hanap ng karamihan sa atin! Kulang ang ating umaga kapag hindi ito nagsimula sa paglagok ng sumisipang pampagising na likidong ito.
Sa henerasyong ito, maraming ‘flavor’ ng kape na ang ating matitikman. 3 klase lang ang gusto ko, ang aming pang umagang kape (freshly brewed) , pang ‘snack’ na kape (instant cappuccino) at kapag heavy ang dinner, afterwards I love a cup or two of espresso.
Kaninang umaga lang, naisulat ko sa pader ng aking feysbuk na ‘nilulumot na ang aking mga camera at lente’ …
voilĂ nahapan ko ng pag gagamitan ang isang lente ko
HAPPY LP po sa inyong lahat!
Who framed Charlie Pugngit?! (LP 124)
Nov 3rd
Join us at Litratong Pinoy .Com
Dear L.P ers, pagbigyan nyo na ako dahil sa kakaibang ‘frame’ ang entry ko this week. May nakahanda na akong larawan na tumbok na tumbok sa ating tema pero ng makita ko ang litratong ito ay , well…nagbago ang isip ko at ito ang naisip kong ilahok.
Nagtataka ako kasi parang laging low-batt ang iPad ko. Siguro talagang malakas itong kumain ng baterya, sabi ko na lang sa sarili ko. Pero isang madaling araw, alam nyo ba kung ano ang nakita ko sa dilim?
Kaya naman pala eh! May sumasalisi ng gamit ng iPad kapag tulog ako!! But I really don’t mind. Love na love ko yang si Charlie eh
Happy LP sa inyong lahat!
Sino, ako? (LP 123: Ingay)
Oct 27th
Join us at Litratong Pinoy .Com
MaINGAY. Ako. Ay. MaINGAY!
Sa aming lugar ay napakatahimik! Sa sobrang tahimik ay masakit sa tenga. Hindi po ako nagbibiro. Hindi rin eksaherasyon. Kaya naman lalo na sa gabi, ang aking aso na si Charlie na sa silong bahay natutulog ay dinig na dinig ko ang kanyang pagkakamot, pagbuntung-hininga at syempre pa, ang kanyang paghihilik! Kaya kung sinasabayan ng aking esposo ay duet na talaga sila, ayoshoepatus! Hindi na ako makakatulog nyan. Pero kapag ako naman ang nakatulog, sa umaga ay sinasabi ni esposo na ang lakas ko daw maghilik. Ganti ganti lang, ha ha ha!
Kapag nasa mood at summer…ayan sadyang maingay ako talaga. Paano? Nagpapalahaw sa kakakanta! Noong nabubuhay pa ang aming canary na si Peedy ay sinasabayan ako sa kantahan at talagang tinatabunan nya ang volume ko, I kid you not! Sayang at sira na ang aking mini CDplayer kasi doon ko lang pwede i-play ang cd, kung hindi ay ipaparinig ko sa inyo ang kanyang ingay…nakakatuwa!
Pero ang ingay ko, promise, hindi nakakatuwa





















Recent Comments