*Ang mababasa ninyo ay totoong kaganapan. Sa kasalukuyan ay tuloy pa rin ang pagsisiyasat sa krimen na ito. Ipagpaumanhin din ninyo na ibang klaseng HIBLA ang aking entry sa araw na ito, nais ko kasing i request sa inyo na ipagdasal si Milly at ang kanyang pamilya.*

Eksaktong isang linggo ang nakaraan ng tumakbo sa himpilan ng pulisya ang nanay ni Milly Boele.  Ini report nya na nawawala ang kanyang 12 taong gulang na anak! Ilang oras lamang ang nakakaraan ay kausap pa nya si Milly sa telepono ng biglang sinabi ng dalagita: “de buurman voor de deur, ik moet ga” ( nasa pintuan ang kapitbahay (lalaki) ibababa ko na telepono ) Ang mga katagang ito ay binago ng polisya at imbes na kapitbahay ay ‘may lalaki sa pinto’ ang kanilang ibinahagi sa media…strategy daw ito. Reported as ‘missing’ lang ang dalagita ng unang gabing iyun.

Huwebes susunod na araw, ang ingay dito sa lugar namin dahil sa police helicopter na nagronda sa aming lugar. Bago ko makalimutan sabihin, ang bahay nila Milly ay ilang minuto lamang ang layo mula sa aming bahay. Maaring si Milly ay nakakasalubong ko sa kalye o baka nakipag palitan pa ako ng ngiti sa kanya noon. Nakakalungkot isipin.

Lumakad ang mga araw, ang hiblang pag-asa ng mga magulang at kapatid ni Milly ay pa-igsi ng pa-igsi. Araw-araw ay ramdam na ramdam sa aming maliit na town ang kawalan na ng pag-asa. Hanggang kagabi. Pinalibutan na ng police line ang bahay ni Milly pati na rin ang mga katabi nito. Bago maghatinggabi ay naglabas ng statement ang pulisya na natagpuan ang walang buhay na si Milly sa hardin ng kanyang kapitbahay! Sino ang kapitbahay? Isang  26 years old na pulis.

Mamayang gabi ay dadalaw kami sa tapat ng bahay ni Milly. Maipadama sa kanyang pamilya na kahit sa ganitong paraan  kami ay nakikidalamhati.

I can only imagine the pain this has brought the young girl’s family. May the soul of Milly find peace.

Share