the world from behind her camera
Hindi kailangan ang baterya (LP 112 Teknolohiya)
‘Mamaya ka na maglaro ng Xbox, laro muna tayo ng chess’
Ah, technology. Those new gadgets! The latest this and that… “I want!”
May nakikita ka pa bang mga batang paslit na naglalaro ng patintero, tumbang-preso, teks o taguan sa lugar ninyo? Malamang ay ‘oo naman’ ang iyong sagot dahil tiyak ay meron pa rin naman. Pero konti na lang sila. Bihira na lang ang makukulit na bulilit sa kalye. Nasaan na kaya sila?
Naglalaro ng Facebook games? Nakikipag chat online? Naglalaro ng playstation, xBox o kaya naman ay Wii sa loob ng bahay? O nakakulong naman kaya ang dalagita at binatilyo sa kanilang kuwarto at may pasak ang mga tenga na nakikinig sa kanilang iPod?
Balanse. Kailangan natin ng balanse. Lalo na tayong nakakatanda.Kailangan maging role model.
(Nagsalita ang addict sa FB games …kasalanan ng internet ito eh
)
Happy LP everyone!
| Print article | This entry was posted by Thess on June 30, 2010 at 7:46 pm, and is filed under Litratong Pinoy. Follow any responses to this post through RSS 2.0. You can leave a response or trackback from your own site. |











about 1 year ago
Kakaiba ang take mo sa theme, Thess. I was not expecting a chess board, pero tama ka… kailangan nila ng balanse.
One day my dad was playing solitaire on the dining room table. My then 6 year old daughter walked by and said, "OH! I didn't know you can play solitaire with cards!"
JMom´s last [type] ..Blogging Back in the Day
[Reply]
about 1 year ago
Paano naman kasi ang dami nang sasakyan sa daan ngayon. Kaya mga pamangkin ko pag weekend itatapon sa bukid
para doon makapaglalaro nang todo-todo, na yung nagbabantay ay hinde kakabahan na baka masasagaan. At hinde ko sila pinagbilhan nang Wii or kung anong mga anik anik na gadgets. Kaya din sometimes andoon sa internet cafe mag laro pero at least one hour lang eh walang pera minsan nga half hour lang

Manang Kim´s last [type] ..Little barn
[Reply]
about 1 year ago
Maraming bata ang naglalaro sa labas malapit sa amin, marahil dahil mga hindi nila afford ang hi-tech gadgets.
Kaya kami walang mga handheld game consoles para may time maglaro sa ibang bagay
julie´s last [type] ..Harry Potter and the Deathly Hallows Trailer
[Reply]
about 1 year ago
Knappe foto !
AmaZony´s last [type] ..rode fruitkopjes
[Reply]
about 1 year ago
Minsang pumunta ako sa Internet Cafe, may dalawang bata ang pumasok para maglaro ng computer games gamit ang perang nalikom sa pagtratrabaho sa lansangan. Iba na talaga ang panahon ngayon… pero masaya pa rin akong maingay pa rin ang street namin dahil sa mga batang naglalaro ng street games.
Ang aking LP ay nakapost DITO. Happy Huwebes!
ShutterHappyJenn´s last [type] ..Teknolohiya Technology
[Reply]
about 1 year ago
Talaga namang mahirap na kalaban ang mga bagong teknolohiya na ito para sa pag aaral ng mga bata, ngunit tayo mang mga nakatatanda eh nag eenjoy sa mga ito.
eto ang lahok ko: http://sweetbitesbybang.com/2010/07/lp-teknolohiy…
bang´s last [type] ..LP- Teknolohiya
[Reply]
about 1 year ago
Bwehehe guilty as charged, luto tayo ng luto kahit sa FB. Pero buti na lang nung mga bata tayo eh na-experience natin ang maglaro sa kalye wantusawa
Eye´s last [type] ..LP112- Teknolohiya Technology
[Reply]
about 1 year ago
sa mga liblib na barangay ka na lang makakakita ng mga batang naglalaro ng patintero. sa cities, meron pa rin naman pero hindi na tulad ng panahon ko.:p ang kaibigan ko nga nagwo-worry sa anak nya kasi sobrang taba na at di tumatayo sa harap ng PC…binilhan namin ng tirador! LOL di nya alam kung papano gamitin.
luna miranda´s last [type] ..LP- Teknolohiya technology
[Reply]
about 1 year ago
Role model…really guilty your honor!
emarene´s last [type] ..Litratong Pinoy – Teknolohiya
[Reply]
about 1 year ago
Minsan nga meron ding electronic chess board
ngayon hinahayaan ko ang mga bata na maglaro sa labas ng bahay hehe…malaman nila kung paano ang maglaro ng totoo
[Reply]