Join us at Litratong Pinoy.Com

 

Bumili kami ng lotto ticket . Binola nuong hatinggabi ng Disyembre 31, 2011. Hindi nanalo. Natalo ng Euro20.00 .

Kung nanalo kami, unang una ko’ng gagawin ay ipapagamot ko lahat ng may sakit sa pamilya ko. Lahat ng pamangkin ko ay pagtatapusin ko ng pag-aaral. Magbibigay kami ng donasyon sa ilang pangasiwaan na nagpo-protekta ng mga hayop. Magbibigay kami ng donasyon sa ilang bahay ampunan. Kung may matitira na pera, makapag-bakasyon naman sana kami sa mga bansang hanggang ngayon ay pinapangarap naming mag-asawa mapuntahan.

Pero ayun nga. Talo.

Pero ulit! Bago namin binili ang ticket sa lotto ay nakatanggap ako ng email sa isang local Dutch optical online shop na NANALO ako ng FREE complete (prescription) eyeglasses. YES! Sa buong buhay ko, isang beses pa lang ako nanalo, sa jueteng pa, lol walang biro yan :P

Ang idinagdag ko lang ay ang bayad sa koreo at anti-scratch/anti-glare. Halos kamukha ito ng bagong gawa kong Rx eyeglasses na kung sa Php icoconvert ay nasa 18K. Ang ibinayad ko para sa isang ito ay Php1,800 lang! Ang laki ng diprensya hindi ba?

Yan ang isa sa aking kasiyahan ngayon! :D

 

HAPPY NEW YEAR at HAPPY L.P. ulit sa inyo!