Kaninong maleta ito? IYO ba? Idiniklera mo ba ang  buntot na ito?

Ang totoo nito ay display ito sa conveyor belt sa Schiphol airport sa Amsterdam. Ilang conveyors ang nakitaan ko na mayroon nito sa ibabaw. Ang mga sample na maletang gaya nito ay kasama ng  mga maleta ng mga pasahero na umiikot sa belt.

Ginawang sample ito ng mga kinauukulan dahil sa dami ng hindi idinideklarang bitbit ng mga ‘malihim’ na pasahero. Mga pinatuyong exotic animals ay ilan lamang sa mga ipinupuslit. May mga nagpupuslit din ng mga pinatuyong balat ng buwaya gayan ng nasa larawan na ito.

Kaya kung may bitbit kang buwaya (kahit tuyo) nasa kategoryang ‘Something to Declare’ ito.

dapat naman, di po ba? :)

Happy LP day, everyone!

Share