Paano nga ba maging mahusay na mag-aaral? Na maging mahusay na manggagawa? Na maging mahusay na potograpo? Paano ka ba huhusay sa larangan na iyong napili?

Pag-aaral na mabuti. Libro ay buksan, unawain, isapuso’t isip ang binabasa. Maagang pumasok sa trabaho upang maraming gawang makumpleto at maisa-ayos.
Mag ensayo ng paulit-ulit, mag-isa man o kasama ang ilan na nag-nanais din na paghusayin ang kanilang kaalaman sa potograpo.

Ito ang tagpong nadaanan ko sa MBK shopping mall sa Bangkok noong nakaraan naming bakasyon. Napansin ko ang mga lalaking ito na busy sa pag eensayo sa potograpiya. Mayroong tiga-ayos ng mga ilaw, upuan at tiga-palit ng lente na gagamitin. Habang pinapanood ko sila ay kitang kita ko ang pagiging seryoso nilang lahat. Kaya naman mabilisan lang ng kumuha ako ng ilang shots para hindi ko sila maistorbo.

Kasabihan ng iba na “hindi lang ang camera mo ang nagpapaganda ng iyong mga larawan kundi ang husay mo” – totoo ito. Maraming ‘amateur’ photographers ang ating nakikita sa internet na talaga naman papaganda ng papaganda ang mga larawan na kanilang ipinapakita. Dahil sila ay paulit-ulit na nag-eensayo! Walang patid sa pagkuha ng mga larawan ang nagpapahusay sa kanila.

PERO naniniwala din ako na katuwang mo ang camera na mapag husay ang iyong pagkuha ng mga larawan. Aminin man ng iba sa atin o hindi, sadyang may mga camera na nagpapa ‘wow’ sa atin, madalas ay ito ang gamit ng mga potograpong propesyonal na alam na alam ang kanilang ginagawa. Dahil na rin iyon sa kanilang walang sawang pag-eensayo na mapagbuti ang larangan na kanilang pinili.

Camera man sa iyong telepono, Point and Shoot o DSLR….ensayo lang kaibigan…ensayo lang ng ensayo ;)

Happy LP sa inyong lahat!

Share