Join us at Litratong Pinoy.Com

Ang tunay na pagkakaibigan ay walang kinikilalang sagabal. Ano mang uri ka ng nilala kung ang puso mo ay makatuwiran, totoo, mapagmahal, mapag-alaga at makatotohanan, tiyak na labi mo ay palagiang may taglay na ngiti katulad ng kanya (kambing.)

Nakita ko sila noong nakaraang Sabado sa isang parke dito sa aming lugar. Nakapikit at antok na antok man ang kambing ay hindi siya humihiga at halos hindi gumagalaw dahil siguro ay ayaw nya mawala sa kanyang likod ang kaibigang manok!

Daig pa ako ng kambing na ito, sa totoo lang. Kung may ‘kaibigan’ na sumakay sa likod ko pero hindi naman siya totoo, ako na mismo maghuhulog sa kanya sa pagkakasakay sa likod ko!