Dahil sa may alaga kaming aso, ang bakasyon ay pinaplano na kasama siya kung lokal ito. May mga hotel dito sa Holland na allowed ang aso ay itinuturing na guests (syempre ay may bayad din sila) Noong nakaraang Sabado ay nag long weekend kaming pamilya sa aming paboritong hotel sa Southern part ng Holland, malapit ito sa dagat. Ang dagat na ito ay pamoso dahil kung susuwertihin ka ay makakakita ka ng seals.

Gusto kong magbakasakali na makakuha ng ilang litrato, bitbit pa ang isang cheapipay na largabista ay hinila ko na ang mister ko sa dagat matapos makapag almusal. Nanlumo ako pagdating namin doon dahil bukod sa halos hindi maabot ng largabista ang san bed ng mga seals ay ga-tuldok lamang sila sa aking pananaw. “Hay, bigo” sabi ko sa sarili ko.

Bumalik na kami sa hotel dahil may lunch date kami kasama ang ilang kaibigan. Habang naghihintay kami ay biglang lumapit sa aming table ang hotel owner at sinabing: `sa loob ng 2 oras ay darating ang seal ambulance na may dalang pakakawalan ng wild seals. Baka gusto ninyong makita, pumunta kayo sa dagat.` Whoa! nanlaki lalo ang dati ng malalaking mata ko sa tuwa! Hindi yata ako mabibigo….

Medyo naparami ng upload ng photos…gusto ko sanang i-share sa inyo ang na experienced ko…kakaiba kasi ito keysa sa mga seals sa captivity na ginagamit para pagkakitaan ng pera. Ito naman ay tao ang nagbibigay ng pera para sila ay protektahan.

Paparating na ang seal ambulance..galing pa ito sa Northern part ng Holland. Dahil ang mga seals ay nanggaling sa Southern part, doon din sila ibabalik.

Likas na excited, ang iba ay tinakbo ang paparating…

ang 2 crates na lulan ang baby seals….

may cameraman pa para sa espesyal na kaganapan…

hindi lamang ang mga nakakatanda pero lalo na ang mga bata ay likas na curious sa 2 seals…

May mga taong likas na ang pag-uugaling hindi sumunod sa mga utos at pakiusap. Pero may mga tao rin na likas na ang kagandahang asal! Sinabihan kami na kung maari ay biyan ng space ang seals at huwag hahawakan, hayaan silang lumapit dahil curious din sila at gustong amuyin ang paligid…

paminsan minsan ang naghihintayan ang 2, para bang nagkukumpirmahan ng kanilang gagawin…

oh no! wala pa akong kuha na medyo close up..patakbo na sila sa tubig…ang ganda ng kulay ng balahibo nila, parang ang sarap yakapin!

naghintayin ulit silang 2…nakikita ninyo ang asal ng mga nagmamasid? likas na may respeto sila hindi lamang sa batas pero maging sa kapakanan ng mga hayop…nakakatuwa silang pagmasdan din.

ayun, halos palubog na sa tubig ang naunang seal..ah, freedom ika nya siguro

2nd seal: pero teka, pagbibigyan ko muna yung wish noong isang babae…solo shot yata ang gusto

maniwala kayo o hindi…bumalik ang 2nd seal at halos 10 segundo ay tumigil sa harapan ko!!! marami akong nakuhang shots pero ito ang paborito ko!   I click nyo ang last image para makita ang malaking orihinal na shot!

Join the FUN at LITRATONGPINOY .COM

Share