the world from behind her camera
LIKAS, LP 96
Dahil sa may alaga kaming aso, ang bakasyon ay pinaplano na kasama siya kung lokal ito. May mga hotel dito sa Holland na allowed ang aso ay itinuturing na guests (syempre ay may bayad din sila) Noong nakaraang Sabado ay nag long weekend kaming pamilya sa aming paboritong hotel sa Southern part ng Holland, malapit ito sa dagat. Ang dagat na ito ay pamoso dahil kung susuwertihin ka ay makakakita ka ng seals.
Gusto kong magbakasakali na makakuha ng ilang litrato, bitbit pa ang isang cheapipay na largabista ay hinila ko na ang mister ko sa dagat matapos makapag almusal. Nanlumo ako pagdating namin doon dahil bukod sa halos hindi maabot ng largabista ang san bed ng mga seals ay ga-tuldok lamang sila sa aking pananaw. “Hay, bigo” sabi ko sa sarili ko.
Bumalik na kami sa hotel dahil may lunch date kami kasama ang ilang kaibigan. Habang naghihintay kami ay biglang lumapit sa aming table ang hotel owner at sinabing: `sa loob ng 2 oras ay darating ang seal ambulance na may dalang pakakawalan ng wild seals. Baka gusto ninyong makita, pumunta kayo sa dagat.` Whoa! nanlaki lalo ang dati ng malalaking mata ko sa tuwa! Hindi yata ako mabibigo….
Medyo naparami ng upload ng photos…gusto ko sanang i-share sa inyo ang na experienced ko…kakaiba kasi ito keysa sa mga seals sa captivity na ginagamit para pagkakitaan ng pera. Ito naman ay tao ang nagbibigay ng pera para sila ay protektahan.
Paparating na ang seal ambulance..galing pa ito sa Northern part ng Holland. Dahil ang mga seals ay nanggaling sa Southern part, doon din sila ibabalik.
Likas na excited, ang iba ay tinakbo ang paparating…
ang 2 crates na lulan ang baby seals….
may cameraman pa para sa espesyal na kaganapan…
hindi lamang ang mga nakakatanda pero lalo na ang mga bata ay likas na curious sa 2 seals…
May mga taong likas na ang pag-uugaling hindi sumunod sa mga utos at pakiusap. Pero may mga tao rin na likas na ang kagandahang asal! Sinabihan kami na kung maari ay biyan ng space ang seals at huwag hahawakan, hayaan silang lumapit dahil curious din sila at gustong amuyin ang paligid…
paminsan minsan ang naghihintayan ang 2, para bang nagkukumpirmahan ng kanilang gagawin…
oh no! wala pa akong kuha na medyo close up..patakbo na sila sa tubig…ang ganda ng kulay ng balahibo nila, parang ang sarap yakapin!
naghintayin ulit silang 2…nakikita ninyo ang asal ng mga nagmamasid? likas na may respeto sila hindi lamang sa batas pero maging sa kapakanan ng mga hayop…nakakatuwa silang pagmasdan din.
ayun, halos palubog na sa tubig ang naunang seal..ah, freedom ika nya siguro
2nd seal: pero teka, pagbibigyan ko muna yung wish noong isang babae…solo shot yata ang gusto
maniwala kayo o hindi…bumalik ang 2nd seal at halos 10 segundo ay tumigil sa harapan ko!!! marami akong nakuhang shots pero ito ang paborito ko! I click nyo ang last image para makita ang malaking orihinal na shot!
Join the FUN at LITRATONGPINOY .COM
| Print article | This entry was posted by Thess on March 10, 2010 at 4:41 pm, and is filed under Litratong Pinoy. Follow any responses to this post through RSS 2.0. You can leave a response or trackback from your own site. |





























about 1 year ago
may mga tao pa ring likas na may malasakit sa mga hayop.
.-= Willa´s last blog ..LP#55:Likas (Human Nature) =-.
[Reply]
about 1 year ago
Ayy….hindi lang si Charlie ang nag-enjoy ah….love the storya, totoo merong mga di sumusunod sa pakiusap meron namang likas ang kagandahang asal…
be free baby seals!
.-= Mirage´s last blog ..Foreign =-.
[Reply]
about 1 year ago
aaawww ang cute ng baby seals!!!!
super interesting ang blog mo ate!!! thanks for sharing
.-= arls´s last blog ..LP: Likas (Human Nature) =-.
[Reply]
about 1 year ago
You chronicled it well and I felt like I was there also! Thanks for this wonderful adventure.
Happy LP, Boss!
PS. Dito sa atin, FOOD ang tingin sa mga yan, kaya I'm sure, hindi na sila aabot pa sa dagat. Sa kusina na matatagpuan ang mga yan. LOL
.-= Doc Emer´s last blog ..Until When? =-.
[Reply]
about 1 year ago
ang cute ng mga baby seals!
pero bat biglang naalala ko ung napanood ko na kinakain ng great white shark ung isang seal….ay sus!
thanks for sharing!
.-= ruthay´s last blog ..Litraton Pinoy #12: Kalikasan / Nature =-.
[Reply]
about 1 year ago
ang ganda naman ng iyong lahok ka-LP, cute ng mga baby seals, maganda pagkakakuha sa mga larawan
.-= 2nette´s last blog ..Litratong Pinoy- Likas (Human Nature) =-.
[Reply]
about 1 year ago
ang ganda naman ng kwento at ang cute ng mga seals! lalo na yung nasa tubig at parang naglalaro sila.
.-= emarene´s last blog ..Julie and Julia =-.
[Reply]
about 1 year ago
Wow, kakatuwa ang mga seals. Bilis! pahabol sa camera mo. Ganda ng close up!
.-= Ebie´s last blog ..Litratong Pinoy: Likas =-.
[Reply]
about 1 year ago
ang saya nito Tita Thess! ang mata ng seal ay napaka-ganda!
meron talagang likas na pasaway, mukhang mabait pa nga sila kumpara sa iba
.-= Julie´s last blog ..Kung Likas na Masipag =-.
[Reply]
about 1 year ago
ang ganda nga ng mga seals. naku talagang magandang kuhanan ito. kung ako din yan click ng click lang. hehehe
happy lp
.-= upto6only´s last blog ..LP: Likas =-.
[Reply]
about 1 year ago
hehe, parang excited nga si charlie sa unang larawan….
.-= lino´s last blog ..LP: likas… =-.
[Reply]
about 1 year ago
ay naku, na-excite din ako sa mga litrato mo. Sana, ma-survive nila ang karagatan. Ang kyut nila!! Galing ng mga kuha mo, lalo na iyong may-I-pose na kuha
maligayang lP!
.-= Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#88 Likas (Natural) =-.
[Reply]
about 1 year ago
OH my goodness, Thess, nabasa nya isip mo. The seal really did that for you. I clicked on the photo and yeah they are so beautiful. So sad to see them go but they belong there.
Thanks for sharing these photos. Nice to see the people so cooperative din.
Happy LP!
.-= Arlene´s last blog ..LP – Kalikasan [Nature] =-.
[Reply]
about 1 year ago
Napakacute ng mga baby seals…
sana ay mahiyang sila at makasurvive. Galing ng shots mo.
.-= Sassy Mom´s last blog ..Filipinos are prayerful by nature =-.
[Reply]
about 1 year ago
ang cute! sana magsurvive sila. galing ng documentation ah.
ito naman ang aking lahok.
.-= anj´s last blog ..Netherlands: First Impressions (August 2008) =-.
[Reply]