Walong taon na kaming nakatira dito sa bahay namin pero kailan ko lang napansin ang kakaibang ‘mukha’ na nasa haliging ito na nasa kisame ng isang kuwarto. Ekstrang kuwatro ito na ginagamit ko kapag mama-malancha o kapag may bisita naman ay pwedeng tulugan. I-click mo lang itong litrato at baka may makita ka ring ‘extra.’

mumu

Naisip ko lang na isama itong pangalawang larawan na nahalukay ko sa mga lumang files ko. May watermark na 2007 pero kuha ito nuong 2001 ng magpunta kami sa Salzburg, Austria. Lugar ng kapanganakan ng pomosong si Johannes Chrysostomus Wolfgangus Theophilius Mozart na ipinanganak nuong Enero 27, 1756. Ang bahay na tinirahan nya at ng kanyang pamilya ay isa ng museo ngayon na bukas para sa mga bisita at turista. Bawal ang pagkuha ng larawan sa loob nito pero hindi ko alam ito, cool na cool pa nga ako eh kaso pagkatapos ng pangalawang click ko, nilapitan ako ng bantay at sinabihan na bawal kumuha ng larawan. Pero eto naipuslit ko na, ang KUSINA na kung saan ay makikita ang mahahabang bagay. I click mo lang para makita mo mas malaking larawan.

kitchen

Thesserie - View my recent photos on Flickriver

43 Comments so far »

  1.  

    G_mirage said

    April 23 2008 @ 11:10 pm

    Kakaiba ang kulay ng kahoy na iyan! Buti ka pa at nakapunta na sa bahay ni Mozart, malapit lang ako diyan sana ay mapsyalan ko din…maligayang huwebes sa iyo =)

  2.  

    Joy said

    April 24 2008 @ 12:00 am

    Ang ganda naman ng naipuslit mong litrato. Hehe…

    Maligayang araw!

  3.  

    ces said

    April 24 2008 @ 12:41 am

    ganyan din ako…kunwari d alam na bawal…hahahaha! ang galing naman ng kuha mo, parang hindi kinakabahan:) joke!

  4.  

    Lizeth said

    April 24 2008 @ 3:01 am

    akala ko nga may disenyong bulaklak e :D hehe

  5.  

    lidie said

    April 24 2008 @ 3:21 am

    ang ganda! talagang maraming nakikita pag sadyang hinahanap!
    magandang huwebes sa’yo!

  6.  

    lino said

    April 24 2008 @ 3:54 am

    ok lang kung may ganyan sa tutulugan ko pag nagpunta ako dyan, hehehehe… magandang araw ng huwebes auntie…

  7.  

    JEANNY said

    April 24 2008 @ 3:58 am

    ng i-click ko yung unang pic…mejo nagulat ako, hehehhe…kasi parang mumu cya eh hahahaha…

    yung pangalawang pic…napa wow ako…ang ganda kc ng lugar…ganda ng kusina ni mozart ah… :)

    Gandang huwebes mami Thess

  8.  

    yvelle said

    April 24 2008 @ 4:26 am

  9.  

    julie said

    April 24 2008 @ 5:43 am

    Ang ganda, historical. Wala bang tumutugtog nang pumunta ka dun? :D

    Magandang araw sa iyo!


      THESS: TUGTOG D KO NAPANSIN EH, BUSY SA KAKAISIP PAANO PUPUSLIT NG KUHA NG LITRATO HA HA! PERO MA’AM JULIE, ISA SA NAKITA KO AY MGA DAMIT NILA NA ANG KAKAPAL AT DAMING BURLOLOY, TAPOS ISIPIN MO, HINDI SILA NALILIGO NUON HA! WALANG TUBIG NA MALINIS KATULAD NG SA ATIN NGAYON AT WALA SILANG SABON..PUTING POWDER (HINDI KO ALAM KUNG ANO ITO) LANG GINAGAMIT NILA..SO, HMM..MAAANTOT NGA SILA NUONG PANAHON NA YUN
  10.  

    Linnor said

    April 24 2008 @ 6:08 am

    amazing talaga ang structure ng lumang bahay no? pagkakapal ng dingding!! :)

      THESS: AY OO, YUNG MGA DAAN-DAANG TAON NA ANG EDAD NA MGA BAHAY, MAGAGANDA STRUCTURES, SA LOOB AT LABAS…ITO NAMAN AMIN AY 30+ TAON PA LANG..PERO ANG KAHOY NA HALIGI NA ITO AY MAKAPAL NGA, PERO MGA DINGDING NAMIN, ISANG SUNTOK, MABUBUTAS EH HA HA!
  11.  

    Girlie said

    April 24 2008 @ 6:34 am

    sama ng tingin, nakadila pa sakin…hhhmmmp!

      THESS: NAKADILA BA? PARANG GUSTO KA HIGUPIN EH..EKKKK!! *LOL!*
  12.  

    Fickle said

    April 24 2008 @ 8:59 am

    been there,done that! I definitely know the feeling. ;)

    THESS: :)

  13.  

    iska said

    April 24 2008 @ 10:06 am

    ang ganda ng kahoy sa bahay mo. mukhang masarap ayusan o i-ID (interior design baga) ang tinitirhan mo. napukaw ang diwa ko :)

      THESS: NAKU NAPUKAW ANG PAGIGING DESIGNER MO HA HA! SANA NGA NANDITO KA AT IPAPAAYOSKO SA IYO…LIBRE? HA HA..SAGOT KO KAPE AT PAMBARA ;)

  14.  

    cathy said

    April 24 2008 @ 10:25 am

    hindi ka ba kinabahan nung nakita mo yung mukhang parang nanonood sa inyo? Hehe… Wow! Gusto ko rin makita ang bahay ni Mozart! Napanood ko dati ung pelikula tungkol sa buhay niya.. ang saya sana kung makapupunta rin ako diyan minsan.. haha!

      THESS: HA HA, HINDI NAMAN, BARKADA NA KAMI NYAN EH *LOL* SANA NGA MAPUNTAHAN MO DIN!

  15.  

    Dyes said

    April 24 2008 @ 10:41 am

    ang ganda naman ng kuha mo! at ang ganda rin ng kitchen and to think na 18th century pa yan.

      THESS: SALAMAT DYES. IMPRESSIVE NGA KUSINA NYA, PERO LALO NA YUNG MGA PIANO AT ARRANGEMENTS NYA, KASO SAYANG BAWAL TALAGA KUMUHA NG PICTURES

  16.  

    zamejias said

    April 24 2008 @ 11:19 am

    Thess, mumu yata yang kasambahay nyo…heheh. Mukhang matibay ang kahoy na yan a. Solid na solid.

    Swerte mo naman nakapunta ka kina Mozart…sobrang namangha ako sa kusina.

  17.  

    iris said

    April 24 2008 @ 12:43 pm

    hehe ganyan din ako nung ang bahay namin ay luma pa at puro kahoy. may mga mukha at kung ano ano pa akong nakikita sa mga kahoy na ganyan ang gawa. :) very creative shot!

  18.  

    mousey said

    April 24 2008 @ 1:12 pm

    hala may bantay ka pala dyan!

    ako rin minsan di ko napapansin na bawal ang kumuha ng mga larawan sa mga ibang lugar. mabuti at di pa ako nakukulong heheh…

  19.  

    Buge said

    April 24 2008 @ 1:41 pm

    Ayokong i-click yung unang larawan. Natatakot ako! Hehe

    Magandang Huwebes sa yo!

  20.  

    Meeya said

    April 24 2008 @ 4:24 pm

    uy creepy naman yung “mukha” sa kahoy haha! :) isa sa mga trip ko ay ang pumunta sa mga lumang bahay, lalo na ng mga sikat na tao. dalhin mo ako diyan thess ha? :) *muah*

    maligayang huwebes!

    MyMemes: LP Pahaba
    MyFinds: LP Pahaba

  21.  

    komski kuno said

    April 24 2008 @ 5:07 pm

    Hehehe, nung bata ako ganyan din yung lagi ko nakikita sa dingding ng kwarto ko, puro ganyan, mga mukha. Naaalala ko, pinag-uusap ko pa nga sila e, hehehe:D Wirdung bata.

  22.  

    Kaje said

    April 24 2008 @ 5:26 pm

    katakot naman yung unang larawan, nagsisi ako bakit ni-click ko pa, kagulat hahaha!!

  23.  

    Weng said

    April 24 2008 @ 5:26 pm

    katakot yung kahoy mo jan, thess ha! :) ayaw ko matulog sa room na yan! hahaha! :P mabuti at hindi ka nangahas magluto sa kusina ni mozart. :D magandang araw sa’yo! mmmwah!

    Mga Pahaba sa Dallas
    Mga Pahaba sa Houston

  24.  

    latuya jakson said

    April 24 2008 @ 7:06 pm

    kamuka ni michael jackson after da operation yang fez na yan.

  25.  

    sasha said

    April 24 2008 @ 7:12 pm

    Ang masasabi ko lang ate Thess ay astig kang kumuha ng litrato! I’m proud to be your lil sis! ;)

    Happy Friday! Mwah!

  26.  

    Clicking Away said

    April 24 2008 @ 9:38 pm

    Thess, nakakatakot nga yung mukhang iyon…bakit naman at napansin mo pa iyon… ngayon lagi mo na siyang makikita tuwing tititigan mo yung kahoy na yon.

    Ang ganda ng kusina ni Mozart at ang galing mo magpuslit ng litrato :)

  27.  

    shutterhappy jenn said

    April 25 2008 @ 3:30 am

    parang mukhang pusa ang disenyo ng kahoy, thess! salamat sa pagbisita sa litrato ko.

  28.  

    teys said

    April 25 2008 @ 5:05 am

    ngeee, ako’y nagulantang ng aking i-klik para palakihin ang una. magaling!

    naku yung pangalawa dapat ay i-safety deposit box ata :) baka sakaling ma-auction kay Sotheby’s balang araw :)

    maligayang LP!

  29.  

    kiwipino said

    April 25 2008 @ 7:59 am

    kakatakot yung mata dun sa beam, very menacing - prang mumu, takot ako!

  30.  

    kaye said

    April 25 2008 @ 12:46 pm

    si darth vader ang aking nakikita. hehehe
    magandang araw!

  31.  

    Grey said

    April 25 2008 @ 1:31 pm

    Huwaaa Thess! Nakapasyal ka na sa bahay ni Ginoong Mozart! :) At ang galing ha buti na lang nakuhanan mo ng litrato bago ka napagbawalan.. hehe.. At buti mabait sila at hindi naman pinabura sau ang kuha mo sa camera. Un iba kasi pag nakuhanan na tapos bawal, it`s either they confiscate your cam or they order you to delete the photo. Pero maganda pa rin talaga ang kuha mo! :) Maligayang LP! :)

  32.  

    alpha said

    April 25 2008 @ 4:32 pm

    ayoko lakihan yung litrato, baka may makita akong iba hehe

  33.  

    iRonnie said

    April 25 2008 @ 6:58 pm

    ayaw ko i klik. takot ako! lolz happy weekend!

  34.  

    Pinky said

    April 25 2008 @ 8:10 pm

    Napakamakasaysayan naman ng kuha mo sa kusina ni Mozart - ganda! Talaga tayong mga Pinoy, basta kodakan, number one! Hahaha! :D

    Magandang Biyernes sa iyo!

  35.  

    abby said

    April 25 2008 @ 8:19 pm

    wow gusto ko din makapunta sa bahay ni Mozart!

    happy weekend thess! :)

  36.  

    rose said

    April 26 2008 @ 1:00 am

    naku , me nakita nga akong mata at bibig, pero walang ilong.. :P at mukhang nagulat sya.. :P

    ako naman, gusto kong makatulog sa kwartong yan ng makita ko ng personal ang kahoy na yang me mukha :P happy weekend sa yoo and ke kuya

  37.  

    nona said

    April 26 2008 @ 6:59 am

    haha! okay rin minsan ang pasaway ano? kita mo iyan may kakaibang entry ka at matuk mo, pag-aari pa ng pamosong tao.
    Ayos na ayos ang lahok mo thess ;)
    hanggang sa muli…..

  38.  

    nina said

    April 26 2008 @ 12:26 pm

    gusto ko rin makita ang bahay ni mozart :) Love ko ang Europe sana makapunta rin ako sa Salzburg Austria. Maligayang Sabado.

  39.  

    shalimar said

    April 27 2008 @ 5:54 am

    thess…. hmmm that is scary… speaking of Austria I still have the ring you know which one…

  40.  

    Jen said

    April 27 2008 @ 9:31 am

    kakatakot naman yan! parang undin! hehe

  41.  

    sardonic nell said

    April 27 2008 @ 10:41 am

    you are truly gifted in photography sis. isipin mong kahoy yan sa kisame, pero ang ganda nya sa picture. pssst, miss na kita! love yah, mwaaah :D

  42.  

    tin said

    April 27 2008 @ 12:35 pm

    parang masungit ang mukha sa kahoy.. ayoko i-click baka mapasigaw ako. ha ha!

    hanggang sa susunod na linggo! mwah!

    *My LP 4 Entry*

  43.  

    carol said

    April 30 2008 @ 2:27 am

    galing!

Comment RSS · TrackBack URI

Leave a comment

Name: (Required)

eMail: (Required)

Website:

Comment:

:happy: :lol: :wink: :huh: :belat: :cool: :darn: :yay: :rolleyes: :whoshuu: :zz: :hehe: :kiss: :whew: :drool: :uhoh: :shh: :ouch: :-| :ohyeah: :nee: :cute: :-P :hihi: :oh: :pak: :laugh: :kaboom: :hmm: :hug: :hiya: :peace: :pray: :sad1: :pray1: :roll: :sick: :scared: :sungit: :ggmba: :evil: :heart: :ok: :pom: :isda: :mydance: :run: :gh: :hungry: