Ang 2 makakapal na librong ito ay Bibliya. Nakakulong sila sa isang tatsulok at babasagin na nakikita ninyo sa larawan sa dahilang ang mga ito ay orihinal na kopya mula sa taong 1618. Isinalin sa lokal na lenguahe. Kaya ganuon na lamang ang pag-iingat sa mga ito ng isang simabahang katoliko dito sa aming siyudad.  One of local treasures, ika nga.

Ang Bibliya sa unahan ay mahigit kumulang sa 4 inches at ang nasa likod naman ay mas makapal pa.

Nagbabasa ka pa ba nito? Ako ay hindi magkukunwari. Bihira ko na lamang hawakan ang aking Bibliya. Bakit ba ganuon, sadya bang ang iba sa atin (o tulad ko) ay nakakaalala lamang na basahin ang Kanyang Wika kapag may bigat na nararamdaman sa kalooban?

Ah, kailangan ko magbalik loob sa kanya. Napakaigsi ng buhay. Paano na lamang kung biglang…….

Maligayang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat mga kasama!