Ang bilis talaga ng panahon, Huwebes na naman. E di syempre, L.P. na ulit. Kung mahilig kayo sa pagkuha ng larawan, sali na kayo! Click nyo lang ang button sa ilalim.

Nahirap akong maghanap ng tatsulok sa totoo lang para sa entry na ito. Buti na lang, tyempo at bumaba ang presyo ng Geomag, puzzle ito na puro magnet. Ilang taon ko ng gusto bumili nito kaso lagi akong namamahalan, pero dahil sa L.P. napagastos na ha ha! Nag-enjoy ako sa pagkuha ng mga larawan na ito kasi sumikat ang araw ng mag ’shooting’ kami ng mga magnet, ito resulta:

Itong una ay ipinatong ko sa rebulto na naka display sa bintana namin , pinaglaruan ko ito sa photoshop kaya kung gusto nyo makita ang resulta, paki-click lang itong larawan…at makikita nyo hindi lang alikabok sa rebulto, pati na rin yuong sinag ng araw na parang nagbigay ng dramatic effect sa kanilang halik. At pagkatapos ng pagkuha ng larawan na ito, nilinis ko na ang rebulto ha! ha! ha! nakakahiya ako!

kiss

ayun ulit sya, gusto daw nya sa mabulaklak mag pose eh , e di pagbigyan ang modelo di ba?
t4.png
2 sets ng Geomag ang nabili ko, ito naman ay sa set ng may pastel colors…ipinatong ko sa putol na sanga ng puno-ng-peras na nasa likod ng bahay namin.

yellow.png
sila naman ang mga kasamahan nung dilaw na tatsulok, isinabit ko sa kapiranggot na sanga yuong kulay ube at ibinalanse ang dilaw at rosas sa ilalim nito
trio.png
silang tatlo ulit, nakasabit lang ay yuong kulay ube…nakita nyo ako? ;) Hindi nyo lang alam kung gaano ako kasaya dahil sumikat ang araw, malnourished kami sa Vitamin D dito eh.

Salamat po Lord at hinayaan Nyong sumikat ang araw!!

trio1.png

To be honest, I had a hard time finding my triangle for this theme. I got lucky when Geomag (magnetic puzzle) was put on sale. I’ve been wanting to have this so when I saw the chance to use it for this theme I finally bought me a puzzle…and since the sun was shining, I had a great time using the pieces as subjects.

For the first shot I used a statue displayed on our window. I played with photoshop and if you’ll just click it, you’ll see not just the dust but also sun rays which gave a dramatic effect on the kiss. After the shoot I cleaned up the statue. Second shot was the same triangle this time I placed it in the middle of a plant. 3rd shot, the yellow triangle came from another set of Geomag - pastel colours. I just placed it on a tiny twig of a pear tree located behind our home. 4th, purple triangle holding onto the yellow and pink underneath and 5th shot, still the 3 of them balancing on the short twig.

I can’t explain how happy I was because the sun was present that day. Thank you God for the sun!

Thesserie - View my recent photos on Flickriver

42 Comments so far »

  1.  

    Eds said

    April 10 2008 @ 8:33 am

    Wow! ang galing naman ng iyong tatsulok. Ganda pa ng pag kakuha. Magandang Huwebes! :)

      THESS; SALAMAT NG MARAMI , EDS! AT MAGANDANG ARAW SA IYO!
  2.  

    Buge said

    April 10 2008 @ 9:39 am

    Gusto ko ang mga kuha mo! At ang gaganda ng kulay ng mga tatsulok! :)

      THESS; SALAMAT BUGE!
  3.  

    alpha said

    April 10 2008 @ 9:50 am

    ang gaganda ng kuha mo. at natatawa din ako sa post (ano tagalog?) mo hehe

      THESS: SALAMAT ALPHA, TAGALOG NA BUYOY HA HA!
  4.  

    pusa said

    April 10 2008 @ 10:04 am

    ang galing galing mo naman sis, hmmm parang gusto ko un rebulto hahahahaha… sasali nga ko jan sa LP na yan!

      THESS: SIS, SALI KA NA….CHECK MO SA L.P. PAGE YUNG THEME FOR NEXT WEEK ;0)
  5.  

    lidie said

    April 10 2008 @ 10:15 am

    nakaktuwa ang mga kulay ng iyong tatsulok!
    magandang huwebes sa’yo!

      THESS: SALAMAT LIDIE!
  6.  

    Em Dy said

    April 10 2008 @ 10:59 am

    Ang galing ng mga kuha. Paborito ko yung pangalawa. Yung una, nakakatawa. Kung tao yung naghahalikang rebulto, siguro magigising sila sa katotohanan pag pinatungan mo ng anuman sa ulo. Mauuntog. Ha ha ha.

      THESS: SALAMAT AT MAY NAGUSTUHAN KA :) NAGREREKLAMO NGA SILA DAHIL SA ALIKABOK NA NAKABALOT SA KANILA HA HA!!
  7.  

    FickleMinded said

    April 10 2008 @ 11:32 am

    you never failed to make me feel like I’m the worst photographer in the whole universe,my shot is always awful and most of my subject is lame, :) .what am I doing when GOD distributed that talent? … :D

      THESS: MARE, ANUKEBUH! PRAKTIS LANG NAMAN YAN …IKAW THE BEST MOM IN THE WORLD! =)
  8.  

    Kaje said

    April 10 2008 @ 12:25 pm

    galeng naman! ako muntik na din akong mapabili ng kung anuman para lang may maisali sa linggong ito! hehheh

      THESS: KAILANGAN YATA NATIN MAG-IPON NG PAMBILI NG SUBJECTS FOR LP *LOL*
  9.  

    Pinky said

    April 10 2008 @ 12:46 pm

    Gusto ko ang mga “pastel colors” ng mga tatsulok - ganda ng mga kuha mo!

      THESS: SALAMAT NG MARAMI, PINKY =)
  10.  

    mousey said

    April 10 2008 @ 12:59 pm

    ang galing mag pose ng mga modelo mo heheh…

    maligayang huwebes madam!

      THESS: MA’AM MOUSEY, MALIGAYANG BIYERNES AT SALAMAT PO SA DALAW.

  11.  

    bluep said

    April 10 2008 @ 2:07 pm

    haha nakakita ako ng ganyan sa MOA, pero di ko binili kasi ang mahalgrabe. yung maliit isang libo. haha buti nakabili ka, double purpose kapatid. Magandang huwebes sayo

      THESS: LIBO? DAPAT YATA MAG UWI AKO TAPOS BENTA KO DYAN HA HA..NEGOSYANTE TALAGA!

  12.  

    Meeya said

    April 10 2008 @ 3:20 pm

    ang ganda naman ng mga kulay! at syempre ang pagkakakuha. :) talagang sinulit mo sina geomag at pinag-mowdel mo ng pinag-mowdel hehehe.

      THESS: HOLLAND’S TOP MODELS YAN! HA HA HA CUTE KULAY ANO?
  13.  

    Jeanny said

    April 10 2008 @ 3:27 pm

    hmmm…interesanteng bagay yan ah…makahanap nga nyan…

    galing thes…ganda ng pagkakakuha mo ng larawan…buti at naki ayon ang panahon sa iyong photo shoot :)

      THESS: MOA DAW MERON. SALAMAT DIN SA DALAW HA…SAKA TOTOO KA, BUTI UMARAW KAYA TUWANG TUWA KAMI (NG MAGNET) HA HA
  14.  

    julie said

    April 10 2008 @ 6:55 pm

    Napakaganda ng iyong geomag. Oo mahal nga yan, pero sulit naman sa entry mo. Wag lang maabot ni Charlie ha :D

      THESS: DON’T WORRY MA’AM…INIISNAB NG PUGNGO ITO, KASI ALAM NYA PAG GAMIT NAMIN HINDI NYA PWEDE GALAWIN..NATATAKOT SYA, HONEST!
  15.  

    Clicking Away said

    April 10 2008 @ 7:04 pm

    Thess, nakakatuwa naman at bumil ka pa ng magnet para magkaroon lang ng entry. Di bale, sulit naman at maganda ang resulta ng iyong gawa. Buti na lang din at mas mura mo nabili ang mga laruang ito.

    Aabangan ko ang susunod mong entry.


      THESS; HI C.A! KATUMBAS NG ISANG SET AY ISANG BURGER SA MCDO, SO OKS NA OKS TALAGA NA ITO NA LANG BINILI KO HAHAHA…SALAMAT DIN SA DALAW HA!

      PS. NAKU WAG MO NA ABANGAN KASI GEOMAG NA KORTENG SQUARE LANG GAGAMITIN KO HA HA

  16.  

    Dragon Lady said

    April 10 2008 @ 8:51 pm

    sulit na sulit ang pagbili mo ng mga geomag ngayon pa lang! hehehe. ;)

    sa katunayan, ang gaganda nang mga kuha mo pati na rin ang mga istorya sa bawat larawan. nakakaaliw din ang makukulay mong ‘tatsulok’ at mga props/background na kasama nito!

    hanggang sa susunod mong lahok, kapatid… maaari mo na ring bisitahin ang aking ‘mga tatsulok.’ :D

  17.  

    Dragon Lady said

    April 10 2008 @ 8:54 pm

    sulit na sulit ang pagbili mo ng mga geomag ngayon pa lang! hehehe.

    sa katunayan, ang gaganda nang mga kuha mo pati na rin ang mga istorya sa bawat larawan. nakakaaliw din ang makukulay mong ‘tatsulok’ at mga props/background na kasama nito!

    hanggang sa susunod mong lahok, kapatid… maaari mo na ring bisitahin ang aking ‘mga tatsulok.’

      THESS: HALLUSH MS. DRAGON LADY! BALAK KO NGA DIN GAMITIN PARA SA SUSUNOD NA TEMA PARA SULIT NA TALAGA HA HA! SALAMAT SA IYONG PAPURI *NAG BLUSH ILONG KO OH* SALAMAT SA DALAW HA..AT NADALAW NA RIN KITA
  18.  

    ces said

    April 10 2008 @ 10:11 pm

    eto na po! kakagaling ko lang sa kapitbahay at narinig ko ang inyong panawagan! haha! kagandahan naman niyang tatsulok na iyan! meron nyan ang bunso ko! mahanap nga…pero may na-post na pala ako..haha! ang saya saya!

  19.  

    Weng said

    April 10 2008 @ 10:19 pm

    thess, siyempre nakakabighani na naman ang mga larawan mo. gusto ko lahat! pero yung pang-apat yata ang peborit ko. para silang umaakyat sa puno. hahaha!

    Mapped Memories
    Munchkin Mommy


      THESS: PARA BANG MGA SUNDALO NA UMAAKYAT SA PUNO? HE HE …..SALAMAT SA IYONG PAPURI (BOLA! HUSSS) BATI TAYO HE HE
  20.  

    Joy said

    April 10 2008 @ 11:48 pm

    Ang cute naman ng mga kuha…talagang nasulit ang pagbili ng geomags ano?

      THESS: OO , SULIT ;)
  21.  

    Grey said

    April 11 2008 @ 12:14 am

    Sadyang napakaganda ng iyong akda at mga litrato! :) Ang galing ng mga magnet noh? Talagang dikit kung dikit! Walang iwanan. :) Hangang hanga ako sa iyong pagiging malikhain at pagiging appreciative of even the smallest things. :) God bless! Magandang Huwebes!

      THESS: AWW GREY, WHAT A TOUCHING AND SWEET MESSAGE…SALAMAT DEAR. GOD BLESS YOU TOO! TC
  22.  

    sardonic nell said

    April 11 2008 @ 12:30 am

    I LOVE YOU, SIS and I ADORE YOUR PHOTOS! alam mo bang yang GEOMAG at DOMINO ang kinalolokohan namin ni NICHO ngayon. nakagawa na nga kami ng SPINNING WHEEL, hehehe. sensya ka na at nag iisip bata ako lately. hahaha! i can’t stop RAVING about your photos, sis. they are lovely and the backgrounds absolutely STUNNING and FRESH.

    I MISS YOU DEARLY, mwaaah…

      THESS: BIRDS OF THE SAME SURNAME FLOCK TOGETHER TALAGA ANO? HA HA O DI BA, TALAGANG MAGKAMAG-ANAK TAYO AT GEOMAG ADDICT KA AT SI NICHO! KULANG PA PIECES KO EH, PERO NAKAGAWA NA AKO NG MALIIT NA WHEEL, TAPOS KINABITAN KO NG ISANG TUBE, TUWANG-TUWA NA AKO NA PINAIIKOT SYA…YAN, ANG UTAK B I Y A HAHAHAHA!!

      LUV U BABE

  23.  

    christine said

    April 11 2008 @ 12:36 am

    ang ganda ng mga kulay, thess! gusto ko lahat ng mga larawan mo. magandang weekend sa iyo. mwah!

      THESS: SALAMAT TIN, AT SA IYO RIN! xxxxx

  24.  

    zamejias said

    April 11 2008 @ 2:04 am

    Galing galing naman. Sa pagkakuha at sa konsepto lalo na yong pinatong sa istatwa. Galing din ung experiment mo sa PS.

    At maganda yong kulay ng Geomag ha… tapos…biruin mo hindi ko alam na me laruan palang Geomag. Salamat naman sa link na binigay mo para Geomag.

      THESS: AWWW, NI-CLICKED MO YUNG UNA? SALAMAT HA. SANA MAKAHANAP KA NG GEOMAG, MAG EENJOY KA.

  25.  

    nona said

    April 11 2008 @ 2:17 am

    Superb! biruin mo iyan yung maliit na bagay na iyan ay talagang napakaganda nang iyong makuhanan? *bravo sa iyo thess* ;)
    tatsulok na may bilok bilok hehehe :)

    Hanggang sa susunod na kabanata!


      THESS: NI HAO? SHISHI (TAGALOG NA CHINESE TY HA HA, I HOPE :D) HANGGANG NEXT WEEK!
  26.  

    Ambo said

    April 11 2008 @ 3:31 am

    Wow kaaliw ang mga magnet na yan Momski! at talagang ginastusan pa ha hahaha. Nice shot. Gustong gusto ko yung epeks nung mga photos.

      THESS: NATATAWA NGA ASAWA KO , KUNG ANO-ANO PA DAW DAHILAN KO EH GUSTO KO LANG DAW YUNG MAGNET HE HE…TUTUT NAMAN :D..SALAMAT DADI AMBS
  27.  

    Dyes said

    April 11 2008 @ 3:51 am

    ang ganda naman ng mga tatsulok mo. nangingibabaw sila saan man sila mapadpad

      THESS: SALAMAT, DYES!

  28.  

    star said

    April 11 2008 @ 4:50 am

    wow! perfect lighting :)
    looking forward ako sa mga susunod pang LP entries mo.

      THESS: THANK YOU STAR…LIKEWISE :)
  29.  

    Studio Juan said

    April 11 2008 @ 7:09 am

    Thesserie, maganda ang iyong mga larawan. lalo na yung una, na nakikita pa yung mga linya ng sikat ng araw. magaling! (–,) hindi ko alam kung ano ang Geomag pero mukhang mapapasaliksik ako kung paano gamitin ito hehehe

      THESS: PABORITO KO RIN YUNG UNA..SALAMAT. SA MOA DAW MERON
  30.  

    Lizeth said

    April 11 2008 @ 7:54 am

    magtigil ka! nahirapan ka pa nyan ate ha!!!

    ang gaganda noh!! :)

      THESS: EH BAKIT GALIT KA?! HAR HAR HAR

  31.  

    kaye said

    April 11 2008 @ 10:00 am

    maraming salamat sa pagbisita sa aking site.
    ang ganda ng iyong kuha. ang cute ng mga geomag mo. gusto ko din ang kulay. hanap ako nyan dito. :D

      THESS: HI KAYE, SA MOA DAW MERON!
  32.  

    she said

    April 11 2008 @ 11:45 am

    Ay ang cute naman nyang mga yan, ate! :)

      THESS: SING CUTE KO? *SABAY NAGPA BYUTIPUL AYS KAY SHE, HA HA!
  33.  

    komski kuno said

    April 11 2008 @ 1:41 pm

    Nakakatuwa naman:D astig. Gusto ko rin nung statue, hehehe. Ayus nga yung sinag ng araw, ang ganda ng umaga. Pero anu ang magnet puzzle na yan? hehehe.

      THESS: GEOMAG NGA PO, CLICK MO YUNG LINK SA ENTRY..NAKAKATUWA ITO!
  34.  

    ces said

    April 11 2008 @ 2:34 pm

    tita thess!
    paumanhin! haha…hindi marunong sumunod sa kalakaran….ito na po ang link sa aking lahok…na matatagpuan sa

    spiCes

    napansin mo, wala rin akong english translation…hehehe…mabuti nlang at naglamyerda kme ni mrs. rambutan at ipinaalala sa akin na hwebes nga pala kahapon! osha, itutuloy ko muna ang pagkain ng almusal at sa huwebes na maguli!;)

      THESS: TITA CES, SA L.P. PO NINYO IWANAN HA HA HA! PARA PO MAKITA NG LAHAT NG MEMBERS..PARANG FOR MY EYES ONLY LANG YAN *LOL*
      ISAMA NYO NAMAN AKO NI CHEF RAMBUTAN MINSAN SA WALKS NYO HA…GOOD MORNING!

  35.  

    lino said

    April 11 2008 @ 2:49 pm

    daming maganda ah… love the last one and with the flower… siguro pag nag zoom ako sa isa sa mga bearing makikita kita… hehehe.

      THESS: THANKS UNCLE…CGE NGA ZOOM MO…MALAY MO KUNG SI CHARLIE MAKITA MO BIGLA! HA HA

  36.  

    iRonnie said

    April 11 2008 @ 6:06 pm

    pwede din ba yang maging square? :D

      THESS: PWEDE! YAN NGA DIN GAGAMITIN KO PARA SA SUSUNOD NA TEMA EH !

    waaa

  37.  

    teys said

    April 11 2008 @ 6:22 pm

    naligaw ako ng dalaw…napunta ako sa mga ibang blog mo he he gayunpaman, salamat sa pagbisita sa aking mga lahok :) napakaganda din ng iyong mga tatsulok, sori at naduling ka dun sa akin, medyo “hidden mickey” kasi ang dating (he he) kaya nakakaduling. :) lol Hanggang sa susunod!

  38.  

    stel said

    April 11 2008 @ 9:44 pm

    thess talagang magkakaintindihan kayo ng anak#3 ko ha, ang tiyaga nun magbuo ng kung anuanong hugis, ang laruan niya naman ay “magnetix” kopya ng geomag

  39.  

    korky said

    April 12 2008 @ 7:23 am

    salamat sa mainit na pagbati. ang gaganda ng mga litrato mo. sana matuto din akong pagbutihin ang pagkuha ko ng litrato :)

  40.  

    Kotsengkuba said

    April 12 2008 @ 10:13 am

    ei, mahilig ka sa puzzles? meron ako biniling puzzle sa japan dati, pati ako inabot ng syam-syam sa pagsosolve. hahaha, pero sa kinasawiang palad, ninekot ng dati kong housemate sa laguna. hmp!

    daming nag-improvise ngayong week. nice ;-)

  41.  

    Jen said

    April 15 2008 @ 6:32 am

    Thess! Ang galing naman!

    Ang engot ko rin noh, merong magnetix (ganyan din ang itsura gaya sa iyo hindi lang siya colored) yung ka-opisina ko. Hindi ko man lang napansin! Ang engot ko! Hehehe.

    Heniways, as useless, ang ganda nanaman ng kuha mo! :) Mabuhay ka kapatid!

  42.  

    nina said

    April 17 2008 @ 9:00 pm

    Ganda nitong geomag…gusto ko rin :)

Comment RSS · TrackBack URI

Leave a comment

Name: (Required)

eMail: (Required)

Website:

Comment:

:happy: :lol: :wink: :huh: :belat: :cool: :darn: :yay: :rolleyes: :whoshuu: :zz: :hehe: :kiss: :whew: :drool: :uhoh: :shh: :ouch: :-| :ohyeah: :nee: :cute: :-P :hihi: :oh: :pak: :laugh: :kaboom: :hmm: :hug: :hiya: :peace: :pray: :sad1: :pray1: :roll: :sick: :scared: :sungit: :ggmba: :evil: :heart: :ok: :pom: :isda: :mydance: :run: :gh: :hungry: