Ano ba yan! Muntik na akong maglupasay sa sahig dahil parang wala talaga akong mahanap na apat na kantong pwede ko gamitin para sa tema ngayong Huwebes na ito. Bakit kaya ganuon, minsan ang mga ideya parang tubig na dadaloy sa isip mo, minsan naman kahit anong piga sa utak mo, ni-patis walang lumalabas bhu hu hu! Kaya ayan, repeat performance ng mga magnet ko na lang, mga magnet na ginamit ko ng nakaraan na Huwebes. Sulitin na ng husto ang pinangbili, hmp!

 

Sa unang piktyur, ginamit ko ang P&S ko na Canon S5 IS, ang setting ay ‘Scenery/Color Accent’. Wala itong flash at kulay dilaw ang lighting ko, pero dahil sa setting ay kulay lang ng magnet ang lumitaw. Naghanap ako ng wine glass na medyo malaki ang bibig at nilagyan ng tubig para may extrang elemento naman na ginamit.

4sulok1.png

Sa pangalawa naman, ginamit ko ay Canon Rebel XT, wala ding flash at dito kitang-kita ang kulay ng ilaw na ginamit ko (o ilaw namin sa kusina.)

4sulok.png

Hanggang sa susunod na Huwebes mga kapatid sa L.P. Patutuyuin ko na ang mga magnet ko at baka kalawangin!