Maraming tao na hindi naniniwala sa kasal. Sa mga hindi naniniwala sa pakikipag-isang dibidib, ang “kasal ay kapirasong papel lamang”, na hindi lubos na makakakapag-patunay sa ikatatagal ng pagsasama ng 2 tao na nagmamahalan.
Marami rin naman ang naniniwala na ang kasal ang syang magbubuklod sa kanilang pag-sasama at ito ang ‘wagas’ na simbolo na kinakailangan isakatuparan. Kasalan-an na kung saan ang mga miyembro ng 2 pamilya ay saksi sa kanilang pagsusumpaan na magsasama, sa hirap at ligaya.
Dahil sa mahirap makahanap o makatyempo ng kasalan dito sa aming lugar, pagpasenshahan na ninyo ang aking mga larawang isinali sa akdang ito. Mabuti na lamang at naka-tyempo ako ng isang araw habang papalakad papunta sa palengke ay napadaan ako sa munisipyo dito sa aming siyudad at buti na lamang ay talagang lagi kong bitbit ang aking ‘kambal’ na camera at nakunan ko ang dalawang tagpo na ito.
Sa unang larawan ay pawang mga nagsi-attend lang sa kasal ang kinukunan ng larawan. Wala pa ang ikakasal at hindi ko na mahintay dahil madami akong bitbit.

Hindi din gaanong uso dito ang magagarbong kasalan. Malimit ay pawang pamilya at matatalik na kaibigan lamang ang imbitado sa kasalan.

bisita.jpg

Pansinin ninyo ang lumang bus, diyan nakasakay ang mga dumalo! kakaiba ano? Uso kasi dito ay mga lumang sasakayan ang ginagamit sa kasalan. Mas luma, mas gusto nila.

bus.jpg

Ang munisipyo sa gabi. Dito din po ako ikinasal ilang taon na nakalipas. 16 po kaming katao sa kasalan na iyun. Wala po akong representative mula sa pamilya ko sa dahilang half-paralyzed na ang aking ama at hindi maiwan ito ng aking ina. Ang mga kapatid ko naman ay maliliit pa ang mga anak ng mga panahon na iyun kaya’t hinayaan ko na lamang na hindi sila magsidalo. Kaya sa kasal ko, ako lang ang Filipino.

chall.jpg

Kung akoý yayaing pakasal muli, OO pa rin isasagot ko sa lalaking ito. Ang aking kabiyak, kasama sa hirap at ginhawa.

kami.jpg

Thesserie - View my recent photos on Flickriver

34 Comments so far »

  1.  

    mousey said

    June 4 2008 @ 7:19 pm

    palumaan mas maganda dating.

    maganda ang mga kuha lalo na ang pinakahuli

    uy ang sweet!

    mousey’s last blog post..By: betchay

  2.  

    Jeanny said

    June 4 2008 @ 7:49 pm

    pinaka gusto ko ang last photo…parang marilyn monroe era ang dating…

    OO nga nag sweet ha, super bagay! :happy:

    happy LP :peace:
    Jeanny’s last blog post..LP# 10 Pag-iisang dibdib

  3.  

    Linnor said

    June 4 2008 @ 8:14 pm

    parang vintage ang dating nang huling litrato… nice sya :)

    Linnor’s last blog post..Pag-iisang Dibdib

  4.  

    teys said

    June 4 2008 @ 8:25 pm

    helow prendster! :) sori ha ngayon lang ako nakasagot - pasukan na dito sa atin kaya medyo ako’y naging abala :ouch: . Ang ganda naman ng iyong kuha ni mister - :happy: gusto ko din yung mabalahibong balabal, parang ang lambot … :cute:

    Mabuhay ang bagong kasal! (kahit 16 years delayed :pom: )

    mwah!

    teys’s last blog post..A Perfect Father’s Day Gift

  5.  

    teys said

    June 4 2008 @ 8:26 pm

    ay mali! andito pala ang lahok ko :ouch: he he

    teys’s last blog post..LP - Pag-iisang Dibdib

  6.  

    ces said

    June 4 2008 @ 10:55 pm

    ang ganda! ang ganda mo tita thess! grabe ang bilis ng panahon ano..ako rin 12 years! grabe talga…ayos pala magpakasal dyan! kakaiba! ganda ng kuha ng munisipyo:)

    ces’s last blog post..LP #10: my best friend’s weddings

  7.  

    G_mirage said

    June 4 2008 @ 11:35 pm

    Oo nga, dito ay sa kalesa!

    At totoo ngang hindi magarbo, kasal sa huwes na siya namang legal…

    Ang iyong litrato ay sinadya bang blak and white? Ang ganda nito! (Bakit hindi yan nilahok mo noong sabado? hehehe)

    :wink: happy LP!

    G_mirage’s last blog post..Tineye photo search, a useful tool for photographers

  8.  

    christine said

    June 5 2008 @ 12:35 am

    nakita rin kita sa litrato sa wakas! ang ganda ng kuha nyo ha, vintage ang dating!

    happy thursday!

  9.  

    betchay said

    June 5 2008 @ 1:10 am

    ang ganda ng litrato ninyong mag-asawa…

    betchay’s last blog post..Litratong Pinoy: Umaapoy

  10.  

    komski kuno said

    June 5 2008 @ 1:16 am

    Ako, naniniwala ako sa kasal:D Di ba ang saya? lalao na kung talaga maha nio ang isa’t isa. Yung papel? Balewala naman yun, ang gusto ko e yung seremonya, hehehe:D

    komski kuno’s last blog post..Ikaw at ako

  11.  

    Pinky said

    June 5 2008 @ 1:30 am

    Siyempre naman, Manay Thess! E pwede palang i-entry sa “Top Ten Crushes” si “Papa” mo e - hahaha! :hehe:

    Happy Huwebes sa iyo!

    Pinky’s last blog post..LP #10: Pag-Iisang Dibdib

  12.  

    RoseLLe said

    June 5 2008 @ 1:58 am

    hindi lamang ang papel na ating pinirmahan ang magbubuklod kundi pati na rin ang basbas (blessings) ng mga taong nakipagsaya (relatives and friends) at ng simbahan na nagrereprisinta sa Diyos.

    napakaganda mo pala Bb. Thess :)

    RoseLLe’s last blog post..LP10: Marriage (Pag-iisang Dibdib)

  13.  

    lidie said

    June 5 2008 @ 2:06 am

    aww… ang gagaganda ng iyong mga litrato!
    at dapat talaga pang-habambuhay ang kasal!
    magandang huwebes sa’yo!

    lidie’s last blog post..LP #10 :: Pag-iisang Dibdib

  14.  

    Em Dy said

    June 5 2008 @ 3:15 am

    Gusto ko ang lahok mo. May natutunan ako tungkol sa ibang kultura. Magandang Hwebes.

    Em Dy’s last blog post..Madamdaming Paglalakad

  15.  

    Cookie said

    June 5 2008 @ 3:16 am

    napakaganda ng huling litrato…you both look happy and totally in love. tsaka, ang ganda ng fur wrap mo ha. bongga! :heart:

    Cookie
    http://scroochchronicles.blogspot.com/

    Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Pag-Iisang Dibdib

  16.  

    Dyes said

    June 5 2008 @ 4:47 am

    uyyy, hangswit! salamat sa impormasyon. ako’y nagagalak na sumali ako sa LP dahil ang dami kong natututunan tungkol sa ibat ibang kultura tulad nito.

    Dyes’s last blog post..L. P. # 10 : Pag-iisang Dibdib

  17.  

    nona said

    June 5 2008 @ 6:12 am

    Ang kasal ay nasa sakramento at hindi dapat isantabi at ako’y hindi sang-ayon sa pagbalewala neto bilang isang kapirasong papel. Mas masarap ang pakiramdam ng ikinasal lalong lalo na naging masaya ang samahang mag-asawa.
    Kinilig naman ako sa huli mong tinuran, apir tayo diyan Thess! :)

  18.  

    julie said

    June 5 2008 @ 6:30 am

    Ay, ang ganda ng huling larawan! :happy:

    julie’s last blog post..Pag-iisang Dibdib

      THESS: AAWW TY T. JULIE
  19.  

    Weng said

    June 5 2008 @ 7:39 am

    talaga naman! kunyari ka pa walang wedding pic! ang ganda ng litrato niyo, thess. at sa wakas, nagkamukha na rin si H sa aking isipan. hee hee. ang ganda ng lolo’t lola mo! sweet! mmmwah!

    Sumpaan
    Abay

    Weng’s last blog post..LP #10: Pag-iisang Dibdib


      THESS: NAKU WENG, ANONG KUNWARI, EKKKK! HINDI KASI AKO NAGAGANDAHAN SA LAHAT NG 4 NA PHOTOS NA ITO..KASO LA CHOICE
      WENG, ANG GANDA GANDA MO SA WEDDING PICS NYO, LALO NA YUNG CLOSE-UP MO..MUKHANG MAHIYAIN HE HE
  20.  

    chuvaness said

    June 5 2008 @ 8:01 am

    manay thess! ang ganda ganda mo!!! best wishes!! and congrats!!! ahhahahaha :hihi:

    really, nice shot and am so freakin inggit

    chuvaness’s last blog post..I Dare You To Move

      THESS: SALAMAT MALEN HA HA HA! O SALUHIN MO ANG BOUQUEEEETTT!!
  21.  

    ShutterHappyJenn said

    June 5 2008 @ 1:07 pm

    Ang ganda ng ikinasal!

    Ang aking LP ay naka post na rin:

    Shutter Happenings, daan ka kung may oras ka.

    Salamat!

    ShutterHappyJenn’s last blog post..Pag-Iisang Dibdib / Wedding

      THESS: NAKU AKO YATA AY MAY NABOLA HE HE…SALAMAT SA DALAW ;)
  22.  

    Meeya said

    June 5 2008 @ 5:32 pm

    pwede ba namang hindi mag-OO ulit sa papa e kay pogi-pogi! :D

    sister, blooming na blooming ka on your wedding day. wala akong ma-say! :)

    MyMemes: LP Kasalan
    MyFinds: LP Kasalan

      THESS: ARRUUU AT MAY NABOLA PA ASAWA KO HE HE..SISTAH, AT IKAW RIN, NAPAKA GANDA MO ON YOURS!!
  23.  

    abby said

    June 6 2008 @ 12:32 am

    ang sossy ng wedding photo mo, mukhang winter dream wedding! :)

    abby’s last blog post..LP #10: Pag-Iisang Dibdib

      THESS: MAGINAW TALAGA KASI DECEMBER,,PERO SHH WAG KA MAINGAY, RENTED LANG YANG BALABAL LOL

      >

  24.  

    lino said

    June 6 2008 @ 12:42 am

    panalo ang last photo, hehehe… ngayon ko lang nakita si hubby… pasensya na at ako’y huli, pero narito na rin po ang aking bahagi para sa linggong ito… happy LP… :)

    lino’s last blog post..pag-iisang dibdib?

      THESS: BIRUIN MO ILANG TAON NA TAYONG FRIENDS, NGAYON MO LANG NAKITA ANO? HA HA HA!
  25.  

    kathycot said

    June 6 2008 @ 9:14 am

    ang galing naman!:)

    kathycot’s last blog post..LP: Pag-iisang Dibi

      THESS: HI KATHY, THANKS FOR THE VISIT
  26.  

    Grey said

    June 6 2008 @ 10:58 am

    Thesssss! Namiss kita! Napakaganda naman ng litrato nyo nun kasal nyo! Ui nagustuhan ko un fur na cardigan mo ha.. parang pang Prinsesa! :) Ang ganda mo sa litrato at mukhang masaya talaga kau. Sang ayon ako na karaniwan sa mga bansang ganyan ay hindi uso ang magarbong kasal. Un tita ko nun sa Switzerland kinasal talagang family affair lang pero solemn naman kaya maganda din. :)

      THESS: GREEEEYYY!! NA MISS DIN KITA HA, UBER BUSY TAYO PAREHO. DECEMBER KASI MAGINAW KAYA NAG RENT AKO NG FAKE FUR. MASAYA TALAGA YUNG ARAW NA YUN KASI PINAGBIGYAN KAMI NA SA MISMO NG ORAS NA KASAL AY HUMINTO ANG ULAN AT UMARAW PA! BEFORE AND AFTER THAT, NAULAN TALAGA.
      SA EUROPE TALAGA MAS USO ANG SIMPLENG KASALAN …SALAMAT SA DALAW GREY HA! MUAH!

  27.  

    alpha said

    June 6 2008 @ 4:50 pm

    mas maganda talaga ang mga simpleng kasalan.

    alpha’s last blog post..:(

  28.  

    yvelle said

    June 6 2008 @ 5:22 pm

    nice shots.. happy lp!

    yvelle’s last blog post..LP # 10

  29.  

    ate marie said

    June 6 2008 @ 5:43 pm

    Ang ganda naman very sweet ang kuha niyo at naka fur coat! :kiss:

    ate marie’s last blog post..LP#10-Pag-Iisang Dibdib

  30.  

    Kotsengkuba said

    June 8 2008 @ 1:31 pm

    let me guess, yung mga naka-pose sa taas sila na lahat lahat ang bisita. tama ba?

    satin kase minimum of 100 ata ang guest kapag kasalan. pag-ininvite mo ang isa bente ang kasama. hahaha :run:

  31.  

    zamejias said

    June 9 2008 @ 4:16 pm

    Uy namangha ako dun sa lumang bus… pero yong paborito ko ay ang huling litrato… Classic ang dating!

    Sweet yong last two lines 3na sinulat mo ha. :-)

  32.  

    Jayred said

    June 9 2008 @ 7:48 pm

    Hi, Thess! I love, love, love your wedding photo! Ang pogi naman ni Mister. :-)

    Jayred’s last blog post..Happy Feet

  33.  

    iska said

    June 10 2008 @ 11:07 am

    tama sila… kakaiba ngang talaga ang kasal piktyur nyo! ano pa ba ang masasabi ko kundi…
    kahit ako… oo pa din ang isasagot ko sa mister mo hehehehe pogi :-)

    iska’s last blog post..LP#10: Pag-iisang Dibdib

  34.  

    nina said

    June 11 2008 @ 8:36 pm

    marami na rin ang practical ngayon at pinipili ang simpleng kasal, magastos kasi eh. Ganda nyo sa inyong wedding photo :)

    nina’s last blog post..LP - Kalayaan

Comment RSS · TrackBack URI

Leave a comment

Name: (Required)

eMail: (Required)

Website:

Comment:

:happy: :lol: :wink: :huh: :belat: :cool: :darn: :yay: :rolleyes: :whoshuu: :zz: :hehe: :kiss: :whew: :drool: :uhoh: :shh: :ouch: :-| :ohyeah: :nee: :cute: :-P :hihi: :oh: :pak: :laugh: :kaboom: :hmm: :hug: :hiya: :peace: :pray: :sad1: :pray1: :roll: :sick: :scared: :sungit: :ggmba: :evil: :heart: :ok: :pom: :isda: :mydance: :run: :gh: :hungry:

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word