Join us at Litratong Pinoy .Com

Lagi ko’ng sinasabi sa mga pasyente ko noon na kapag hindi gagamitin ang salamin, kay-may grado ito o pang-porma lamang ay lagi itong lilinisin upang magtagal ang serbisyo nito.

Pero ayan, nakikita ninyo, ang salamin ko mismo ay kinalawang na!

Hindi naman po sa ito ay hindi ko nilinis, ito ay nakalimutan ko na mayroon ako at hindi ko ginamit o nahawakan man lang sa loob ng ilang taon!  Naalala ko na noong taong 2004 ko pa ito huling ginamit ng kami ay magbakasyon. Dahil na ang bakasyon na iyon ay sa dagat, maalat ang tubig at hangin, hindi kataka-taka na kalawangin nga ito dahil HINDI ko ito nalinis ng husto bago itago. Sayang. Talagang sayang :(

Nanghihingi na sya ng kapalit.  Meron na. Ibang hugis naman, Aviator style. Caravan ang style ng nakikita ninyo.

Excited akong makita mga salamin ninyo…tiyak na dadalawin ko kayo! Happy LP, friends!

Share