the world from behind her camera
Magustuhan o Maibigan (LP 89)
Noong nakaraang taon, buwan ng Disyembre ay napagpasyahan naming mag-asawa na sa Italia (Roma) iselebra ang aming ika-10 anibersaryo. Makulimlim ang Holland ng nilisan namin pero ganuon na lang ang tuwa namin ng dumating kami sa Italia na sikat na sikat ang araw! Noong nasa Rome Fiumicino Airport (Leonardo da Vinci) pa lang kami ay akala ko hindi ko magugustuhan ang aming pagbisita dahil sa mga arogante ang mga Italiano sa mga kiosks! Kakaiba talaga, na parang galit sila sa mga naglalakbay o turista. Pero syempre walang urungan at nanduon na kami, at isa pa, hindi ko hahayaang sirain ng kung sino lang ang aming anibersaryo, di ba?
Ang matutunghayan ninyo ay loob (ng itaas ) ng St. Peter’s Basilica na binisita namin sa pangalawang araw.
Ang disenyo ng ceramic tile mural na ito ay isa lamang sa makikita nyo kapag naakyat na dome nito. Makipot ito at halos kailangan mo tumabingi para bigyang daan ang mga taong gustong lumakad sa likod o harap mo. ( O siguro kasi mataba ako kaya kailangan ko tumabingi para makadaan sila he he)
*click for a larger image*
Nababakuran ito ng metal..siguro ay para na rin sa kapakanan ng mga dumadalaw o walang magtangkang magpatiwakal dito.
Ang parteng hindi ko nagustuhan ay ang 320 na bilang ng hagdan na kailangan mong tahakin upang maka-akyat dito! Habang himihingal ay sandali akong tumigil upang kunan ang makipot na hagdan…mabuti na lang at winter ng kami ay pumunta doon, naiimagine nyo ba kung gaano kainit dito kapag summer?!
hay naku, talagang hapong hapo ang kasiksikan ko kaya umupo muna ako sa isang tabi…sa labas lang ito ng souvenir store sa itaas ng church na kung saan ay nakilala ko ang isa sa mga madre na nagbabantay sa mga paninda..isa syang Filipina, si sister Fatima..sayang at hindi ako humiling na kunan sya ang larawan.. (yung ale sa larawan ay papasok sa souvenir store)
Ang mga naglalakihang rebulto ng mga santo sa itaas ng simbahan..may rehas kaya hindi sila malalapitan ng husto. Ipinasok ko na lang ng bahagya ang lens ng camera sa pagitan ng mga rehas para kumuha ng larawan..
Ang nagustuhan kong parte, at tiyak na magugustuhan nyo rin …na makita ang ciudad ng Vatican mula sa tuktok ng simbahan. Waging wagi kahit hiningal ang kasiksikan ko.
PS. may isa pala akong hindi nagustuhan ng araw na iyun..nakaligtaan kong kunan ng larawan ang Pieta, ang likha ng mga kamay ni Michael Angelo! (*engot to self*)
enihawkalabaw, sana naman ay nagustuhan ninyo ang aking lahok sa Huwebes na ito…Happy LP sa inyong lahat!!
| Print article | This entry was posted by Thess on January 20, 2010 at 4:00 pm, and is filed under Litratong Pinoy. Follow any responses to this post through RSS 2.0. You can leave a response or trackback from your own site. |


























about 2 years ago
Miss T, congratulations sa ika-sampu! Napakagrande naman ang regalo at celebrasyon! Ganda ang mga kuha mo, lalo na yung fish eye.
P.S. Sadyang walang bigas sa bahay, at bihira na akong magluto ng sinigang at ulam na may sarsa. Hehehehe! Tiis lang.
about 2 years ago
sino naman ang d makakagusto nitong mga larawang ito? aber? gaya ng sabi ko dati, isang araw, makakapunta rin ako jan..at sana may fisheye lens and wide angle lens na ako sa panahong iyon! wahaha!
about 2 years ago
Ang gaganda!! Isa yan sa mga nais kong mabisita kahit minsan lang. Nasa bucket list ko, kumbaga.
Congrats sa ika-10! Kami rin ay magdidiwang ng ika-10 namin at the end of the month.
Magandang araw! Eto naman ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2010/01/lp-maib…
about 2 years ago
So grand tita, at nakakinggit ang langit! Love the fisheye at amarilla la pared! Shempre two thumbs up ng two hands! hehe. Congratulations on your 10th nga pala!
about 2 years ago
Ms. Ebie (ayan kasi ni m-Ms. mo ako eh kaya Ms. din kita lol) salamat at nagustuhan mo…naku rice at laing kinain ko for dinner, dapat cgro mag tiis muna ako ng walang kanin!
CES:balang araw…balang araw..may araw ka rin! hahahaha!!!
JOY: sana marating mo rin, soon! at salamat sa pagbati at dalaw
TITA G: amarilla ba tawag sa design? thanks sa bati ulit
about 2 years ago
Tita Thess, ang gaganda ng mga kuha mo at tuwang tuwa ako sa iyong mga kwento lalo na sa: "walang magtangkang magpatiwakal dito." LOL!
Di bale, may reason na bumalik ka ulit, isipin mo na lang, Pieta. Yun lang
Happy LP!
about 2 years ago
Sarap naman ng inyong 10th anniv celebration at nag roam lang kayo sa Rome. Kamusta naman ang Papa?:D
about 2 years ago
huwaw! naiinggit ako sa mga kinuha mong mga litrato. ang gaganda! sana, makapunta ako diyan balang araw. maligayang LP!
about 2 years ago
wow, pangarap kong makarating sa Roma! 320 steps–parang steps sa waterfalls sa hometown ni Ebie.:p weakest link din ako kapag may akyatan.
congrats on your 10th anniversary!
about 2 years ago
Wow, 10th anniversary niyo rin pala. Ang aking lahok ngayong Hwebes ay selebrasyon din ng aming ika-10 anibersaryo noong January 15.
about 2 years ago
sulit na sulit na ang view, nakapagbanat pa kayo ng buto (as if kulang pa yung buong araw na paglalakad no? hehe)
o my gulay! mahirap nga pag summer, tapos kasabay mo umakyat yung mga lahing alam mo na, ang bango bango siguro harhar.
about 2 years ago
nagpunta din ako ng rome bago lang. gusto ko sana umakyat sa taas kaso lang ayaw ng mga kasama ko. at paubos na din ang budget, kelangan magtipid. haha! ang ganda pala ng view!!!
ito akin.
about 2 years ago
Shucks.nainggit naman ako.sana makapunta rin ako jan..
about 2 years ago
Never been there … your photos make me want to purchase a one way ticket to Italy right now heheheh.
about 2 years ago
ang ganda ng mga kuha mo! (lagi naman eh)
happy 10th ulit! sana makarating din ako jan..balang araw..heheh..
about 2 years ago
balik nalang ulit! hehe.
ayluvet tita thess! ganda ng mga kuha mo. pansin ko rin, isa sa mga kakaibang paraan para makakuha ka ng magandang litrato ng mga structures ay ang gumamit ng fisheye. mas may depth siya, ewan ko ba.
pero gujab! (at na-turn off ako sa mga italyano tuloy, snob? hehe)
about 2 years ago
Ang gaganda ng mga larawan mo Thess. Diyan kami nag honeymoon last 2001 a week after 9-11. Fave ko Venice, Florence and Rome. Film camera pa gamit ko noon!
about 2 years ago
Ka LP, maraming salamat po sa dalaw at pagbati sa aming 10th anniv.! ..sa uulitin ha!
IRIS: babalik talaga kami ha ha! I love using fisheye lalo na sa mga tight situations talaga..but not only that, I love shooting with RAW mode, gaya nung stairways, grabe ang dilim dyan!
No wag ka ma-turn off sa mga Italiano kasi sa city mismo, friendly naman sila. Sa airport lang talaga yung experience namin na arogante.
about 2 years ago
Ang ganda ng mga litrato mo na kuha sa Italy. And for sure that 300 steps looks like a real challenge.
Hmmm the LP signage. Next trip ko bitbitin ko rin ang sa akin. hehehehe
re: bacon/ham pizza toppings. Anything with both ingredients i don't eat kc. Beef, chicken, fish, and sheep meat lang makain ko and of course veggies and fruits.
Salamat sa bisita!