the world from behind her camera
Malamig or cold for LP 135
Join us at Litratong Pinoy .Com
hindi po baligtad ang larawan, ako ang nakabaligtad ng kunan ko ito.
Ganuon yata talaga. Kung ano yung wala sa iyo, madalas gusto mo makamtan. Kung ano ang hindi mo pa nararanasan, gusto mo malaman kung ano ang pakiramdam.
Dahilan sa mas lamang ang init ng panahon sa ating bansang Pilipinas, marami ang gusto naman maranasan ang kakaibang klima tulad ng mayroon sa ibang bansa. Nariyan ang pagnanasa na maranasan ang snow.
Unang beses ko naranasan ang lamig ng winter at snow noong taong 1995. Unang White Christmas ko pa. Talagang napatunganga ako sa ganda ng paligid. Puro puti ang mga gusali, sasakyan, lansangan. Pero sa loob ng bahay ko lahat ito pinagmasdan.
Dahilan ng panahon na iyon ang medyo na ´shock´ ang system ko at hindi kinaya na maglalagi sa labas ng bahay. Halos mukha akong suman o lumpia sa tindi na pagkakabalot ng aking katawan. Kung may sweater lang siguro para sa mata ay malamang isinuot ko na, lol!
Ganitong tanawin ay normal sa mga bansang may winter season. Nakakalbo ang mga puno ng ilang buwan subalit muling nagbabalik ang kanilang mga dahon matapos ang tag lamig. Noong una ay hindi ako makapaniwala na muling magiging berde ang kapaligiran…pero sadyang kay husay ng pagkakagawa talaga ng Maykapal sa ating mundo!
Maligayang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!
| Print article | This entry was posted by Thess on January 19, 2011 at 5:43 pm, and is filed under Litratong Pinoy. Follow any responses to this post through RSS 2.0. You can leave a response or trackback from your own site. |



about 1 year ago
Maganda po talaga ang winter. Ang ayaw ko lang ay mag-shovel ng snow araw-araw!
Ano po ang temperature ngayon dyan?
HAPPY LP!!

Doc Emer´s last [type] ..Bucket List 12
about 1 year ago
beautiful! luv it! ng kumuha ka ng litrato, sabay na rin gawa ng snow angel? gusto ko rin ang winter at snow – di kasi ako nag sho-shovel.
about 1 year ago
Nice shot!! Winter din dito sa amin at palagian nalang nasa below freezing kami, hay!!
Litratong Pinoy
Manang Kim,USA´s last [type] ..LP-Malamig-cold
about 1 year ago
wow, ang ganda! hindi ako maari dyan, ako ay pinanganak na sinpunin! pero tama ka, sadyang kay ganda ng ating mundo!
about 1 year ago
galing gusto ko yang pagkakakuha mo. sana pwede ko ding gawin yan sa amin hehehe kaso lagi namang basa ang daan
upto6only´s last [type] ..LP- Malamig
about 1 year ago
Hehehe, akala ko nga mirror reflection! Super ganda!
Ebie´s last [type] ..Litratong Pinoy- Malamig Cold
about 1 year ago
naiimagine ko kung pano mo yan kinunan..hehehe galing!
silentprincess´s last [type] ..LP- Malamig Cold
about 1 year ago
interesting view of the tree… ganyan siguro ang tingin ng mga squirrels sa puno ano? hehehe…