Join us at Litratong Pinoy .Com

Nahirapan ba kayo sa challenge natin ngayong Huwebes? :D

Wish ko sana ay larawan ng rumaragasang lahar na iniluluwa ng nagwawalang bulkan ang entry ko ngayon. Kaso ay walang bulkan sa aming lugar (salamat na lang! whew!) at kung mayroon man, hindi pa naman ako tuluyang naloloka para puntahan ito at kumuha ng entry photo para sa Litratong Pinoy. Lab ko ang L.P. pero hindi naman ganoon kalalim :P

Balik na sa aking litrato. Noong 2008 ay naglimayon muli kaming mag-asawa sa bansang Thailand. Napagpasyahan namin na pumunta sa Timog-Kanluran (o dahil wala kaming choice at doon kami dinala ng aming guide) at ang lugar na ito ang isa sa aming nadalaw. Niyog(an). Hindi namin pinasok ang taniman ng niyog bagkus ay sa bukana lamang ang aming inusyoso.

Ang aleng ito na naghahalo sa kawa ng papalapot na tila ba ay latik, ang bumungad sa amin at sa ibang mga turistang kagaya namin ay nag uusyoso.

Ipinapakita nila sa lugar na ito ang maraming gamit ng niyog. Naroon na ipakita ang pag extract ng langis nito, ang mga tuyong balat na maaring gamitin sa pugon (uling), atbp…na hindi ko na maalala dahil talagang sa hinahalo nya ako naka focus.

Matapos ang nakakapagod na paghahalo ay ito naman ang kanilang ginawa…

parang panutsa, di ba? Hindi ko na tinikman dahil amoy pa lang, nabusog na ako. At saka marami pa kaming pupuntahan ng araw na iyon, mahirap na bumigat ang tyan at baka hindi na matikman iba pang makakain, sayang naman :D

Happy LP sa inyong lahat!