the world from behind her camera
Om my gulay, nasaan na?! (LP 194: Mahirap hanapin)
Join us at Litratong Pinoy.Com
Camera: iPhone 4s + Olloclip
Ang mga nasa larawan na ito ang nagpapasakit ng ulo at mata ko! Bakit kamo? Dahil madalas ko silang ginagami sa macro photography at ang pinakapaborito ko pa’ng gamitin ay yung pinakamaliit na kapag huminga o gumalaw ako ng konti ay nahuhulog agad!
Camera: iPhone 4s + Olloclip
Itong pangalawang larawan ay ang pinaka maliit sa aking miniature collection. 2-3mm lamang ang kanyang sukat.
Narito pa ang isang halimbawa , ipinatong ko sa ibabaw ng pisngi ng bulaklak (tulip) at itinabi sa isang patak na tubig
Camera: iPhone 4s + Olloclip
Naka upload ang ikatatlong larawan sa aking instagr.am account.
Kapag ginagamit ko ang mga miniatures na ito ay inilalayo ko ang aking aso. Mahirap na, baka masinghot pa nya eh tiyak hindi ko na makikita pa ang mga ito ulit!
Maligayang araw ng LITRATONG PINOY sa inyong lahat!
| Print article | This entry was posted by Thess on March 21, 2012 at 5:45 pm, and is filed under Flowers, Up-close + Macro. Follow any responses to this post through RSS 2.0. You can leave a response or trackback from your own site. |















about 1 year ago
ang liliit naman nila..siguradong mahirap kuhaan ng litrato. maligayang LP!
Marites´s last [type] ..Litratong Pinoy# Mahirap Hanapin (Hard to Find)
about 1 year ago
wow… ang galing naman nito ms thess. patience is a virtue, hehehe…naubos na sa akin.. or i must have lost it somewhere sometime during the aging process,
hahaha!