Malamang ay nagtataka kayo kung ano ang relasyon ng aking mga larawan sa temang Pagbabalik (return) ngayong Huwebes sa Litratong Pinoy.

Simple lang. Taon taon ay inaabangan ko ang pagbabalik ng mga bungang ito! Kung pwede ko lang awayin ang ang haring habagat malamang ay ginawa ko. Matalik na kaaway ng mga bungang ito ay ang malakas na bugso ng hangin at ulan. Nanghihinayang talaga ako kapag nakikita kong puno ang lupa ng mga nalaglag na bunga dahil dito.

Ang puno ng peras na ito ay nasa aming maliit na hardin sa likod bahay.  Ang klase ng peras na ito ay iyong iniluluto, hindi sya kinakain ng hilaw.

crooked tree trunk

Ito ang isa sa aking paboritong dessert na pinaggagamitan ko ng mga bunga ng aming puno. Iniluto sya sa red wine.

Campote de Poires / Pears poached in Vanilla and Red wine

Maligayang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!

Share