Thesserie
the world from behind her camera
the world from behind her camera
Nov 3rd
Join us at Litratong Pinoy .Com
Dear L.P ers, pagbigyan nyo na ako dahil sa kakaibang ‘frame’ ang entry ko this week. May nakahanda na akong larawan na tumbok na tumbok sa ating tema pero ng makita ko ang litratong ito ay , well…nagbago ang isip ko at ito ang naisip kong ilahok.
Nagtataka ako kasi parang laging low-batt ang iPad ko. Siguro talagang malakas itong kumain ng baterya, sabi ko na lang sa sarili ko. Pero isang madaling araw, alam nyo ba kung ano ang nakita ko sa dilim?
Kaya naman pala eh! May sumasalisi ng gamit ng iPad kapag tulog ako!! But I really don’t mind. Love na love ko yang si Charlie eh
Happy LP sa inyong lahat!
Oct 27th
Join us at Litratong Pinoy .Com
MaINGAY. Ako. Ay. MaINGAY!
Sa aming lugar ay napakatahimik! Sa sobrang tahimik ay masakit sa tenga. Hindi po ako nagbibiro. Hindi rin eksaherasyon. Kaya naman lalo na sa gabi, ang aking aso na si Charlie na sa silong bahay natutulog ay dinig na dinig ko ang kanyang pagkakamot, pagbuntung-hininga at syempre pa, ang kanyang paghihilik! Kaya kung sinasabayan ng aking esposo ay duet na talaga sila, ayoshoepatus! Hindi na ako makakatulog nyan. Pero kapag ako naman ang nakatulog, sa umaga ay sinasabi ni esposo na ang lakas ko daw maghilik. Ganti ganti lang, ha ha ha!
Kapag nasa mood at summer…ayan sadyang maingay ako talaga. Paano? Nagpapalahaw sa kakakanta! Noong nabubuhay pa ang aming canary na si Peedy ay sinasabayan ako sa kantahan at talagang tinatabunan nya ang volume ko, I kid you not! Sayang at sira na ang aking mini CDplayer kasi doon ko lang pwede i-play ang cd, kung hindi ay ipaparinig ko sa inyo ang kanyang ingay…nakakatuwa!
Pero ang ingay ko, promise, hindi nakakatuwa
Oct 20th
Join us at Litratong Pinoy .Com
“Quiet Old Lady”
Humihinang pangangatawan dala ng katandaan. Nakatanaw na lamang. Sa kanyang mga labi ‘y may mga pangungusap na tila nais iparinig. Sa iyo, sa akin. Subalit sa kanya ay halos walang pumapansin.
Katahimikan, madalas ay kanyang kasama. Ganito na lamang ba, sa kanyang nalalabing mga taon? Malungkot. Napakalungkot.
Maligayang LP mga kasama!
Oct 13th
*while waiting for my physiotherapist*
Pribadong silip. Pribadong oras. Pribadong pagkikita ng 2 tao.
Ito ang silid ng aking physiotherapist na aking pinupuntahan ilang beses sa loob ng isang buwan. Dito sa pribadong silid na ito ay kanyang sinusubukang bawasan ang sakit na nararamdaman ng aking katawan, lalo na nang aking likod.
Minsan ay nakakatulong ang kanyang ‘hilot’. Minsan naman ay hindi. Hay, buhay….
Happy LP po sa inyong lahat!
Oct 6th
Sa pampang ng dagat, naroon ako noong nakaraang Linggo, kasama ang aking pamilya at ilang kaibigan. Maaga kaming tumungo sa dagat upang i-enjoy ang mainit na panahon ng araw na iyon. Mataas ang temperatura ng araw na iyun kaya medyo makapal ang bilang ng publiko ang aming inabutan na kagaya namin, ay sinamantala ang temperatura. Kung hindi nyo po kasi nalalaman ay tapos na ang aming summer, fall na ngayon at papalamig na ang panahon.
Maraming nahagip ang aking mga mata upang kuhanan ng larawan. Mayroong naglalarong mga aso. Mayroon nagpapalipad ng kanilang mga saranggola. Nahagip din ng aking mga mata ang ilang seals na naglalaro sa tubig, sayang lamang at napakabilis nila at hindi mahagip ng aking camera. Mayroon ding mga patay na dikya sa pampang na , medyo nakakakilabot. Pero ito ang pinakapaborito kong nakita ng araw na iyon. Hindi ko alam kung sino ang may-ari ng mga footprints na ito pero ang dating nito sa akin ay ‘sweet’ . Maaring sila ay mag-asawa o mag-ina o mag-ama. Natuwa ako sa lapit ng kanilang mga paa. At mas natuwa ako na sa gitna ng pagiging busy sa pampang ay nakatagpo ako ng ganitong pagkakataon.
Happy LP po sa inyong lahat!
Sep 22nd
Ang 2 makakapal na librong ito ay Bibliya. Nakakulong sila sa isang tatsulok at babasagin na nakikita ninyo sa larawan sa dahilang ang mga ito ay orihinal na kopya mula sa taong 1618. Isinalin sa lokal na lenguahe. Kaya ganuon na lamang ang pag-iingat sa mga ito ng isang simabahang katoliko dito sa aming siyudad. One of local treasures, ika nga.
Ang Bibliya sa unahan ay mahigit kumulang sa 4 inches at ang nasa likod naman ay mas makapal pa.
Nagbabasa ka pa ba nito? Ako ay hindi magkukunwari. Bihira ko na lamang hawakan ang aking Bibliya. Bakit ba ganuon, sadya bang ang iba sa atin (o tulad ko) ay nakakaalala lamang na basahin ang Kanyang Wika kapag may bigat na nararamdaman sa kalooban?
Ah, kailangan ko magbalik loob sa kanya. Napakaigsi ng buhay. Paano na lamang kung biglang…….
Maligayang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat mga kasama!
Sep 15th
(* uncooked macaroni rigati with my little train people, just click to enlarge image *)
Ang nanay at tatay ko.
Tipikal na mag-asawa. Nagtatawanan, naglolokohan, nagtutuksuhan kapag masaya. Nagkakasimangutan at may sumisigaw ( nanay ko, lol) kapag may hindi pagkakaunawaan. Nagbubulungan kapag may inililihim sa aming magkakapatid. Parehong nagbanat ng buto upang makapagtapos kaming 5 magkakapatid ng pag-aaral. Subalit maagang itinumba ng sakit (ang tatay ko ay ng multiple brain aneurysm at heart attack at ang nanay ko naman ay diabetes at hypertension) ganumpaman ay magkasama silang hinarap ang lahat.
Ang pag-ibig sa pagitan ng 2 ito ang dahilan kaya’t hanggang sa huling sandali ng aking ama ay naibulong ng nanay ko sa tatay ko: “huwag mo akong iwan at kahit mahirap ay aalagaan kita” Sa kanyang huling sandali sa ospital ay hindi nagpakita ng paghihirap ang aking tatay sa aking nanay dahil ayaw niyang umiyak ang aking ina, kahit na grabe ang sakit na nararamdaman ng kanyang katawan. Hindi rin nagpakita ng luha at nanatiling matatag ang aking ina sa harap ng aking ama dahil ayaw nito na makita syang umiiyak.
Nasabi ko sa mga kapatid ko, sa aking asawa at tiyahin, sana ay tularan namin ang pag-ibig sa pagitan ng aking mga magulang. Hanggang sa huling sandali.
Sep 11th
It has been difficult for me to pick up my camera the past 2 months. Since my father died in July. The last photos I’ve taken were of his’ ….to document his final journey, until he was cremated. I had to do it because I promised a sibling who unfortunately couldn’t be there. I was heartbroken, nothing seemed to matter after.
But I would like to try again. To do things I used to love, and I know I still love. One of them is photography. My love for photography started out the first time my father let me used his film camera. It was his photos of a sinking ship that inspired me to take photos. Just as I see the world.
In honor of the man who made me, me.
Cheers Pa! Ik hou heel veel van jou en ik mis je erg.
Recent Comments