Thesserie
the world from behind her camera
the world from behind her camera
Jan 12th
I finally got a spare moment to quickly take a snapshot or snapshots of some of my newly arrived Monster High dolls, c/o my aunt living in the United States. I told her I was collecting these dolls and sure enough, a collector herself, off she went to the nearest stores and bought all available dolls that I couldn’t find in our local stores. She got excited buying I was close to $300 poor, ha ha ha! But I love them all! So thank you again, tita Jules!
Anyways, Jackson Jekyll was one of the dolls she purchased for me and oh I so love his handsome face!
Why, at my age, am I collecting dolls?
WHY NOT?
Jan 11th
Join us at Litratong Pinoy.Com
Nakakatuwa ang mga pagkakataong hindi ko planado o binalak man lang katulad ng isang hapon nang kaming mag-asawa ay papauwi na. Ang simula ng araw na iyun ay makulimlim kaya’t hindi ko inaasahang sisilip ang araw bago kumagat ang gabi.
Ito ang kainaman ng lagi akong may bitbit na camera sa aking bag. Huling-huli ko ang kagandahan ng takip-silim na ito kahit na ako ay nasa loob ng aming sasakyan na (mabilis) na umuusad sa kahabaan ng highway! Isa sa laking pasasalamat ko ay ang pagkakalikha sa mga camera ngayon na hindi nangangailangan na busisiin pa ng husto para lamang magamit sa ganitong pagkakataon!
Minsan ay mas mainam pa ang hindi pinaplano
Happy LP sa inyong lahat!
Jan 4th
Join us at Litratong Pinoy.Com
Bumili kami ng lotto ticket . Binola nuong hatinggabi ng Disyembre 31, 2011. Hindi nanalo. Natalo ng Euro20.00 .
Kung nanalo kami, unang una ko’ng gagawin ay ipapagamot ko lahat ng may sakit sa pamilya ko. Lahat ng pamangkin ko ay pagtatapusin ko ng pag-aaral. Magbibigay kami ng donasyon sa ilang pangasiwaan na nagpo-protekta ng mga hayop. Magbibigay kami ng donasyon sa ilang bahay ampunan. Kung may matitira na pera, makapag-bakasyon naman sana kami sa mga bansang hanggang ngayon ay pinapangarap naming mag-asawa mapuntahan.
Pero ayun nga. Talo.
Pero ulit! Bago namin binili ang ticket sa lotto ay nakatanggap ako ng email sa isang local Dutch optical online shop na NANALO ako ng FREE complete (prescription) eyeglasses. YES! Sa buong buhay ko, isang beses pa lang ako nanalo, sa jueteng pa, lol walang biro yan
Ang idinagdag ko lang ay ang bayad sa koreo at anti-scratch/anti-glare. Halos kamukha ito ng bagong gawa kong Rx eyeglasses na kung sa Php icoconvert ay nasa 18K. Ang ibinayad ko para sa isang ito ay Php1,800 lang! Ang laki ng diprensya hindi ba?
Yan ang isa sa aking kasiyahan ngayon!
HAPPY NEW YEAR at HAPPY L.P. ulit sa inyo!
Dec 28th
Dagat. Karagatan. Isang lugar na mukhang walang katapusan kung ang kanyang katubigan lamang ang ating kukuhanan ng larawan. Maliban na lamang kung ating nais ipakita ay ang paglubog o paglitaw ng araw na madalas ay magandang imahe lalo na kung ang panahon ay maaliwalas.
Kung ating iisipin, kahit na mayroon tayong point of focus ay sadyang walang katapusan ang tubig na naabot ng ating pananaw sa karagatan. Kagaya ng iyong nakikita sa larawan. Masdan na sa malayo ay tubig pa rin ang karugtong ng mga gusali.
Bilog ang mundo. Mundo ay bilog.
Nais ko kayong batiin ng isang Manigong Bagong Taon at Maligayang araw ng Litratong Pinoy!
Dec 14th
Join us at Litratong Pinoy.Com
Ang aming Santa Claus. Halos buong buwan ng Disyembre na nakasabit sa loob ng aming bahay.
Noong bata pa ako ay laging excited kapag darating ang kapaskuhan. Hindi lamang dahil sa masaya ang panahon na ito, malaking tsansa na makakuha ng magagandang regalo, masasarap na pagkain na inihahanda ng aking lola at mga tiyahin/tiyuhin, masasayang pamaskong tugtugin na naririnig at higit sa lahat ay bakasyon sa eskwelahan, yehey!
Pero kagaya ng ibang bata-batuta, hinihintay ko rin ang pagdating ni Santa Claus! Laging tinitingnan kung may laman na ang medyas na aking isinasabit sa pinto o haligi ng aming bahay. Madalas ay tsokolate at kendi ang inilalagay ni Santa sa aking medyas
Ang mga pamaskong regalo ay nasa ilalim ng Christmas tree.
The child in me still believe in Santa
Happy L.P., everyone!
Nov 30th
Unang araw ng Disyembre na. Disyembre na! Parang kanina lang ay kasisimula lamang ng buwan ng Enero 2011, ngayon ay sa loob lamang ng ilang linggo ay matatapos na ito…bakit naman ang bilis ng pagtakbo ng panahon?!
Marami sa atin lalo na ang mga bata ay ‘excited’ sa pagtapak ng Disyembre dahil Pasko na! Sa pananaw ng isang bata ay panahon ito ng masasayang pangyayari lalo na ang araw na sila ay mabibiyayaan ng mga regalo ng kanilang mga magulang. Napakasaya nga naman, Sa ating nakatatanda, atin (pa) ba’ng ikina i-excite ang pagdating ng buwan na ito? Atin pa rin ba’ng inaalala ang tunay na kahulugan ng buwan na ito?
Hindi ako isang preacher upang mangaral sa ating mga nakatatanda na. Bagkus ay kagaya ng nakararami, minsan ay nakakalimot din ako kung ano ang tunay na kahulugan ng Kanyang Pagdating. Pero ito ang alam ko. Ibinigay ng Diyos ang Kanyang anak upang bayaran ang akin at iyong mga kasalanan. Isang uri ng pagmamahal na hindi nagbabago dahil tayo ay ‘nakakalimot’ o kahit ang marami sa atin ay hindi ibinubukas ang kanilang mga pinto (puso) para papasukin ang Dumating. Huwag lang sana tayong maghintay ng matagal na panahon na gawin ito. Iyong ibinubukas ang pinto kapag may kumakatok sa kabilang panig nito, hindi ba? Andyan na Sya, kumakatok….iyo sanang pagbuksan.
Note: ang larawan ay isa lamang representasyon, akin pong sariling interpretasyon ng temang ito. Si Hesus na aking tinaggap bilang aking Lord at Saviour ay nasa aking puso, wala siya sa ano mang gawa sa kamay na aking nakikita sa aking paligid.
Magandang araw ng PAGDATING sa inyong lahat!
Happy LP
Nov 23rd
Regalo ng aking esposo noong aking nakaraang kaarawan (Aug. 2011) ay ang ma-experience ang seminar ni Scott Kelby! Siyempre pa ako ay hindi magkamayaw sa tuwa sa dahilang may photoshop man ako sa aking laptop ay hindi ko ito nagagamit ng husto. Puro watermarking at resizing lang ang alam kong gawin dito. Sa ngayon ay yan pa rin ang aking nalalaman, ha ha ha! Oras at oras at oras ang kailangan upang magamit ito ng husto. Wala ako nito. :/
Balikan ko lamang ang aking isinusulat bago ako maligaw at kung ano pa ang maikwento ko….ito ang sulat kamay ni Scott Kelby (ay! hindi mo kilala? paki google mo
) Napakabait ng mamang ito! habang break sa kanyang seminar ay hindi sya lumabas para magkape man lang kung hindi ay inimbitahan niya ang mga naroon na kung may katanungan sila ay lumapit lamang at kanyang sasagutin ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya. Syempre pa, isa ako sa lumapit. Nagtanong, nagpakuha ng litrato at nagpa-autograph
Scott Kelby, you da man!
Recent Comments