the world from behind her camera
Pagmamahal = LOVE (LP 186)
Simula sa aking pagkabata ay napaligiran na ako ng mga hayop. Mga manok, ilang kuneho, ang mga pugo (quails) ng aking lola, baboy, aking mga pusa, at mga aso. Kaya naman ako , aking mga kapatid at pamilya ay sanay na may alagang hayop sa paligid namin.
Subalit noon ay ‘laruan’ lamang sila para sa akin. Lalo na kapag bata pa sila, ‘cute’ kasi. Hindi ko alam kung paano na sila ay alagaan.
Hangang sa dumating sa buhay ko si Charlie, pitong taon na ang nakakaraan. Si Charlie ang nagturo sa akin ng tunay na kahulugan ng pagmamahal na mayroon sa pagitan ng tao at hayop. Dahil sa ako ay sa bahay lamang nagtatrabaho, halos lagi ko siyang kasama. Kilalang-kilala nya ako at ako naman ay kilalang-kilala sya! At ang pinakamaganda sa lahat ay ang pagmamahal namin sa isa’t isa. Alam kong mahal na mahal ko si Charlie dahil lahat ay gagawin ko para sa kanya, Pero palagay ko ay mas higit ang pagmamahal nya sa akin, sa aming mag-asawa. Kung may alaga kang aso ay maiintindihan mo ang ibig kong sabihin
Dito sa unang larawan, ang aking ‘anak’ ay 6 taong gulang lamang, kuha ito nang nakaraang taon. Nagsimulang maging ‘uban’ ang kanyang buhok nang sya ay tumuntong sa edad na isa. Oo, isa. Ang aga ano? Mana sa akin, ubanin
Itong pangalawang larawan ay kanina lamang kami nag ‘photoshoot’ na mag-ina. Si Charlie, 7.5 taong gulang.
HE IS THE LOVE OF MY LIFE!
Happy LP everyone!
| Print article | This entry was posted by Thess on January 25, 2012 at 6:03 pm, and is filed under Litratong Pinoy. Follow any responses to this post through RSS 2.0. You can leave a response or trackback from your own site. |





















about 3 weeks ago
They love unconditionally talaga no? We love dogs too
[Reply]
about 3 weeks ago
Mukha siyang manika aso!
Sa totoo lang mamahalin ko ng todo todo kung ganito ka cute ang akin aso.
Happy LP!
[Reply]
about 3 weeks ago
naks naman, ka guwapo…
[Reply]
about 3 weeks ago
ang cute ni charlie. talagang mapagmahal daw ang mga aso. gusto ko tuloy magkaroon din ng asong magmamahal sa akin.
[Reply]