the world from behind her camera
Pasko Ko, Pinoy. (LP 84)
Maraming Pinoy na naninirahan sa labas ng Pilipinas ang magsasabing “ iba pa rin ang Pasko sa Pilipinas. ” Kaya naman maraming tulad kong nandito sa Europa ay nagnanais na makauwi sa ating bansa sa panahong ito ng Disyembre upang makasama ang mga mahal sa buhay ngayong kapaskuhan.
Ilang taon na ring hindi ko nakakasama ang mga magulang, kapatid at buong pamilya ko tuwing pasko. Nakapag adjust na rin naman ako pero hindi maiiwasan na medyo may kalungkutan ang aming pasko dahil napakaliit ng pamilya ng aking mister. Huling pasko (2008) ay nakasama pa namin ang kanyang ama pero sa taong ito ay hindi na dahil nasa nursing home na sya. Kaya kaming 2 lamang ng mister ko ang magsasalo ..malamang mula sa paskong ito.
shot with Nokia 5800
Naghahangad ba akong “sana ay nakasakay na ako sa eroplanong papauwi sa Pilipinas para makapag-pasko doon!“? OO at hindi.
OO dahil syempre naman ay gusto kong makasama ang mga magulang ko. HINDI dahil hindi ko pababayaang mag-isa ang mister ko ngayong pasko. Sa hirap o ginhawa, lungkot at saya – iyan ang sinumpaan ko ng kami ay ikasal.
Ito ang kakaibang mukha ng pasko ng isang Pinoy. Pasko ko. Pinoy style, sa labas ng bansa.
shot with Nokia 5800
Maligayang araw ng L.P. sa inyong lahat!
| Print article | This entry was posted by Thess on December 16, 2009 at 4:30 pm, and is filed under Litratong Pinoy. Follow any responses to this post through RSS 2.0. You can leave a response or trackback from your own site. |












about 2 years ago
ito nga talaga ang pangarap ng bawat Pinoy kapag pasko, ang makauwi at dito mag celebrate ng pasko. di ko naranasan magpasko sa labas ng Pinas kaya di ko alam kung gaano kalungkot. dito kasi kahit sa malayong probinsya ang pamilya mo, maraming kaibigan ang pwedeng umanpon sa yo sa pasko.:p
.-= luna miranda´s last blog ..Paskong Pinoy [Litratong Pinoy] =-.
[Reply]
about 2 years ago
Sa mga tulad natin na malayo – ito ang pangarap tuwing Pasko, sakay sa eroplano patungong Pinas. Walang kasing saya siguro ang Paskong Pinoy natin pag natupad.
[Reply]
about 2 years ago
Pareho tayo ng hiling sa pasko, although pwede akong mag paskong pinoy dito, punta lang ako sa bahay ng tyuhin ko kaya lang di pwede e
sa wakas pala may post na ulit ako sa LP
.-= manilenya´s last blog ..LP #84 (pangalawa ko): Paskong Pinoy =-.
[Reply]
about 2 years ago
Ay, nasa nursing home na pala si FIL mo. Di bale, kahit 2 lang kayo ni husband mo, ang pagselebrate naman ng Pasko ay wala sa dekorasyon, ito ay nasa puso. Di ba Ninang? Ahehehe
Teka, ano'ng dalawa, paano na si Charlie, bakit di kasama sa bilang?
.-= julie´s last blog ..Paskong Pinoy =-.
[Reply]
about 2 years ago
awww =) gusto ko ring makauwi sa Pilipinas kapag Pasko.. hay, kelan nga kaya.. hehehe
Merry Christmas Ate Thess..
.-= karmi´s last blog ..LP: Star ng Pasko =-.
[Reply]
about 2 years ago
oist… bawal naka on ang cellphone pag nasa loob ng plane ah? unless na ka "flight mode" ang cell mo, hehehe.
sa tingin ko ganyan nga lahat ang hangad ng mga pinoy na nasa labas ng bansa, ang makauwi sa pinas at makapag noche buena man lang sa kanyang pamilya…
.-= lino´s last blog ..Paskong Pinoy… =-.
[Reply]
about 2 years ago
ang ganda ng kuha mo ah. buti napayagan ka kumuha ng litrato sa eroplano hehehehe! kakalungkot siguro ang malayo sa pamilya lalo na pag pasko kaya nga lang, tama iyong sinabi mo rin na hindi pwdeng maiwan nalang din si mister mo. maligayang Pasko!
.-= Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#76 Paskong Pinoy (Philippine Christmas) =-.
[Reply]
about 2 years ago
masaya talaga ang pasko dito sa atin kaya nandito kami, malungkot sa Germany, kahapon dumating ang byenan ko KLM ang sinakyan niya, hapi LP and merry christmas na rin
[Reply]
about 2 years ago
Awww….hayaan mo, pasasaan ba at makakaranas ka uli ng Paskong Pinoy dito sa Pinas.
Sana'y mabisita mo rin ang aking lahok ngayong Hwebes: http://www.the24hourmommy.com/2009/12/litratong-p…
[Reply]
about 2 years ago
I want to wish you a great Christmas with your hubby, Thess! I am sure it will be a warm one.
Merry Christmas!
[Reply]
about 2 years ago
at least di mag-isa diba? meron din naman nagtatrabaho sa ibang bansa, pero walang family na kasama. i'm sure masaya din naman celebration niyo ni hubby at ni charlie! =)
.-= Iris´s last blog ..Twinkle twinkle, big tree [LP] =-.
[Reply]
about 2 years ago
Ako rin, hangad kong magdiwang ng Pasko sa Pinas, kaya lang doble ang pamasahe, hehehehe, si kuripot ako. Mura sana pero ang departure Dec 24, sa plane naman magpasko.
Kaya, magpadala nalang ng pera para maging makulay ang Pasko nila.
Meri Krismas!
.-= Ebie´s last blog ..LP: Paskong Pinoy =-.
[Reply]
about 2 years ago
Hi! Are you interested in getting a logo / header / banner or template or High PR social network or directory submissions for no cost to improve your site http://www.thesserie.com. In return you can place our links or can write blog reviews. This is a special “Christmas offer” from us. Please get back to me if you are interested.
Name: Evelyn Roberts
Email: evlinrobes@gmail.com
evlinrobes@yahoo.com
[Reply]
about 2 years ago
Nangangarap din ako ng Paskong Pinoy, ang makasama ang buong pamilya at mga kaibigan na naiwan sa Pilipinas. Ngunit sadyang ganito ang buhay ng marami sa ating kababayan – iniisip ko na lang na di naman ako nag-iisa.
Teka, yung KLM pala, yan ang sasakyan ko next month! Merry Christmas!
[Reply]
about 2 years ago
kahit sabihiin pang tag-hirap ang Pinas ay yan pa rin talaga ang hiling ng halos lahat ng Pinoy na nasa ibang bansa. at oo nga, buti hindi ka nasita sa flight mode mo. maganda ang image quality nitong 5800 ah, este nasa kumukuha nga pala yan, wala sa phone
maligayang LP at maligayang Pasko sa inyong 3, or 5 pala (musta na yung mga nangangagat na kapatid ni Prince Charlie?)
.-= Eye´s last blog ..LP84: Paskong Pinoy (Christmas in PH) =-.
[Reply]