* after I groomed him I’ve decided to take the chance for this week’s LP challenge.  this was a quick shot…all I had on my camera was my macro lens plus there was no room for me to move..otherwise he’d become impatient and would walk away. he’s told me he’ll give me just a few seconds to compose..so there*

 

I would glady do this theme every week! Lol! :P

Alagang hayop (pet)

Sa susunod na buwan ay birthday nya, June 10 to be exact. Magiging 7 taong gulang na sya. Hindi ko maituturing na ‘pet’ lang si Charlie dahil para sa akin, isa syang maliit na tao na mukhang aso :P   Kakaiba ang pagmamahal ng aso. LAHAT ibinibigay nya sa tao. Lahat ng pagmamahal nya, walang labis, walang kulang.  Maaring ang iba sa inyo ay hindi ito mauunawaan lalo na kung ang aso ninyo ay nakakadena o nakahawla. Ang mga nabanggit ko ang matataguriang pet. Si Charlie ay parte ng aming pamilya. Malaya sya sa aming buong kabahayan. Dahil sa lagi syang nililinis (at sya mismo ay ayaw ng marumi sya) kaya mula ng maliit pa lang syang tuta ay pinabayaan na namin syang  maglagi sa loob ng bahay. Hindi sya dumudumi o umiihi sa loob kundi sa labas lamang. Sanay na sya na hinuhugasan ang kanyang mga paa matapos syang mamasyal sa labas. Wala din syang sinisira na kasangkapan kaya nagagawa namin syang iwan ng ilang oras kung kinakailangan. Uupo lamang sya sa unang baytang ng hagdanan upang doon kami ay hintayin.

Kagaya ng isang bata, tampok sya ng usapan naming mag-asawa sa araw-araw na lamang. Hindi kami nagsasawa pag usapan ang mga bagay na ipinapakita at ipinapadama niya sa amin.

Madami akong gusto ikwento tungkol sa kanya kaya lang baka ma bored lang kayo. Ang tanging masasabi ko lang ay sana pakamamahalin nyo ang inyong mga alagang hayop. Kagaya natin, nakakaramdam sila ng lungkot, saya, takot, pagmamahal. Likha sila ng Diyos ng kailangan din nating irespeto.

 

Maligayang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!