the world from behind her camera
Prof. Layton (LP 102: Pindot)

Si Professor Layton, sya ang pinipindot ko bago ako matulog. Ay ang sagwa naman yata pakinggan, lol! Pero alam nyo na ibig kong sabihin dahil nakikita nyo sa larawan ang aking laruan na Nintendo DS (XL- malaki ang screen para sa mga tumatanda na at lumalabo ang mata
) Si Prof. Layton ang kasama ko bago matulog. Sya naghahasa ng utak ko sa pamamagitan ng kanyang mga puzzles. Sa totoo lang, nakatulong si Prof. sa pagpa-praktis ko para sa nakaraang exams (3) kahapon, sa lenguwaheng dutch lahat. Naipasa ko naman, tumawag ang eskuwelahan para lang sabihing pumasa ako, yey!
Sulit na sulit ang kakapindot ko sa laruang ito gabi-gabi
Kung tatanungin nyo naman kung maganda ang Nintendo game na ito: thumbs up!!! That is if you like puzzles. Sa dami ng nalaro ko sa Nintendo, sya ang paborito ko. 2 puzzles na ni Prof. Layton ang lumabas sa market, itong Pandora’s box ang paborito ko. Sana nga lumabas na yung pangatlo
Naku , nag endorse na naman ako ng produkto
Happy LP sa inyong lahat! Sa wakas makakabawi na ako ng dalaw sa inyo!
| Print article | This entry was posted by Thess on April 21, 2010 at 8:36 pm, and is filed under Litratong Pinoy. Follow any responses to this post through RSS 2.0. You can leave a response or trackback from your own site. |


about 2 years ago
aha! eto pala ang reviewer mo ha!
about 2 years ago
ah ha ha ha! korek!! I love Prof. layton!
about 2 years ago
The box is empty? tama b yon tita? (Die Kiste ist leer, dito.) ahihi. cge lang pindot to the bones! carpal tunnel syndrome, hello! lol
.-= Mirage´s last blog ..Pindot (To press) =-.
about 2 years ago
ang cute nya. mukang interesting ang larong iyan.
.-= upto6only´s last blog ..LP: Pindot =-.
about 2 years ago
Nakaka-addict yang game mo siguro ano?
.-= MsRay´s last blog ..Animals at Honolulu Zoo =-.
about 2 years ago
natawa nga ako sa una mong sinabi. Namimindot ka pala kay Prof. Layton
maligayang LP!
.-= Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#92 Press (Pindot) =-.
about 2 years ago
ang cute naman ng laruan mo! nakita ko ang isang bata dito na naglalaro ng ganyan.
happy LP!
.-= Arlene´s last blog ..LP – Pindot [Press] =-.
about 2 years ago
Wow! ang ganda naman ng laruan mo at mukhang nakakaaddict.
.-= Ladynred´s last blog ..Pindot or Press (LP) =-.