Weird ba ako? Kasi naging tree hugger ako lalo na kapag nakakakita ako ng magagandang puno! Na-appreciate ko hindi lang ang ganda nila kundi pati na rin ang kahalagahan nila sa planetang ito. Minsan nga mas masarap pa kausap ang puno keysa ibang tao na mahirap umunawa. Alam nyo bang ang pinakamatandang puno ay nadiskubre sa Sweden? Sinasabing ang kanyang trunk ay mahigit-kumulang na 600 years old pero ang ugat nito ay 9,500 years old, ganuon katanda!

Pero itong puno ko, hindi ako alam kung gaano katanda. Pero ang alam ko ay isa syang magandang nilalang ng kalikasan. Napansin ko sya ng pasukin namin ang isang lugar sa Roma na puno ng ruins. Natatangi ang puno na ito na nakatayo sa parteng iyun (see 2nd photo)

Paano na kaya tayo kung walang puno sa ating paligid, ano?

Maligayang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!

Share