favetree_1

Ang maimulat ko ang aking mga mata sa umaga, humihinga, nasa piling ng mahal ko sa buhay ay ang mga bagay na pinasasalamatan ko sa Panginoon sa araw-araw. Regalong buhay. At mabuhay ng mapayapa. Para sa akin ay karapat-dapat lang na magbigay papuri sa Kanya.

At ang higit sa lahat, ang pinakaimportanteng regalong natanggap ko ay ang Anak na si Jesus na ibinuwis alang-alang sa isang makasalanan na tulad ko.

Ang makita ng aking mga mata ang ganitong kagandang likha ng Panginoon…wow! regalong super! Isa pang magandang regalo ay ‘birthday’ ko sa darating na pasko, sa araw na ito noong 1994 ako ay na-water-baptized. :)

heavyred

MALIGAYANG MALIGAYANG PASKO PO SA INYONG LAHAT!! AT MALIGAYANG ARAW NG L.P.!

Share