Join us at Litratong Pinoy.Com

 

Ang bunker na ito ay saksi hindi lamang sa takot at pangamba kundi sa kalungkutan man. Matatagpuan ito mahigit-kumulang 2 kilometro lamang mula sa aming tahanan.

“Kazemat” ang tawag sa mga ito sa Dutch. Karamihan sa kanila ay ginawa mula sa taon 1936 upang magamit ng mga lokal na sundalo hindi lamang upang gawing ‘taguan’ kundi sa loob ng mga ito sila ang nagmamanman sa mga kilos ng kanilang kalaban. Ang mga Nazi ni Hitler. ┬áSubalit hindi lamang mga Dutch ang nagtayo ng mga kazemat sa bansang Nederland kundi maging ang mga aleman na sundalo ni Hitler ay nagtayo din ng mga ito upang gamitin laban sa lokal na sundalo.

 

 

Malimit ko itong nakikita sa tuwing kami ay naglalakad sa kakahuyan na ito. Hindi lamang ‘amazement’ ang aking nararamdaman sa tuwing nakikita sila kundi may halo itong kalangkutan. Saksi ang mga kazemat na ito sa madugong pangyayari sa kanyang paligid ng mga panahon na iyun.

Sana naman ay hindi na muling magamit pa ang mga ito.

Magandang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!