Ang sarap maglakad talaga sa mga liwasan dito sa aking lugar. Mayroong 3 liwasang malapit sa aming bahay kaya hindi problema kung saan maglalakad kapag kinakailangang magpahangin o makipaglaro sa aming aso. Nagdadala kami ng bola para sa kanya para naman hindi sya mainggit sa ibang aso na may bola …pero minsan  \ay nakakalimutan naming magbitbit ng kanyang laruan, wawa naman :P

Subalit ang nakikita ninyo sa larawan ay hindi ang aming aso. isa sya sa maraming naggagandahang aso na sa tuwina ay nakikita sa mga parke. Tinanong ko ang may-ari kung nao ang kanyang pangalan. GIZMO.

I-click mo ang larawan para ito ay lumaki, masdan mo amigi ang kanyang mukha. GIZMO. :D

Magandang araw ng Litratong Pinoy, mga kasama!