Join us at Litratong Pinoy .Com

Sisidlan ng pagkain. Mangkok ang tawag sa tagalog. Yan ang aking napiling isali sa Litratong Pinoy ngayong linggo’ng ito.

Noon naman ay hindi ako ‘maarte’ sa aking mga kagamitan sa kusina at hapag kainan. Dahil sa nahilig sa pagluluto at nagkaroon ng foodblog (na ngayon ay inaamag na :P ) ay natuto akong mag-ipon ng mga gamit na kagaya ng mga mangkok na ito. Paborito ko silang gamitin sa aking food presentation, at talaga din namang ginagamit namin ito sa tuwina. Nasuwertihan ko lang sila ng minsan ay napagawi ako sa kitchen section ng isang tindahan na malapit sa aming bahay. At ano pa nga ba, binili ko agad sila.

HAPPY L.P. sa inyong lahat!