* click for a larger image*

Talagang puro bulaklak na lang yata post ko dito sa blog ko, hindi lang pang -365 project ko kundi para na rin sa Litratong Pinoy this week. Hindi naman sa nagrereklamo ako sa sariling kagagawan ko, kaya lang baka kayo magsawa :P Medyo nahirapan akong maghanap ng batik sa paligid ko, kahit ng mantsa. Nang ibukas ko ang file ko kung saan nandoon ang mga may watermark ng mga litrato ay nakita ko ito. Kundi pa naman batik-batik ang orchid na yan, ewan ko na lang.

Kasing laki sya ng palad ko. Nakuhanan ko ng larawan noong taong 2008 sa Keukenhof dito sa Holland. Taon-taon ay binibista ng libo-libong Dutch at turista ang Keukenhof dahil dito naka display ang sari-saring nag-gagandahang bulaklak! Isa ang bansang Holland sa Europa na nag e-export ng mga bulaklak sa iba’t ibang parte ng mundo.

Kung wala ang kanyang mga batik, di ba para syang hubad?

* ginamitan ko ng picknik editing software (sa flickr) ang image, dumami ang noise …eto ang original sa ilalim, may noise na din ng konti*

Amyway, I’m wishing you Happy L.P. everyone!! :)