Tag Archives: Canon Powershot G12

madami

O kay dami nyo’ng mga….. (LP 190: madami)

 

 

Bakit po ganyan ang itsura ng aking larawan, mga ka L.P.?

2 dekada (nyek, buking ang edad! :P ) na akong hindi naninirahan sa ating bansa. Hindi din madalas na nakakauwi. Ilang bansa sa Asia din ang aking natirhan bago napadpad sa kontinentong Europa. Ayaw ko man ay naninibago ako sa aking paligid sa tuwinang ako ako napapauwi sa Pilipinas. Maraming pagbabagong gusto kong isipin na ang mga ito ay positibo. Sabi ko lagi sa sarili, depende sa tumitingin minsan, may mga pangit para sa (paningin) iba subalit maganda naman para sa iba din.

Ang hindi ko lamang maaring ‘pagandahin’ kahit anong pilit ko ay ang barabarang ugali ng marami sa ating mga nagmamaneho sa Pilipinas. Pampubliko man o pribado. Para ba’ng sila lang ang may karapatang makarating sa kanilang patutunguhan kaya unahan, sanhi tuloy ng karimarimarim na trapiko. Ang nasa larawan ay isang tagpo sa Cubao na aking nakuhanan ng larawan nitong nakaraang taon. Sabado ito. Nang dahilan nga sa hindi ako sanay sa buhol buhol na trapiko at gitgitang mga sasakyan, ako ay namamangha talaga. Nalulungkot. Ikaw ko sa sarili ko: “Di ba sabado, weekend? bakit parang gitgitan pa rin sa kalye na dapat ay maluwag sa panahon na ito?” Gusto ko na ‘blurred’ na lang sila sa paningin ko, mas maige pa (hence the photoshopped image.)

Ito ba ay sanhi ng madaming sasakyan? O sa dami ng mga nagmamaneho na sadyang walang sinusunod na batas?

 

Magandang araw ng Litratong Pinoy sa inyo! :)

onderweg

Hindi PLAN(ad)O (LP 184 Balak or plan)

Join us at Litratong Pinoy.Com

Nakakatuwa ang mga pagkakataong hindi ko planado o binalak man lang katulad ng isang hapon nang kaming mag-asawa ay papauwi na. Ang simula ng araw na iyun ay makulimlim kaya’t hindi ko inaasahang sisilip ang araw bago kumagat ang gabi.
Ito ang kainaman ng lagi akong may bitbit na camera sa aking bag. Huling-huli ko ang kagandahan ng takip-silim na ito kahit na ako ay nasa loob ng aming sasakyan na (mabilis) na umuusad sa kahabaan ng highway! Isa sa laking pasasalamat ko ay ang pagkakalikha sa mga camera ngayon na hindi nangangailangan na busisiin pa ng husto para lamang magamit sa ganitong pagkakataon!

Minsan ay mas mainam pa ang hindi pinaplano :D

Happy LP sa inyong lahat!

 

 

dulongdagat

Nasaan ang dulo? (LP 182: Tapos)

 

Dagat. Karagatan. Isang lugar na mukhang walang katapusan kung ang kanyang katubigan lamang ang ating kukuhanan ng larawan. Maliban na lamang kung ating nais ipakita ay ang paglubog o paglitaw ng araw na madalas ay magandang imahe lalo na kung ang panahon ay maaliwalas.

Kung ating iisipin, kahit na mayroon tayong point of focus  ay sadyang walang katapusan ang tubig na naabot ng ating pananaw sa karagatan. Kagaya ng iyong nakikita sa larawan. Masdan na sa malayo ay tubig pa rin ang karugtong ng mga gusali.

Bilog ang mundo. Mundo ay bilog.

 

Nais ko kayong batiin ng isang Manigong Bagong Taon at Maligayang araw ng Litratong Pinoy!