the world from behind her camera
Posts tagged litratongpinoy
Pagmamahal = LOVE (LP 186)
Jan 25th
Simula sa aking pagkabata ay napaligiran na ako ng mga hayop. Mga manok, ilang kuneho, ang mga pugo (quails) ng aking lola, baboy, aking mga pusa, at mga aso. Kaya naman ako , aking mga kapatid at pamilya ay sanay na may alagang hayop sa paligid namin.
Subalit noon ay ‘laruan’ lamang sila para sa akin. Lalo na kapag bata pa sila, ‘cute’ kasi. Hindi ko alam kung paano na sila ay alagaan.
Hangang sa dumating sa buhay ko si Charlie, pitong taon na ang nakakaraan. Si Charlie ang nagturo sa akin ng tunay na kahulugan ng pagmamahal na mayroon sa pagitan ng tao at hayop. Dahil sa ako ay sa bahay lamang nagtatrabaho, halos lagi ko siyang kasama. Kilalang-kilala nya ako at ako naman ay kilalang-kilala sya! At ang pinakamaganda sa lahat ay ang pagmamahal namin sa isa’t isa. Alam kong mahal na mahal ko si Charlie dahil lahat ay gagawin ko para sa kanya, Pero palagay ko ay mas higit ang pagmamahal nya sa akin, sa aming mag-asawa. Kung may alaga kang aso ay maiintindihan mo ang ibig kong sabihin
Dito sa unang larawan, ang aking ‘anak’ ay 6 taong gulang lamang, kuha ito nang nakaraang taon. Nagsimulang maging ‘uban’ ang kanyang buhok nang sya ay tumuntong sa edad na isa. Oo, isa. Ang aga ano? Mana sa akin, ubanin
Itong pangalawang larawan ay kanina lamang kami nag ‘photoshoot’ na mag-ina. Si Charlie, 7.5 taong gulang.
HE IS THE LOVE OF MY LIFE!
Happy LP everyone!











Recent Comments